Tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Trey. Hanggang ngayon ay cold pa rin siya. Hindi ko na alam ang gagawin. Sinubukan ko naman siyang kausapin at tanungin kung ano bang problema o kung mayroon ba akong nagawa na hindi niya nagustuhan, pero ni isa ay wala man lang siyang sinabi. Wala naman akong magawa kaya hinayaan ko lang na ganoon kami ng ilang araw. Baka kasi lumala lang kapag pinilit ko siyang tanungin. Ayoko namang mangyari 'yon kaya ang iniisip ko na lang ay magkakaayos din naman kami kalaunan. Hindi naman siguro aabot sa hiwalayan ang simpleng hindi namin pagkakaintindihan na dalawa, hindi ba?
"O, anak, magkaaway pa rin ba kayo ni Trey?"
Umiling lang ako saka isinubsob ang ulo sa unang yakap-yakap ko. Nandito ako ngayon at nakahilata sa sofa at inaabala ang sarili sa panonood ng paborito kong palabas para hindi ko na rin gaanong maisip ang problema naming dalawa ng boyfriend ko. Pero kahit ang crush kong si Captain America ay hindi ako kayang i-distract mula sa pag-iisip ko kay Trey.
Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakaisip.
"Ma, hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit siya nagkakaganon. Wala naman siyang sinasabi sakin. Hindi rin naman kami nagkakaaway nitong mga nagdaan na araw. Basta bigla na lang siyang naging cold. Hindi ko na talaga alam kung ano ang iisipin ko."
Marahan niya lang na tinapik ang balikat ko.
"Kailangan niyo lang mag-usap ng seryoso. Yung kayong dalawa lang." Saad pa ni Mama saka umalis.
Napatungo na lang ako.
Paano naman kami magkakausap kung ayaw niya nga akong pansinin? Ni hindi nga rin siya nagre-reply sa mga text ko. Ang hirap lang suyuin ng isang taong parang wala ng pakialam sa'yo. Yung tipong ni hindi mo nga alam kung may nagawa ka ba, tapos bigla-bigla na lang magagalit sa'yo ng walang dahilan at hindi ka papansinin. Mahirap, sobra. Hindi mo alam kung paano mangangapa.
"Samantha, wala ka bang balak sagutin 'yong telepono mo? Kanina ko pa naririnig na tumutunog 'yon sa kwarto mo." Narinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina.
Nagmadali naman akong pumanik sa kwarto para tingnan ang cellphone ko. Nang buksan ko ito ay bumungad sakin ang limang missed calls mula kay Trey. Nanlaki naman ang mga mata ko.
Hala, hindi ko nasagot ang mga tawag niya.
Tatawagan ko na dapat siya nang biglang magvibrate sa kamay ko ang cellphone ko.
Trey calling.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung paano ko ba siya kakausapin. Yung normal ba na parang walang nangyari? Paano ba? Ni hindi ko nga alam kung magkaway ba kami o ano.
"Uhm, hello?" Nag-aalangan pang bati ko sa kanya nang mapagdesisyunan ko ng sagutin ang tawag niya.
Hinga lang, Samantha. Si Trey lang yan. Boyfriend mo yan. Walang gagawing masama sa'yo yan.
"Kung okay lang sa'yo, pwede bang magkita tayo ngayon?"
Napatingin naman ako sa orasan nang sabihin ni Trey 'yon. Alas-siete na halos ng gabi. Papayagan naman siguro ako ni Mama. Si Trey naman ang kasama ko eh.
"Okay lang, Tee. Saan ba?"
Matapos niyang sabihin na magkita na lang kami sa public garden na madalas naming puntahan ay ibinaba na agad niya ang tawag. Still no "I love you's." Siguro ay hanggang ngayon, galit pa rin sakin si Trey. Sana pagkatapos naming mag-usap ay maging ayos na ang lahat. Nahihirapan na rin kasi ako sa ganitong set-up naming na halos hindi na kami nagpapansinan.
Mabilis akong nagbihis at nagpaalam kay Mama. Agad naman siyang pumayag nang sabihin kong si Trey ang kasama ko at mag-uusap lang kami.
"Ingat ka." Paalam pa nito saka isinarado ang gate pagkahatid sakin sa labas.
BINABASA MO ANG
Faulty Hearts [J-hope Fanfic]
Short Story[Completed] His kind of love is ordinal and it seems like her love for him could never be enough.