Chapter 4

142 13 0
                                    


Lunes na naman at kailangan ko na namang pumasok. Ayaw ko pang makita si Trey. Nararamdaman ko kasing hindi ko pa kaya. Kahit naman may kalakihan ang University namin, hindi pa rin imposibleng magkita kami. Hello, magkaklase kaya kami sa Basic Statistics. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan ngayon. Papansinin ko ba siya? Babatiin? Ngingitian man lang o talagang deadma lang?

Napabuntung-hininga na lang ako saka inayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko.

Kalma ka lang, Samantha. Kaya mo 'yan. Hwag mo na lang siyang titingnan.

"Oops, sorry." Hingi ko nang paumanhin sa taong nasanggi ko habang papunta ako sa building namin.

"Sorry po, nagmamadali lang." Ulit ko pa saka nilingon ang nabangga ko.

Pagkalingon na pagkalingon ko sa kanya ay agad akong natigilan. Hala, ang awkward nga naman talaga.

Kung sino pa talaga yung iniiwasan mo, siya pa talaga yung unang-una mong makikita. Talaga nga namang nananadya ang pagkakataon at kailangan akong paulit-ulit na saktan. Alas-otso pa lang ng umaga, oh. Masyado pang maaga para sa heart break session ko na usually nagaganap every almost midnight! Pakilayu-layo muna sakin si Trey, please lang.

Katulad ko ay mukhang nagulat din siya sa biglaang pagkikita namin at nakatitig lang siya sa mukha ko na para bang nakalimutan niyang magkakaroon talaga ng ganitong mga pagkakataon na magkatatagpo ang mga landas namin. Sa tingin niya yata ay sapat na ang lawak ng unibersidad naman para hindi kami magkakitaan. 

Dahil hindi ko na rin kaya ang mga tinging ibinibigay niya sakin at mukha rin namang wala siyang sasabihin, nagdire-diretso na lang ulit ako sa paglalakad papunta sa room ko. Buti na lang at hindi ko siya kaklase doon.

"Good morning, Mandy." Bati ko sa kanya nang makita ko siya sa room namin. Ang aga niya talaga laging pumasok. Tularan si Mandy.

Mukhang hindi niya siguro narinig ang bati ko dahil hindi man lang siya lumingon sa direksyon ko. Busy siguro sa pag-aaral. Lalapit na sana ako at uupo sa tabi niya kaso napansin kong nakalagay na ang bag niya doon, siguro ay inireserba na niya 'yon para sa kaibigan niya. Pumwesto na lang tuloy ako sa gilid, malapit sa may bintana, sa may bandang dulo ng classroom.

Nakatingin lang ako sa may bintana ng mahagip ng mata ko si Trey kasama ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan sila sa may field at mukhang nagkakasiyahan sila pero si Trey ay nananatili lamang na tahimik at ni hindi man lang ngumingiti.

Gusto kong malaman kung anong iniisip niya ngayon.

Gusto kong malaman kung nasaktan rin ba siya nang makipaghiwalay siya sakin. Gusto kong malamam kung iniisip rin niya ako oras-oras tulad ng ginagawa ko sa kanya.

Nababaliw ka na talaga, Sam.

Napailing-iling na lang ako para mawala sa utak ko ang mga iniisip ko. Inalis ko na ang mga mata ko sa bintana dahil alam kong walang maidudulot sa aking maganda kung pagmamasdan ko pa rin ang bawat kilos niya. Kasi sa huli, ako lang rin naman ang masasaktan.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namanlayan ang oras. Ni hindi ko nga naintindihan ang itinuro ngayon ni Miss Castro. Hindi na talaga maganda ang nangyayari. Napapabayaan ko na ang pag-aaral ko dahil hindi ko kayang makapag-focus.

Nakakainis.

At mas nakakainis pa dahil kaklase ko siya sa susunod kong subject. Baka lalaong hindi ako makapag-concentrate sa lesson. Habang papalapit ako ng papalapit sa room namin sa Statistics ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.

"Man... dy." Tatawagin ko na dapat siya pero napansin kong lumapit siya kay Trey kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa kanya. Aalukin ko sana siya na sabay kaming mag-lunch. Pero, sige, mamaya ko na lang siguro siya kakausapin.

Faulty Hearts [J-hope Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon