Flashback- First Kiss

4 0 0
                                    

***
Ilang buwan ang nakalipas ay mas lalo pa kaming napalapit ni Drew sa isa't isa.

Tuloy tuloy na rin ang pag aaral ko online. I called my mom and dad to inform my desicion.

They were dissapointed AGAIN, but dad said na mas mabuti na rin daw yon, mag mamanage ka ng mga artists, sana nga lang daw hindi na ako nag aksaya na mag enroll sa AIM, sayang lang kasi.

Napapadalas na rin ang pagdalaw ni Drew dito sa condo ko kaya heto kami ngayon, naglalaro ng video game, habang kumakain ng Pizza tsaka fries.
Nakaugalian niya na kasi na bumili ng pagkain sa tuwing pumupunta siya dito.

"Ano suko kana?" Tanong ko sa kanya.

"No way! Tingnan mo, matatalo rin kita." Sambat niya habang nakatutok sa flatscreen habang sinusubukang mag drift sa nilalaro naming Need For Speed.

"Nga pala, mamaya punta ka sa gig ha." Aniya

"Bakit naman? May problema?"

"Wala lang. Kailangang bang may problema para pumunta ka? Tsaka tuwing umaga lang naman yung klase mo tapos dito ka lang naman nag aaral, e para maka labas ka naman, para ka nang aswang niyan na hindi lumalabas." aniya

"Oh sige bah. Titingnan ko nga kung paano ka kumanta sa stage."
Mag iisang buwan na rin simula ng tumugtog siya pero ni minsan hindi pa ako nakadalo. Kailangan ko kasing mag review.

--

Naisipan naming magluto ng hapunan at pag katapos namin ay magsasaglit muna kami sa condo niya para magpalit ng damit tsaka pupunta sa bar na pinagtutugtugan nila.

"Pero alam mo Drew, matagal ko na sanang gustong itanong sa yo. Mayaman ka naman, Sabi mo nga may-ari ang pamilya niyo sa isang sikat na kompanya. Pero bakit kailangan mo pang magtrabaho sa bar?" Tanong ko sa kanya habang hinihiwa ang kamatis.

"Hindi naman tungkol sa kikitain ko dito e, gusto ko kasing tumugtog. Hilig ko rin ang kumanta. Noong bata pa ako, ang pinangarap ko lang ay maging bokalista mg isang sikat na banda. Simple as that. I dont wanna be the most wealth bachelor, or one of the faces of Forbes. Ang sabi ko noong maliit pa ako, When I grow up I just wanna be like Kurt Cobain or Axl Rose or Jon Bon Jovi."

Natapos ang  hapunan namin ay sabay rin naming hinugasan ang plato.
Ang harot ng isang to, paano ba naman kasi eh nilagyan ng bula ang mukha ko. Kaya ginantihan ko siya.

Hindi bula ang ipinahid ko sa mukha niya kundi liquid detergent.

"Hahaha! Drew, para kang timang."
tawa ako ng tawa kasi ang itsura niya parang nandidiri na ewan.

"Ang lagkit! Humanda ka sa akin Kassie!"

Umatras ako sa kanya ng makita kong nilagyan niya ng sangkaterbang liquid detergent ang kamay niya.

"Don't you dare Andrew!" Sabi ko habang umaatras pa sa kanya.

"Oh yes I dare you honey!" At bigla niya nalang akong hinabol.

Napasigaw ako ng maabutan niya ako sa likod ko, niyakap niya ang bewang ko at binuhat at pina ikot ikot.

Tumili ako ng maramdaman kong pina ikot ikot niya ako.

"Andrew Tama na! Suko na ako!"
I laughed hard.

"Suko ka na? Haha! Walang sukuan Kassie. Humanda ka." Sabi niya at pinaharap ako.

He's about to touch my face using his hand full of Detergent. Pumikit ako ng mariin. Get ready Kassandra. Lalagkit rin yang mukha mo. I thought.

Pero hindi ko inasahamg ang mangyayari. Nanatili akong nakapikit ng hinalikan niya ako sa labi.

When I Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon