“YES! Gagraduate na tayo.. wohoooo!” sigaw ni Blue habang nasa tambayan sila, katatapos lang kasi nilang kunin ang mga toga nila.
“Tss, I thought you didn’t make it” pangaasar ni Wave
“kung di ko pa yan tinulungan sa thesis nya malamang maiiwan pa yan dito. Haha” dagdag naman ni Jale.
“Lul! Babaero lang ako pero di ako boploks!”
“sus, kung di dahil sa akin hindi kamo yan sisipaging mag aral.” Pagmamalaki ni Lara
“naman Love… alam mo namang inspiration kita.” Sabay akbay pa dito.
“ang cheesy nyo naman. Ano ba yan!” reklamo ni Sammy
“tsk, yung isa kasi dyan pahina hina..” kanchaw ni Melody, lagi na kasi itong nasa WU simula ng ikasal sila, gusto kasi ni Jale na laging kasama ang asawa.
“okay, patay malisya..” banat ni Lara
“nga naman Wave, napagiiwanan ka na. Si Jale kasal na, ako nagpropose na.. e ikaw? Tsk tsk”
“nahanap mo na ang matagal mo ng hinahanap, ayan na nga o, katabi mo na. hanggang kaibigan na lang ba yan dude?”
Wave only gives his two best friends a death glare.
“baliw kayo, bestfriend ko tong si Ashing..” sabay akbay pa ni Sammy kay Wave [check out their story sa LUCKY NUMBER]
“susme di na yan uso.. friendzone lang ang peg?” sabi ni Lara at nagkatawanan naman sila.
“hey..Jale.. pwede bang magpatulong sa thesis? Please..” sabi ng babae sa malanding boses ng lumapit ito kila Jale habang nagkukulitan at nagtatawanan sila.
Nagkatinginan naman sila Lara at Blue, animoy nagtatanong ang una kung sino ang babaeng lumapit sa kaibigan nila.. Napataas na lang ng balikat si Blue as an answer.
“One of his admirer.” bulong ni Melody kay Lara ng makita nyang curious na curious ito.
“wala lang sayo?”
Melody just smile then say.. “I trust him..”
“yan naman si Melo, matindi tama kay nerd! Hahaha” pangaasar ni Blue.
“sure..” sagot ni Jale sa malanding babae
O_O Lara
o_O? Blue
~_~ Wave
@_@ Sammy
^_^ Melody
“But my things are not here.. andon sa kabilang table, with my groupmates.” Malanding sabi ng babae
Sabay sabay nilang nilingon ang lugar na tinuro ng babae, puro babae ang mga naroon at may isang bakla pa.
“okay, then.. let’s go” sagot muli ni Jale
Tumayo na ito at inayos ang gamit..
“seriously Melody? Wala lang din sayo yun, girl?”
“I trust my dear husband.” ^_^
“let’s go Jale.” Sabay pulupot ng kamay nito sa braso ni Jale
“seryoso ka dude? Here’s your—“
Hindi natuloy ang sasabihin ni Blue dahil sa sunod na ginawa ng kaibigan.
Sumama ito sa babaeng malandi but he is with…
Melody! Holding hands while walking pa ang mga ito kaya napabitaw ang malanding babae sa braso ni Jale.
“hey ladies.. you want me to help you with your thesis?” he said ng makarating sila sa table ng kagrupo ng malanding babae.
BINABASA MO ANG
THEIR LOVE STORY [short story]
Short StoryLove story nila Jale at Blue - barkada ni Wave sa LUCKY NUMBER.