Chapter 9

111 11 4
                                    

"Naandito na tayo." Anunsyo nung isang Professor kaya dali-daling nagsipagtayuan ang mga kaklse namin at kanya-kanya nang ayos ng mga gamit saka nagpaunahan sa pagbaba.

"Saglit lang, Samantha. Upo muna tayo dito. Medyo nahihilo pa 'ko." Rinig kong bulong ni Nikko kay Samantha saka pinigilan ang akmang pagtayo nito.

Hands off.

Gusto ko sanang sabihin na hwag niyang hawakan si Sam pero naalala kong wala na nga pala kami. Wala na kong karapatan sa kanya at lalong wala na dapat akong pakialam sa mga ginagawa niya.

"Trey, patulong naman sa mga gamit ko, please."

Napalingon ako sa tabi ko nang marinig ang boses ni Mandy. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit laging nakabuntot sakin ang babaeng 'to. Minsan ay nakakairita na.

Tumayo na lang ako saka siya tinulungang ibaba yung gamit niya sa bus. Halos lahat ng mga estudyante ay nakababa na, sina Samantha na lang ang hindi.

"Sige, mauna ka na, Mandy. Babalikan ko pa 'yung mga gamit ko."

"Hintayin na kita." Nakangiting saad niya pa.

Kahit hwag na.

"Hoy, Mandy! Tigil-tigilan mo na nga 'yang si Gonzales. Malaki na 'yan. Kaya na niya sarili niya." Sigaw naman ni Nate mula sa 'di kalayuan.

Wala namang nagawa si Mandy kung hindi ang umalis habang kunot na kunot ang noo. Ako naman ay muling umakyat ng bus para kuhanin ang mga gamit kong naiwan.

"May dala akong gamot, gusto mo?"

Napatigil ako sa paglapit nang marinig ang boses ni Samantha.

"Ayoko ng gamot." Sagot naman ni Nikko.

Ang arte, para gamot lang naman. Bakla ata 'yan eh.

"How about candies? Mayroon din ako sa bag. Wait, kunin ko."

Why does she care so much?

Alam ko namang magkaibigan silang dalawa kahit noon pa. Magbestfriend na sila bago pa kami magkakilala ni Samantha. Pero noon pa man, noong mga panahong kami pa ni Sam, ay pinagseselosan ko na talaga si Nikko. Samantha would always say na magkaibigan lang sila at para na nga raw kapatid ang turing niya kay Nikko. Pero lalake ako. Alam ko, kahit sa isang tingin pa lang, na may nararamdaman 'yang lalaking 'yan kay Samantha.

"Ay, kalabaw ka!" Gulat na saad pa ni Samantha ng pagbukas niya ng pinto ng bus ay nadatnan niyang nakatayo lang ako sa harapan niya.

Matatawa na sana ako dahil sa naging reaksyon niya kung hindi ko lang sana napansin ang paghawak niya sa braso ng bestfriend niya.

She would always cling on to my arms whenever she's scared. Just like now, but instead of mine, she's holding onto someone else's arms. And it didn't feel nice. I felt something cracked inside me, near my chest, probably my heart.

"You scared me." Nanlalaki ang mga matang saad pa niya.

"Ah, kukunin ko lang sana yung gamit ko sa loob."

Tumangu-tango naman siya saka bahagyang gumilid para padaanin ako. Pumanhik naman ako saka nagdiretso para kunin ang gamit ko sa loob habang sila ay bumaba na ng tuluyan sa bus. Hindi ko naman mapigilang panoorin sila hanggang sa makaalis sila.

Sana tayo na lang ulit, Samantha.

***

Sobrang ganda talaga sa lugar na 'to. Sariwa ang hangin at napapaligiran kami ng mga nagtataasang puno. Nasaktuhan rin na sobrang ganda ng panahon at hindi masyadong maaraw.

Faulty Hearts [J-hope Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon