Chapter 8

117 11 5
                                    

Kinakabahan ako. Kakatapos lang ng defense namin kanina sa Basic Statistics. Ayos naman ang mga sinagot namin ni Trey pero hindi ko maiwasang kabahan pa rin para sa magiging grade namin ngayong Finals.

"Kinakabahan ka pa rin ba, Samantha? Ayos naman 'yung pinakita natin kanina."

Nilingon ko naman si Trey.

"Medyo mababa kasi yung grade ko nung Midterms kaya hindi ako mapakali. Sana talaga mataas ang grade na ibigay nila satin."

"Medyo mababa? 86 naman ang standing mo, hindi ba? Ako nga 76 ang grade pero petiks pa rin." Komento niya pa saka nagpamulsa. Sabay kaming naglalakad pabalik ng room para kuhanin ang mga gamit namin at para na rin makapagbihis. Naka-corporate attire kasi kami ngayon.

"Pero sabagay, dean's lister ka nga pala kaya kailangang mataas ang grades mo." Tumatangu-tangong saad niya.

Hindi na lang ako nagsalita. Medyo binagalan ko rin ang paglalakad ko para hindi kami masyadong magkasabay. Nauuna na siya ng kaunti at pinapanood ko lang ang likod niya.

Kailan ko kaya matatanggap?

Kailan ko ba matatanggap na hindi na kamay ko ang hahawakan ng mga kamay niya. Hindi na ang balikat ko ang aakbayan niya. Hindi na rin ang mga pisngi ko ang panggigigilan niya kapag malakas ang trip niya. Hindi na ang buhok ko ang paglalaruan niya. Hindi na ang mga mata ko ang tititigan niya.

Kasi hindi na ako ang babae para sa kanya.

Hindi magtatagal at makakahanap rin siya ng ibang babae. Matatanggap ko kaya?

Sabi naman ni Mama hindi ko kailangang maging masaya para sa kanila. Dapat lang ay matanggap ko 'yon. Pero paano?

"Ouch!" Reklamo ko ng tumama ang mukha ko sa likod niya. Hindi ko namalayang tumigil pala siya sa paglalakad. Lutang na naman kasi ang utak ko.

Nahilot ko naman ang ilong ko, medyo masakit eh.

"May problema ka ba? Napapansin ko kasing kanina ka pa tulala." May kaseryosohang tanong niya nang humarap siya sakin.

Ikaw. Iyan ang gusto kong sabihin pero sa halip ay umiling na lang ako. Para namang may magbabago kapag sinabi kong siya ang laging laman ng isip ko at ang laging dahilan kung bakit lagi akong lutang at tulala. Lalabas lang akong mas kawawa. No, thanks.

"Ah, wala. May iniisip lang." Sagot ko na lang saka pilit na ngumiti. Mukhang hindi naman siya naniniwala at akmang magtatanong pa kung wala lang tumawag sa pangalan niya.

Pareho kaming napalingon kay Mandy. Siya yung tumawag kay Trey.

"Sabay tayong maglunch mamaya." Alok pa niya kay Trey. Ni hindi man lang niya ako pinansin.

Napansin kong napalingon sakin si Trey kaya agad na akong nagpaalam sa kanila. Kailangan yata nila ng alone time, nakakahiya naman at nakakaabala pala ako sa kanila.

"Ah, sige, una na 'ko." Paalam ko sa kanila at nauna nang bumalik sa classroom namin para kuhanin ang uniform at gamit ko. Dumiretso ako sa banyo para magbihis.

Si Mandy na nga kaya? Sila na ba ni Trey?

Napabuntung-hininga na lang ako saka tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Napahawak ako sa ilalim ng mata ko. Napansin ko na lalong lumaki ang eyebags ko. Pumayat din ng bahagya ang pisngi ko. Mukha na 'kong losyang. Ang pangit pangit ko na. Hindi katulad ni Mandy na alagang-alaga ang sarili.

Kailangan ko na bang maglipstick? Medyo maputla na kasi ang labi ko. Blush on kaya? Para magkabuhay naman ng kaunti ang mukha ko.

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.

Faulty Hearts [J-hope Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon