Chapter 12 - EPILOGUE

185 12 0
                                    


Pinangako sa sarili ko na kapag nakaaalis na ako sa lugar na 'to, hinding-hindi na ako babalik pa kahit kailan. Masyadong maraming magandang nangyari sa'kin dito, totoo naman ang bagay na 'yon. Mga magagandang pangyayari na masakit alalahanin kasi natabunan na ito ng isang pangyayaring, hindi ko man gustong alalahanin, hindi ko pa rin malimut-limutan.

Pero sa hindi ko malamang dahilan, namalayan ko na lang ang sarili ko na bumabalik sa lugar na 'to, palapit sa bench kung saan niya ako iniwan noon.

Matagal-tagal na rin pala 'no?

Lagpas tatlong taon na rin.

Nagulat nga ako sa sobrang bilis ng panahon. Hindi ko nga inaakalang makakagraduate ako ng college na hindi ibinabagsak 'yung programming subjects ko. Ilang beses ko pa rin kasing naranasan na hindi gumagana yung program na pinaghihirapan 'kong gawin. Oo, tulad ng dati, puro error pa rin. Pero kahit halos sukuan ko na ang mga project kong 'yon, hindi ko ginawa. Ayokong bumagsak. Natatandaan ko pa nga na halos mabaliw-baliw ako sa paghahanap sa mga maling nagagawa ko. Paulit-ulit na ganon ang nangyayari kaya nasanay na lang rin siguro ako. Kailangan lang talaga ng tiyaga para magwork out ang lahat.

And it paid off. Bukod sa nakapagtapos na ako ng kolehiyo, nakahanap na rin ako ng magandang trabaho. Hindi man ako katalinuhan, nadaan naman sa pagpupursigi.

Nabalik lang ako sa sarili nang maramdamang magvibrate ang phone ko.

Binasa ko agad ang text sa'kin ni Mama.

From: Mama

Time: 3:07

Anak, iwan ko na lang ang susi sa may ilalim ng paso at nakalimutan mo na naman kanina sa lamesa dahil sa pagmamadali mo. Ikaw talaga, porke't may date lang kayo ng boyfriend mo, nagiging makakalimutin ka na. May date din ako 'no. Pupunta lang kami ng Tito Luis mo sa sinehan. Ingat kayo.

Natawa na lang ako sa ga-nobelang text sa akin ni Mama. Kahit kalian talaga.

Pero masaya ako para sa kanya, sa kanila. Sa wakas ay nakahanap na rin siya ng lalakeng magmamahal sa kanya. I'm just glad na napakabuting tao ni Tito Luis. They both deserve each other.

Kinalikot kong muli ang cellphone ko at hindi sinasadyang napindot ko ang ilang messages ni Nikko.

Nabasa ko ang mga text niya at hindi ko naman mapigilang ngumiti. Kahit pigilin ko ang sarili ko, hindi ko talaga maiwasang kiligin.

Sobrang corny kasi talaga ni Nikko. Ang sarap kurutin. Pero hayaan na nga, at least nga nagpapakasweet na siya, hindi ba?

Kumain ka na ba, babe? Kain ka na.

Hindi ka pa nakain?! Teka, hintayin mo ko. Dadalhan na lang kita. Ano bang gusto ng baby ko?

Tapos na ba yung shift mo? Sunduin na kita.

Nakakainis. Hindi ako makapagfocus. Lagi kitang naiisip.

May sweetbones pala talaga sa katwan ang lokong 'yon, akalain mo nga naman talaga.

"Sorry, medyo late ako. Traffic kasi dyan sa may checkpoint eh. Teka, anong nginingiti mo dyan? Sinong katext mo at para kang kilig na kilig diyan? Sino yan at uumbagan ko."

Napalingon naman ako sa lalaking biglang umupo sa tabi ko.

Agad na nawala ang ngiti ko at tumingin sa suot na relo.

"You're 17 minutes late. At kumalma ka muna dahil wala akong katext. Nabasa ko lang ang convo nila Nikko at nung girlfriend niya. Nakitext siya sakin nung isang beses siyang mawalan ng load. Ang corny pala ng isang 'yon. Sarap kurutin, sobrang landi."

Faulty Hearts [J-hope Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon