"Okay, class, now work with your partners. Kailangan niyo ng i-finalize ang thesis na napili niyo last week. Ide-defend niyo siya sakin sa next meeting." Saad ni Sir Marquez matapos ang pagtuturo niya ng panibagong lesson.
Hindi ko alam kung ako ba dapat ang lalapit sa pwesto niya, o siya na lang ang lalapit sa pwesto ko tutal naman bakante ang upuan sa tabi ko.
Pasimple kong nilingon ang pwesto niya pero napansin kong kausap niya pa si Mandy. Napatungo na lang ulit ako. Nitong mga nakaraang araw kasi ay napapansin kong madalas na silang magkasama. Hindi ko alam sa sarili ko, pero kahit halos isang buwan na ang nakakalipas, nasasaktan ako. Alam kong hindi naman ganoon kadaling magmove on pero syempre, ayoko na ng ganitong feeling na lagi na lang nasasaktan kada makikita ko siya... sila.
Sila na kaya ni Mandy?
Tahimik ko na lang na kinuha ang survey forms na pinasagutan namin noong isang araw. Inilabas ko na din ang notebook ko na naglalaman ng mga na-tally kong answers base sa mga naging sagot nila. Irerecheck ko na lang siguro ito ngayon para naman may magawa ako.
"Kamusta yung naging result sa survey?"
Napaangat ang tingin ko at nakitang papalapit na sakin si Trey. Ngayon lang siguro sila natapos mag-usap ni Mandy. Teka lang, bakit parang ang bitter kong pakinggan? Hindi ako bitter, okay?
Ibinalik ko na lang ulit ang tingin sa notebook saka binasa ang naging findings namin sa research.
"Sabi sa naging result dito sa survey, mas effective daw ang traditional teaching method kaysa sa e-learning method."
Tumangu-tango lang siya at hindi na nagsalita.
Muli ko na lang binalingan ang ilang questionnaires para i-check kung tama ba ang pagkaka-tally ko sa mga result. Mahirap na at baka puro errors pala ang tally ko kagabi. Medyo wala pa man din ako sa wisyo kahapon dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.
"Pwede ko bang mahiram 'yang notebook mo?" Rinig kong tanong ni Trey.
Iniabot ko naman ang notebook nang hindi siya tinitingnan at inabala ko na lang ang sarili ko sa muling pagbabasa ng sagot ng mga correspondents namin sa ginawa naming questionnaire. Sobrang interesting nito, kahit hindi ko naman talaga binabasa ng mabuti, feeling ko mas interesting 'tong tingnan kesa sa katabi ko na wala ng ibang ginawa kung hindi ang kausapin si Mandy. O kaya ay samahan siya lagi. Teka nga, wala akong pakialam na dapat sa kanilang dalawa. Malaya silang gawin ang kung anumang maisipan nila. Kung gutso nilang maglandian, hindi ko sila pipigilan.
No, hindi ako nagseselos. At lalong hindi ako bitter.
Naiinis lang ako kasi... ah, basta!
"Sam?"
"Bakit?" Tanong ko habang titig na titig naman sa kuko ko. Ganda ng nail polish ko ngayon, colorless. Mas interesting titigan kesa sa questionnaires, na mas interesting namang titigan kesa sa lalaking maharot.
"Galit ka ba sakin?"
Napatigil naman ako pero hindi ko pa rin siya tinitingnan.
"Hindi ah."
"Hindi ka galit, pero hindi mo rin ako pinapansin."
O, so nasa speaking terms na pala kami ngayon? Hindi ko alam, ha.
"Bakit? May sasabihin ka ba na tungkol sa project?" Maayos na tanong ko saka siya tiningnan ng diretso sa mata.
Mabilis naman siyang umiling saka ibinaling muli ang tingin sa notebook ko.
Wala naman pala eh.
***
"O, brad. Kamusta naman ang meeting niyo kanina ni Samantha kanina? Kayo na ba ulit?" Makahulugang tanong sakin ng kaibigan kong si Andrew.
BINABASA MO ANG
Faulty Hearts [J-hope Fanfic]
Conto[Completed] His kind of love is ordinal and it seems like her love for him could never be enough.