Chapter 2 : Worst day

52 0 0
                                    

Chapter 2

                  (Si Alexander po yung poging nasa side ha?)

       Wow ha, talagang sa tabi ko pa talaga naupo tong kumag na to. Argh. He’s really getting me so annoyed already! I want to kick his ass. Napatingin siya sakin tapos nag-grin siya.

            “What?” I asked him and he shook his head. Crazy dope!

            “Let’s pray first.” Lahat kami tumahimik para mag-dasal.

            Lord, bakit po ba ang sama ni Alex sakin? Unang kita pa lang namin ang yabang na niya tapos parang inis na inis siya sakin? Wala naman po akong ginagawa sa kanya. He’s crazy, right? Ano po bang problema niya? Mabait naman po ako ah. Lord, please… pakisabihan po siya na magtino at maging mabait sakin. Amen.

            I open my eyes tapos lahat sila nakatingin sakin. Tumawa si Alex. Ang gwapo niya sana lalo na pag ngumingiti saka tumatawa. Pangit lang ng ugali. Sayang

            “What kind of prayer is that? It took you some minutes to finish your prayer.” Tumawa si Alex. Ngumiti na lang ako tapos tinapakan ko yung paa niya. Bigla siya napanganga. Natawa ako sa facial expression niya.

            “Let’s eat now. Enough with your foolishness.” Sabi ni Tito Edward kay Alex. Bleeh! Nagkatinginan kami ni Alex tapos inirapan ko siya, siya naman ngumisi lang. Abnormal talaga tong kumag na to.

            “You know, In Japan and California…” blah blah blah... Ang daldal ni Karen habang kumakain kami. Si Dave at si Raffy naman todo kinig. Sina mommy, daddy, tita Maxine at tito Edward tumayo na tapos nagpunta dun sa swing nila at umiinom ng champagne. Ako naman, eto pa rin katabi pa rin si Alex, the king almighty. Ang tagal niya kumain, maarte kasi tapos ang lakas pa kumain. Tumayo na sina Dave, Raffy at Karen. Ako naman, binilisan ko kainin yung ice cream. Patayo na ko pero biglang hinatak ni Alex yung braso ko.

            “Don’t leave, I’m not done eating.” He told me. Huh? Abnormal ata to eh!

            “So?” I grinned and stood again and there he goes, hinatak na naman niya yung braso ko.

            “Sit.” Sabi niya. “Pumirme ka dito at hintayin mo ko matapos.” Napanganga ako. Marunong naman pala mag-tagalog si mokong.

            “Ano ka hari?” I rolled my eyes.

            “Sige, tatayo ka o hahatakin kita?”

            “Kung kaya mo.” Tumayo ako tapos nagulat ako sa sunod na nangyari. Bumagsak ako sa kanya tapos ang lapit talaga ng mukha namin sa isa’t-isa. We’re stuck in that position for I think five seconds? I pull myself up.

            “Crush mo ko noh?” ngumiti si Alex. I walked close to him tapos tinapakan ko na naman yung paa niya. “Kanina ka pa ah!”

            “Eh ano naman sayo? Ang kapal ng mukha mo! Di ka naman gwapo!”

            “Bakit maganda ka ba?”

            “May sinabi ba ko?!” Talagang naiinis na ko sa lalaking to. “Arghhhhhh!”

            “Yamot.” Tumawa na naman si Alex. Medyo natatawa ako. Ang galing niya mag-tagalog pero yung itsura niya pang-Japanese.

            “Bakla.” Sabi ko sa kanya tapos natigil siya. Natawa ako.

If I ain't got youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon