Chapter 11 : Aminin

19 0 0
                                    

Chapter 11

            Alexandria’s POV

            Isang araw na lang. Yehey! Here I come again Manila. ^_^ Tumawag din si daddy na tutulungan niya ko mag-enroll sa university. Syempre, first time saka duh? Ibang lugar yun saka mga ibang tao na, di katulad sa aking sintang eskwelahan nung high school at elementary. Saka pagka-uwi na pagka-uwi ko, mag-aayos na ko para sa outing namin nila Raf at napili ko ang tantananan! Ang Boracay. Oha! Hahaha. Malamang nasabi na nila Dave yun, paulit-ulit ko ba naman sinabi sa kanila yun saka pinaalam na raw nila daddy sila Karen kaya ayun, malamang prepared na sila. 3 days yun kaya alam kong masaya. :P  Nakakamiss na sila Dave at Raf T.T Gusto ko na umuwi, mamimiss ko rin naman mga tao dito at ngayon bati na kami ni Bridget. Oy, nakalimutan ko nga pala sabihin kung pano ko naging friends sila Dave at Raf noh? Well, heto na…

            *10 years ago…

            Okay, Seven years old lang ako nung nalipat kami sa Subdivision na to. Mom chose this place kasi parang heaven daw saka maganda talaga. May playground, may tennis court, basketball court, soccer field, etc. basta lahat ng sports pwedeng laruin dito sa lugar na to kasi sobrang lawak. Syempre, dahil bago lang ako, no friends pa ko kahit sa school. Hilig pa ko papuntahin ni daddy sa playground para naman daw magkaron ako ng kaibigan, eh dahil loner ako even sa school, mag-isa lang ako kumakain tapos sa likod pa ng theater room. Wala talagang kumakausap sakin na para bang may contagious na sakit ako. Mga monggoloids! -,- So ayun, hilig ko mag-Martial Arts. Yeah, ngayon nga eh Amasonang Maliit ang bagong bansag sakin nila Dave at syempre ang nag-pauso nun si Alexander na ubod ng bait. Siraulong yun. Tch. So back to ten years ago, hehehe. Sa school kasi nun may try out para dun. Napaka-hilig ko kasi sa Martial Arts nang dahil kay idol Jackie Chan. <3 Syempre nag-try ako tapos nakapasok ako. Yehey!!! Lagi na nga ako napupuri dahil sa galing ko daw sa pag-mamartial arts. Bet ko rin Taekwando, Karate at kung ano-ano pa. Hahaha :D Sila mommy nga natatakot sakin pag nagagalit ako eh kasi daw baka daw sipain ko sila. So ayun, unang month ko sa school na yun, wala pa rin akong friends kasi natakot na sila sakin. T_T Ano ba yan?! Di ko naman sila sasaktan eh. So isang araw, pinatawag ako sa gym. Nandun si Coach Peter tapos may kasama siyang mga kasing age ko lang din tapos yung iba siguro ahead sakin ng 1 to 2 years.

            “Okay guys, ang challenge ko sa inyo ay dapat matalo niyo si Alex. Yung mapapatumba niyo siya.” Sabi ni Coach Peter.

            “Eh sir pano pag nasaktan po siya?” tanong nung lalaking singkit na… ang cute niya. Hihihi. Mukha siyang japanese na korean. <3 Crush ko na ata to. Yiiie, ang kirina landipay ko talaga, ang bata-bata pa eh! Hahaha. Pag nagkakatinginan kami, lagi umiinit yung mukha ko. Ay ewan.

            “Kung masasaktan at matutumba niyo.” Nag-grin si Coach Peter sa kanila tapos nag-wink siya sakin. Lahat sila napalunok tapos natawa na lang ako. :D “So sino mauuna?”

            “Oy ikaw na! Dali ikaw na!” sabay-sabay nilang sinasabi tapos nagtutulakan sila tapos hanggang lahat sila umatras. Grabe kayo. :<

            “Haynako.” Nag-sigh si Coach Peter tapos tumingin siya sa hawak niyang paper. “Tatawag na lang ako. Dave Evander Roxas, grade two.”

            “Po?” may lumapit na lalaking matangkad na mapayat sa harapan ko. Baka pag humangin tangayin bigla to, kawawa. Di ba to napapakain ng maayos sa kanila? Tsk. Nakayuko siya tapos ayaw niya talagang tumingin sakin. Ano ba to? Nakakatakot ba ko? Grabe ah. Gwapo rin siya kaso mas gwapo yung singkit.

            “So you’re Dave. Go, show us what you got.” Nag-smile si Coach tapos gumilid na yung iba.

            “Miss, sorry!” sumigaw si Dave tapos biglang tumaas yung paa niya pero naka-ilag ako. Naka-pikit siya! Ano ba tong batang to?  Bigla akong lumipat sa may likuran niya then grab his arm and wrap my arms around his neck and head tapos napa-tumba ko siya. “Ayoko na po! Ayoko na po!”

If I ain't got youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon