Chapter 10
(The who?)
Ano daw? Makeover? Hibang pa sila. Naku, uuwi na ko noh!
“Bingi lang te? Kelangan paulit-ulit?” sabi nung bakla. “Gandang bingi.”
“Ikaw nga gwapong bakla eh!” sagot ko tapos tumawa si Bridge.
“Che! Tara na maayos na yang buhok mong parang pang-witch.” Umirap na lang ako tapos sumunod sa kanila, they entered a salon.
“Bakla!” bati sa kanila nung isa pang bakla, shunget naman ngayon tong isa. Hehehe :P
“So siya na.” sabi ni Mitchell sa kanya tapos tinignan ako nung bakla.
“Tara girl.” Lumapit naman ako sa kanya. “Bagay sa kanya short hair.”
“Yeah, sexy tignan.” Dagdag ni Bridge tapos naupo sila ni Mitchell sa couch saka nagchikahan. Hinatak naman ako nitong isang bakla tapos pinaupo ako sa chair niyang sobrang lambot. Nilagyan niya ng kung ano yung katawan ko para di raw ako marumihan, malay ko ba kung ano tawag dito. Di naman ako mahilig pumunta sa mga salon eh, ngayon lang… kasi tinuturuan ako ni Bridge lumandi. Hahaha
“Tara girl, linisin muna natin yang hair mo.” Okay, shampoo time. After nun, nag-start na siya baguhin yung hair style ko. -,- sobrang ikli na ng buhok ko! >.< hanggang chin ko lang tapos nilagyan pa ng something na reddish. Ewan ko ba kung ano yan, ayan para tuloy akong si Hayley Williams ng Paramore. Hahaha \m/ after halos 1 hour pinakita niya na ko kela Bridge tapos nanlaki yung mata nila.
“Omg. Ang ganda bakla!” bati sakin ni Mitchell. “Eto bayad kurikong!” inabot niya yung bayad niya sa kapwa niya tapos hinatak nila ulit ako ni Bridge.
“San naman ngayon? Torture na to.” Sabi ko tapos pinalo ako ni Mitchell.
“Anong torture? Tiis ganda tawag dyan!”
“Clothes.” Sabi ni Bridge tapos pumasok sila sa clothing shop habang kaladlad nila ako.T.T
“Ay!” ang daming inaabot nila Bridge at Mitchell sakin na mga damit.
“Try it on.” Naka-ngitng sabi sakin ni Bridge tapos pumasok ako sa dressing room. Halos dress mga binigay nila sakin. Yung iba sexy, yung iba pa-girl tapos yung iba formal. Isa-isa kong ti-nry tapos laging thumbs up binibigay nila sakin, meaning lahat bagay. After trying almost 20 dresses. Natapos kami at lahat yun binili nila para sakin.
“Utang ba to? Tanong ko sa kanila habang tulak-tulak ko yung push cart na puro laman ng mga damit ko.
“Nope, it’s for you talaga.” sabi ni Bridge. “Tara shoes naman.”
“Akin na nga yan, ako na.” sabi ni Mitchell tapos siya na nagtulak. Kung di lang bakla to baka nililigawan ko na to. Hahaha :P Ayun pumasok kami sa isang shop na puro shoes.
“Hello po Ma’am Bridget.” Bati nila kay Bridge.
“Suki kasi siya dito, saka jows niya yung brother ng owner nito.” Ha? Taray naman, haba ng hair ni Bridge ah!
“Pili ka na, ako na bahala.” Sabi ni Bridge sakin. “Tsk, let me help you na nga. Sit here.” Ang dami nilang kinuha ni Mitchell, may high heeled shoes, flat sandals saka mga doll shoes na lagi ko nakikita kay Karen.
BINABASA MO ANG
If I ain't got you
HumorNaranasan mo na ba mag-regret dahil hinayaan mo yung takot na talunin yung chance at lakas ng loob mo na umamin sa taong gusto mo? Natatakot ka sa REJECTION na yan kasi baka kasalungat yung mangyari sa gusto mong mangyari. Life is IRONIC right? Ever...