Chapter 9 : The start of something new.

22 0 0
                                    

Chapter 9

       “Oo, siya at siya at siya lang.” ngumiti si Alexa. Nag-ngitian sina Junix tapos pinaikot na ulit nila yung bote. Yung pakiramdam ko para akong nasa langit. Feeling ko kinikilig ako? Dinaan ko na lang sa ngiti baka pagtawanan nila ako eh. Hahaha. Kung kani-kanino na natapat pero yung sakin lang yung hinihintay ko na parang natatakot ako na matapatan ako ng boteng yan. Gulo ko na! hahaha.

            “Duga, si pareng Raffy na lang di natatapatan ah!” pinaikot niya yung bote. Habang umiikot yun, bulong sila ng bulong ng “Raffy”. Mga toyo talaga. Tumingin ako sa phone ko halos 4 a.m. na, dapat tulog na kami.

            “Oh ha!” tumawa si Junix. Tumingin ako dun sa bote, naka-point na sakin. Oh sh*t bricks. Nagtawanan sina Britney tapos si Alexa ngumiti sakin tapos nag-thumbs up.

            “Truth or dare papa Raf?” tanong ni Jb in a beki mode.

            “Dare, dare, dare.” Sagot ko tapos napatigil silang lahat. Nagbulungan si Jb, Junix at Britney. si Gelo naman nakatingin lang sa kanila. Medyo kinakabahan ako sa pwede nilang ipagawa, mukhang mahirap kasi nag-usap pa sila.

            “Okay.” Sagot ni Jb. “Dare ba kamo? Sige, go and kiss Alexa.”

            “Ha?” tanong ko.

            “Halikan mo raw ako.” Sagot ni Alexa. Wow! Siya pa talaga sumagot.

            “Ha? Okay lang?”

            “Anong okay ka jan? Girl friend mo ko kaya walang masama.” Medyo praning na to si Alexa, palibhasa senglot eh. “Dali na bi.” Nag-nod lang ako tapos nilapit ko yung mukha ko kay Alexa tapos ayun na, nahalikan ko na siya. Grabe, feeling ko sobrang kinikilig ako.

            Alexandria’s POV

            Hindi ko in-expect yung mga nangyari… baka naman kasi senglot na ko? Si Britney kasi sobrang lakas sakin saka lakas din uminom kaya ayan tuloy. Nag-dare si Raffy, bakit naman? Ayaw niya ba sagutin yung maaaring itanong ng mga pinsan ko? Nakakainis siya! Hmp! Teka, di naman talaga kami kaya bakit nga ba ko nag-iinarte dito? Pero badtrip na talaga ako eh. Tsk tsk. Abnormal si Jb, ang dare kasi nila eh dapat daw halikan ako ni Raf. Parang nag-alinlangan pa siya kasi naman tong mga to! Humanda kayo sakin.

            “Halikan mo raw ako.” Sagot ko. Ang daming tanong kasi eh! Teka ha, di naman sa sabik ako kay Raf o ano, wala to. I’m just drunk. Hihihi :P

            “Ha? Okay lang?”

            “Anong okay ka jan? Girl friend mo ko kaya walang masama.” Nilapit sakin ni Raf yung mukha niya and our lips met. He was my first love, my first kiss and the guy I want to be my first and last. Gusto ko sakin lang si Raf, masyado na ba akong selfish? Madamot? Harsh? Ayoko lang kasi ng may aagaw kay Raf, akin lang siya… pwede ba yun? Baka di ko kasi kayanin pag nawala siya sakin, masyado akong masasaktan pag may nangyaring hindi maganda pag dating samin. Oo, alam ko walang gusto sakin si Raf pero pwede naman yun di ba? Angkinin ko siya kasi hindi pa naman siya taken? Pwede ko naman siguro siyang mahalin ng sobra na sa aming dalawa, ako lang ang gumagawa at nakakaalam. Ayokong malaman niya ang lahat baka kasi mailang siya, iwasan ako at iwanan ako. Sa ngayon kuntento na ko sa anong meron kaming dalawa… sabi nga nila mas tatagal ang isang relasyon lalo na pag friends lang, siguro dun muna ko magtitiis pero bago mahuli ang lahat, gusto ko malaman ni Raf yung nararamdaman ko para sa kanya.

            “Guys, awat na…” bulong ni Jb tapos tinapik niya yung balikat ni Raf. Omg, don’t tell me we enjoyed kissing one another? Di ko halos napansin! Sh*t!

If I ain't got youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon