Chapter 15 : It must be LOVE

14 0 0
                                    

Chapter 15

       “Eh ano naman? Tss. Pakasal pa kayo eh.” Sumagot si Alex. Ano ba problema nila?! T.T

            “Wag na…” tapos di ko na narinig yung sinabi pa ni Raf kasi bumulong na lang siya kay Alex eh tapos binangga ulit niya si Alex. Hindi na kumibo si Alex tapos lumakad siya papalapit sakin. Tinitigan niya ko sa mata ko. O.O Gara, para niya kong sasapakin. T.T

            “Tss. Chismosa ka na naman?” sabi niya tapos napanganga ako. Ako pa CHISMOSA? Grabe. Masama ba mapatingin? Sabihin niyo nga sakin?! Chismosa ba kaagad yun? Utak neto. -_-

            “Di naman ako chismosa! Che!”

            “Alis nga dyan. Matutulog na ko.” Syempre naman po tatabi ako. Roomie ko siya for three days noh! Pumasok siya sa room tapos humiga na kaagad sa bed.

            “Alex, san ako hihiga?”

            “San pa ba… syempre…”

            DON’T TELL ME!

            SA TABI NIYA?!

            “Sa sahig.” WTF?!

            “Ang kapal naman ng mukha mo Alexander Estefan! Kapal mo naman!”

            “Sige, pili ka. Dalawa lang naman yan eh. Sa tabi ko o sa sahig.” Tapos nag-grin siya. Buset talaga tong lalaking to! >.<

            “Ikaw na lang sa sahig Alex.”

            “Wow ha?! Nauna ako dito sa kamang to saka hindi ako pinanganak para matulog lang sa sahig. Wag ka nang maarte. Hahaha!”

            “Sige tabi tayo pero kailangan ng unan sa gitna.”

            “Napaka arte. Di naman kita pagsasamantalahan. Ibahin mo ko kay Dave. Ge.” Tumingin ako kay Alex tapos pumikit siya. Syempre, dahil sa gentleman siya. Ako magsasabi sa lobby. Lumabas na ko ng room tapos sumakay ng elevator. May nakasabay ako sa loob eh. Dalawang matangkad at omg, gwapo. :D

            “Hindi ka pa ba nakuntento sa ininom mo dude?” sabi nung naka-black na sando.

            “Hindi eh. I want more saka ng chicks.” Napaka chismosa ko talaga. So pinindot ko na yung lobby button tapos napatingin sila sakin.

            “Hello.” Sabi nila. *o*

            “Ah, hi!” sagot ko. Why so gwapo mga kuya?

            “Mag-isa ka lang ba?” tanong nung naka-violet na polo-shirt. Bakit parang kinabahan ako? ;(

            “Ah madami kami. May kukunin lang ako sa lobby.” Nag-smile ako ng pilit tapos biglang huminto yung elevator sa second floor. Third floor po kasi kami eh. Bumukas yung pinto tapos hinatak ako nung isa.

            “Sumama ka na lang samin.” Tapos humigpit yung hawak niya sakin. Walang tao sa corridor kasi almost 3 na. Tulog yung iba tapos nasa bar naman yung iba.

            “Bitawan niyo ko!” nagpumiglas ako nang dahil sa takot. Umiiyak na rin ako. Ayoko pa po! Tulungan niyo ko!

            “Wag ka ng maarte.” Jusko po! Tulungan niyo ko. Ang gwapo nila pero ang sama nila! Tulungan niyo ko! Ang lakas nila.

            “Mga g*ago kayo!”

            Boog!

            Bumagsak ako sa sahig tapos umiyak pa rin ako ng umiyak. Sinong tumulong sakin? Tumingin ako sa likod ko. Si… Si… Si Alex. Sinundan niya ko. May dumating na mag-asawa na may edad na at nakita nila kami. Agad pinigilan nung lalaki si Alex sa pananapak nung dalawang lalaking… gwapo sana yung mga lalaking to. Tss, tapos yung babae naman nilapitan ako at pinunasan mga luha ko.

If I ain't got youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon