Sorry na..

6 0 0
                                    

**Jillian's POV**

Pinagsasabe neto? Nagsaway lang ako meron agad? Tss. Kanina pa to nang aasar e. 4th period na namen, Math. E sa sobrang tamad ng teacher namen magturo, ayun. PINAGPARTNER-PARTNER kami. Sino pa bang makakapartner ko? Edi yung walangyang hudas na yun -.- Pero pasalamat sya, mabait ako ngayon. Ako nalang gagawa, baka di namin matapos e.

"Wuy, sigurado ka bang ikaw na gagawa nyang lahat? Ayaw mo ba ko mapagod? May gusto ka talaga saken no?" , "Anong may gusto?! Gago malandi lang nagkakagusto sayo! Dyan ka na nga!" GRR! Nagiinit talaga ulo ko dito. Bahala sya gawin yan. Kanina pa ko nagtitimpi sakanya ah.

Naglalakad na ko paalis ng school. Dismissal na, di ko parin sya pinapansin. E sya yata may gusto sakin e? Panay pa-cute. Sus. "Teka lang Jillian! Pwede ba ko paturo sayo bukas? Di ko kasi natapos yung activity naten sa Math kanina. Sige ka, grade natin yun." Inirapan ko sya, "Sige." Matipid kong sagot. "Tsaka, ingat ka sa pag uwi ha! Hatid kita?" presinta nya. "Hindi na no! Di mo ko anak para ihatid! Sige salamat." Problema nun? Yaan mo na nga.

Pagkauwi ko palang sa bahay, ngbihis na agad ako. Tas nahiga na. Katamad ba gumawa ng assignments e. Sa school nalang bukas....

**1 message received**

Jill, sa Library moko turuan bukas ha. Salamat, goodnight. Loveyou, haha. ;) :* -Marion

From: 0935*******

LANDI. Di ko na nireplyan. Tinatamad ako tska wala ring load. Ahaha.

*kinabukasan*

"Psst. Jill. Tara na, turuan mo na ko." Ito na naman to. Nangungulit na naman. Nakikita ko palang talaga pagmumukha neto sira na araw ko e! Sinigawan ko sya, " Tae naman oh! Pwede ba mamaya na!" Sumagot pa, "Bakit mamaya pa?! E wala ka namang ginagawa ngayon e!" E SA AYAW KO E. BAKIT BA. "E SA TINATAMAD AKO. MAY MAGAGAWA KA BA?" Ito na, nagsisigawan na kame. Napikon na sya. Haha, yeah panalo. "Sige, bahala ka dyan. Di ko nalang ilalagay pangalan mo dun sa papel. Ako lang naman gumawa nun e." UMAY! Porket alam nyang grade conscious ako ganyan na? Wala na kong magagawa. Lulunukin ko na pride ko. Naglalakad na sya palayo e. "HOY Marion! Tara na nga." And I saw him SMIRKED! Sabi ko na e. Talo na naman ako. Harujusko. Kung pede lang e, sasapakin ko to.

Habang naglalakad kami papuntang library, pinagtitinginan kame ng mga malalandi kong schoolmates. Pano, kilala nila ko na siga. Tas eto, kasama ko yung "GWAPONG VARSITY NG BASKETBALL" Sama ng tingin nila ha. Parang pinapatay nila ko sa isip nila. Asarin ko kaya sila? AHAHAHA. Bigla kong pinalupot yung kamay ko sa braso ni Marion. Na ikinagulat nya naman, haha. Tiningnan ko lang sya ng masama, para maki-ride sya. At eto nga! Lalapitan na sana ko nung ex ni Marion. Kaso inunahan na syang pagsabihan ni yabang (Marion). "Excuse me, Gail. Dadaan kami ni Jill. Marami pa kaming gagawin." At ayun! Halos humagalpak ako kakatawa. Kasi pulang pula yung mukha nung Gail na yun! >:) Wahaha! NAYS NAYS.

***library***

Eto na. Nagawa na kami nung activity namen. Nung una ayos pa. Pero nung tumagal na, di na okay. Nagmamarunong kasi masyado!

"MR. MARCELO AND MS. GONZALES! GET OUT OF THIS LIBRARY NOW!" Ito na nga ba sinasabe ko e. Buti nalang medyo tapos na kame. Bago pa kami lumabas ng library, sinagot ko muna yung librarian. "Tara na nga Marion. Buti nga may nagpupunta dyan sa library e. Mala-Ghost town na nga to."

**Marion's POV**

Nakalabas na kame ng library ni Jillian. Nakakagulat talaga tong babae na to. Walang kinakatakutan. "Jill.." Napahinto sya. Eto na! Ahaha. Ganti ganti ganti!! "May gusto ka talaga saken no?" Kumunot yung noo nya. Wahaha. Eto na talaga. " Kasi hinawakan mo braso ko kanina e. So... Liligawan mo na ba ko?" BIGLA SYANG NAMULA. Di ko alam kung kinikilig ba to o ewan. **BOOGSH** "Aray! Bat moko sinapak?!" Ang sakit ah, napasandal ako sa dingding ng corridor. Argh. "Alam mo, mahangin ka. Nakakapikon ka na. Isa pang asar mo saken di lang yan aabutin mo." Cold nyang sabe. Hala! Napikon na. Oo takot ako dyan. Teacher nga sinasagot nyan e. Tas nanapak pa ng babae dati. Sinong di matatakot? okay gay na ko. Pero matona sya e.

**Jillian's POV**

Sakit ng kamay ko dun ah! Ang tigas pala ng mukha nun. Namumula ngayon e. Lunch time na namin, kasama ko ang ever-so-malandi kong bestfriend na si Arnold. Bading sya. Kaya ang sarap kasama e. Minsan kaya, napgkakamalang magjowa kame. Maganda sya, pogi ako. Haha. "Arnold, mauna ka na. Punta lang akong clinic. Sakit ng kamay ko e." Tapos isang napakatamis na ngiti sng sinagot saken ni Arnold. Pano, malaya syang makakahanap ng Papi. (Papi means lalaki) Pagkapasok ko palang, nagulat na talaga ko sa nakita ko. Si Marion, namamaga yung sinapak kong parte ng mukha nya. Awstu. Yung akin namumula lang, sakanya namamaga! Nagi-guilty ako..

Nung nakita nya ko, biglang lumambot yung tingin nya. Parang lalo pa kong na-guilty.

"Marion.. Sorry na." Lalong lumungkot yung mukha nya. Grabe, gusto kong maiyak T___T Hinawakan ko yung kamay nya, tas bigla nyang hinawakan yung kamay ko. Nagulat ako. Tapos sabi nya, "Masakit tong ginawa mo. Kelangan mo bumawi saken." Oo na. Sige na.

**Marion's POV**

"Masakit tong ginawa mo. Kelangan mo bumawi saken." Kinokonsensya ko sya, grabe ah. Ang sakit nitong suntok nya saken! Alam ko na.. *grins* "KELANGAN KITANG MAGING BESTFRIEND. Bestfriend na alalay ko, utusan ko. Di bestfriend na karaniwang alam mo. Okay?" Haha, ito gusto ko sakanya e. Biglang nainis na ewan yung itsura nya. Pero wala syang magagawa.

"Tara na! :)" Sabi ko sakanya tas hinila ko na sya palabas ng clinic. Di ko napansin, namumula yung kamay nya. "San mo nakuha yan?" tanong ko, nahihiya syang sumagot. "Wala yan." Tas saka ko lang narealize, ito yung pinangsapak nya saken! Ahaha. "Sa mukha ko ba galing yan? Hahaha, tingnan mo. Lakas ng loob mo manapak, ikaw pala yung masasaktan! Hahaha" Di ko na sya namalayan, nilayasan ako. -_- Anyway, nasabi ko na sainyo na Crush ko si Jillian? Wiih. Iba kasi sya e. Di sya yung babae na halos ihain na nila yung sarili nila sa mga lalaki. Kahit may pagkatomboy, wala syang pakielam sa sasabihin nila. She's living her life the way she likes it. Not caring of what others will say. Tulad ngayon, balak kong umiscore sa pamamagitan ng bestfriend. Torpe e no? Hay. Sorry namn po... xD

A/N: Hiiii :) Wala namang masyadong nagbabasa nito e. Huehuehue. Pasensya na po kung maiiksi ang UD. Sa phone lang po kasi ako naguupdate e. THANKYOU PALA KAY JAVelasco na gumawa ng book cover ko. Hihi

- hernameis22

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever alone until..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon