Chapter 4
(Cutie Dave yung nasa gilid :D)
Dave’s POV
Nanlaki mata ni liit sa sinabi ko sa kanya. Haha niloloko ko lang naman siya eh. Wag niya ipahalata na naiinis siya kay Alex kasi mas lalo siyang iinisin nun. Concern lang naman ako kay bibi Alexandria ko. :P Ewan ko ba sa bansot na to, ayaw pa kasi umamin kay bibi Raffy. Bagay naman sila pero mas bagay sila ni Alexander. Hahaha
I’m Dave Evander Roxas. I’m nineteen at aaminin ko gwapo ako and I’m in love with myself kasi nga gwapo ako, wag nang tumutol. :D Daming chicks eh pero lahat sila di ko pinansin pati yung ex ko na model, iniwasan ko na. Ubod ng kulit eh! Medyo baliw pa yung pamilya, gusto pakasalan ko anak nila. Omg, wala pa ko balak magpatali noh! Ewan ko ba dito kay Raffy, bakit si Karen nagustuhan? Kawawa tuloy si Alex. :’( Oo, maganda si Karen pero di ko siya type. May mga bagay sa kanya na ayoko at di ko alam kung ano yung mga yun. Eto naman si Alexandria’ng maliit, ewan ko ba dito. Minsan napagkakamalan na namin siya ni Raffy na lesby eh, pano ba naman kasi lakas makapaglaro ng basketball. Nahihiya na nga si Raffy kasi daig pa siya ni Alex. Hilig din makipag laro samin ng Dota at lakas mang-trashtalk and she hates boys who try to flirt with her, sinasapak niya kung sino man ang sumubok na manligaw pero ang alam ko, she’s in love with Raffy boy.
“Laro tayo samen bukas.” Aya samin ni Alex nung pagpasok ni Liit sa kwarto niya.
“Anong laro ba?” tanong ni Raf. Kabado to pag nalaman na basketball.
“Hide and seek.” Sagot ni Alex at napatingin kami sa kanya. “Just kidding. Laro tayo ng kahit ano sa Xbox ko.”
“Sige ba!” kuminang ang mata ni Raf. Dyan siya magaling eh baka magsisi si Alex sa pag-aya niya.
“Sige, text ko kayo pag game na.” sabi ni Alex. “Sige mga dude, tulog na ko ah.”
“Ge.” Sabi ko tapos pumasok na rin kami sa kwarto ni liit. Pagpasok namin sa loob, naka-pout si Alex habang nakahiga sa kama niya. Tumabi kami sa kanya ni Raf, bale nasa gitna namin siya.
“Ang haba ng nguso oh, nakarating na sa bahay namin. Nakita mo ba Raf? Bagong tulay ba yan?” pagbibiro ko tapos tumawa si Raf.
“Oo, lagpas na nga dre eh.” Dagdag ni Raf pero di pa rin kumikibo si Alex. “Ano ba problema?”
“Wala, sige tulog na ko.” Nagtalukbong si Alex tapos nagkatinginan kami ni Raf. May sapi na naman si Alexandria.
“Kung sino ka man, lumayas ka sa katawan ni Alexandria!” sigaw namin ni Raf tapos bigla namin kiniliti si Alex. Bigla siya napatayo.
“Cut it out!” she shrieked. “Gusto ko na matulog.”
“Neurotic o psychotic?” tanong ni Raf.
“Both.” Sagot ko. “Umuwi na lang kaya tayo?” Kumindat ako kay Raf tapos tumayo kami. Nung pagkatayo namin, biglang inangat ni Alex yung blanket.
“Sorry na!” nag-pout na naman. Those lips! Ugh. -,-
“Just as I thought, di makatiis.” Ngumiti ako tapos umupo kami sa tabi niya. “Tara na tulog na tayo.”
“Goodnight mga bis.” Humiga na si Raf tapos humiga na rin kami at pumikit na si Alex. I’m staring at her. She’s so freaking gorgeous kahit na may pagka-boyish tong babaeng to. Bakit ba di pa maging girl kahit isang beses lang? Malay ba niya baka biglang ma-in love sa kanya si Raf o kaya si Alex o baka pati ako? Hahaha joke.
BINABASA MO ANG
If I ain't got you
HumorNaranasan mo na ba mag-regret dahil hinayaan mo yung takot na talunin yung chance at lakas ng loob mo na umamin sa taong gusto mo? Natatakot ka sa REJECTION na yan kasi baka kasalungat yung mangyari sa gusto mong mangyari. Life is IRONIC right? Ever...