Chapter 7 : This is the moment

27 0 0
                                    

Chapter 7

            (Si Papa Raffy yung nasa side :* )

       “Ano ginagawa mo dito?” napalakas yata yung pagkatanong ko kaya napatingin sakin sina Britney. Namula ako.

            “Di ba sabi mo kailangan mo ng fake jows?” pabulong niyang sinabi. Kahit kelan talaga to si Raffy, abno eh. Bigla-bigla na lang susulpot parang kabute. “Ipakilala mo na ko sa kanila saka you looked gorgeous tonight. Mukha kang babaeng-babae. Nakaka-in love!” Red face activated. ^_^

            “Teka! Ikaw lang ba mag-isa?” tumingin ako sa may likuran niya.

            “Ako lang. Ayaw nina Dave eh.” Nag-pout ako tapos kinurot ako sa cheek ni Raf.

            “Wag nang sad, nandito naman ako eh.” He smiled at me, Yang smile na yan! Dyan ako na-in love eh… napa-smile tuloy ako.

            “Tara na nga, ipapakilala na kita sa kanila.” Nag-lakad ako but he took my hand tapos para tuloy kaming mag-jows talaga, he’s holding my hand while we’re walking. Lahat napapatingin eh.

            “Ate Alex, siya ba yung jows mo?” tanong sakin ni Brit tapos yung mga cousins ko na babae lumapit na samin.

            “Oo, si Raffy nga pala guys, boyfriend ko.” Nag-smile si Raf. Yung pa-cute smile tapos bigla niya nilagay yung hand niya sa bewang ko and he pulled me close to him. Ugh! Napapansin ko pagkakilig at pagpapa-cute ng mga pinsan ko. Oy akin to guys! Isa-isa ko silang pinakilala kay Raffy.

            “Hello.” Sabi ni Raf tapos nag-tilian na sina Junix. Kahit kelan talaga.

            “Ang gwapo naman pala ng boylet mo Alexa.” Sabi ni Nancy. We both smiled then Raf kissed my head. “Aww sweet.”

            “Sige mga beks, papakilala ko lang siya kela tito Alf.” Nag-nod sila tapos naglakad na kami ni Raf papunta sa may loob ng bahay. His hand is still at my waist.

            “Alexa na itatawag ko sayo kesa sa Alex saka alam mo mas bagay sayo pagpa-girl ka. Mas nakakaakit saka mas mapapansin ka. Ang ganda mo kaya ngayon.” Sabi niya habang naglalakad kami. “Sayang wala sina Dave malamang harasin ka bigla nun.” And we both laughed.

            “Tito Alfie.” Sabi ko nang nakapasok na kami. “Si Raffy Enriquez nga po pala. Boyfriend ko po.” I squeezed Raffy’s hand tapos nag-smile si Raffy sa kanila.

            “Good evening po.” He told them.

            “Aba, gwapo naman pala ng boylet mo hija! Sana magkatuluyan kayo tapos pagnagka-junakis eh maganda at gwapo!” sabi ng beki friend ni tita Criselda. Natawa na lang kami ni Raffy.

            “Ang swerte nga naman ng pamangkin ko.” Sabi ni tito Alfie. “Swerte mo rin boy sa pamangkin ko. Bagay kayo.” Nag-nod si Raf tapos nag-smile siya sakin.

            “Ang ganda-ganda po ng pamangkin niyo, mabait, matalino at ma-respeto po kaya mahal na mahal ko po siya.” My heart skipped a beat nung narinig ko yung mga sinabi ni Raffy. Sana totoo na lang lahat ng mga nangyayari. Sana lang! Biglang naghiyawan yung mga friends ni tito at tita.

            “Kumain ka na ba? Alexandria, kumain ka na rin sabay na kayo ni Raffy.” Sabi ni tita Criselda. Nag-nod kaming dalawa tapos pumunta sa may buffet area. Kumuha kami ng pagkain tapos umupo sa vacant table at chair na medyo malayo sa mga tao.

If I ain't got youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon