Flashback- Forgotten

4 0 0
                                    


***

Kasalukuyang bumabyahe kami papuntang hotel dahil tapos na ang concert.
Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi dahil kanina.

Its 8 in the evening and we both agreed to have a dinner at the hotel's restaurant.
Kahit hindi naman ako nagugutom kasi bakas parin sa akin ang excitement ay pumayag na lang ako, because Drew is probably hungry by now.

I mean sino ba naman ang hindi magugutom? Simula alas dos pa kami ng hapon nakatayo doon. Pero ako, parang hindi tumalab ang gutom sa akin dahil napaka saya ko ngayon.

Nang maihain ang inorder ni Drew na steak para sa akin ay doon ko pa lang naramdamam ang pag kalam ng aking sikmura.

Sumimsim ako ng wine sa kopita habang nakatingin kay Andrew na hinihiwa ang karne sa kanyang plato.

Nagsimula na siyang magkwento tungkol sa nangyari kanina. How amazing the concert was, How my face reacted, how everything become so memorable for the both of us. I keep on saying Thank you to him. Simula kanina pa lang ay panay na ang pagpapasalamat ko sa kanya dahil dinala niya ako sa ganitong experience.

Tinatawanan niya lang ako tuwing magpapasalamat ako at kung tinatanong ko kung magkano na ang nagasto niya. I insisted na ako na lang magbayad ng hotel namin para hindi mabigat sa kanya kaya lang tinanggihan niya.

Matitibag daw ang ego niya kapag pinagbayad niya ang isang babae bagamat may pera naman siya.

--

Matapos ang hapunan ay umakyat na kami sa room namin. He swiped the card and the door opened.

Ngayon ko pa lang naramdaman ang sakit ng mga paa ko. Marahil dahil sa limang oras kaming nakatayo at lumundag doon.

I threw my self at the couch and put my tired feet at the coffee table.

Pinauna ko si Drew mag shower dahil gusto ko munang magpahinga saglit. Damn, Im tired. But its worth it anyway.

Nagdaan ang ilang minuto ay lumabas na si Drew sa banyo. Hindi ko maiwasang titigan siya sapagkat naka tapis lang siya ng tuwalya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Dagdagan mo pa ang dumadaloy na tubig sa kanyang buhok papunta sa kanyang matipunong dibdib.

What the hell? Im getting pervert on my mind, dammit!

Kinuha ko na lang ang extrang tuwalya at dali daling pumunta sa banyo. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin. Damn! I probably need a cold shower for this.

Nang makapag ayos na para makapag tulog ay humiga na ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ring gumalaw ang kama kaya
Napagtanto ko na tumabi na rin siya sa akin.

"Hey babe, Tired?" I heard his husky voice asking.

Tumango lang ako pero nakapikit pa rin.

Napaigtad ako ng maramdaman ko ang mainit na palad niya sa aking paa.

"I hope this will ease."

"Hmm" yon lang ang tanging nasabi ko.

Minamasahe niya ang aking Paa at mga daliri. It's quite relaxing. Ipinatong niya ang aking mga paa sa unan para mas maging komportable.

--

Alas Tres nang hapon ang flight namin pabalik. Iniisip ko pa lang ang nakatambak na aralin pag uwi ko ay nawawalan na ako ng gana. This sucks! Eto ang pinaka ayaw ko sa lahat kapag may bakasyon. Iyong uuwi ka na nga lang ay may naka antay pa sayo na sandamakmak na trabaho pag uwi mo.

"That is one hella experience isnt it?" Drew said.

"Yeah. But I hate this part though." Tamad kong sambit sa kanya.

When I Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon