Chapter Two

264K 8K 1K
                                    


2: D.A.R.K
-

Hindi ko maisara ang bibig ko sa pagkamangha, sobrang laki ng cafeteria sa school na ito. Mukha siyang vintage café, may second floor at glass wall pa. Makaagaw pansin rin ang malaking chandelier sa itaas.

“Ang daming tao.” ayan ang una kong nasabi pagpasok namin sa loob, ang daming tao pero hindi napupuno ang cafeteria. Ganun siya kalaki, parang isang malaking food court.

“Tara doon tayo maupo sa usual place ko.” Hinatak ako ni Ayesha at itinulak pababa ang magkabilang balikat ko para maupo sa pwestong malapit sa glasswall.

“Just stay here okay? Mamaya may darating na lalaki rito, don’t worry he’s my bestfriend kaya wag ka mahihiya. Ako na oorder ng kakainin natin. Treat ko since it’s your first time here.” Nakangiting sabi niya. Grabe ang pagka-hyper niya, parang hindi siya nanggaling sa sakit.

Habang nag-aantay ay inilibot ko muna ang paningin sa paligid. Halatang mayayaman ang mga estudyante rito. Napansin ko rin na may ilang kalalakihan ang pilit iniiwasan ng mga estudyante.

Para silang mga VIP kung maglakad dahil talaga namang binibigyan sila ng daan, iyong tipong kusa na lang nagsisitabihan ang mga taong daraanan nila. Kahit malayo ay halatang may mga itsura sila. Those messy hair, ear piercings and blank expression makes them more hotter. No wonder kung bakit makalaglag panga ang reaksyon ng mga babae.

“Hi, nice too see you again. Bakit dito ka nakaupo?” Tanong nang lalaking tumulong sa akin kanina. Siya siguro iyong tinutukoy ni Ayesha.

“Oh hi, dito kasi ako pinaupo niㅡ”

“Hey Liam!” Bati ni Ayesha nang ilapag niya ang tray na may lamang dalawang pinggan na may kanin, chicken, dalawang juice at apple. So Liam pala ang pangalan niya. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at ngumiti.

“Hi Liam, ako nga pala si Rain.” pakilala ko at nakipagkamay naman siya sa akin samantalang si Ayesha ay naupo na sa tabi ko.

“Do you know each other?” Tanong niya at marahan akong tumango.

“Siya yung tumulong sa akin kanina para mahanap itong school.” sagot ko at halos sabay kaming napangiti ni Liam. Maya-maya pa ay sumasabay na ako sa kwentuhan nilang dalawa. Mabilis lang din gumaan ang loob ko sa kanila dahil pareho silang mabait at friendly.

“So Probity ka pala. I can really trust you since you’re honest.” Sabi ko at nagtawanan lang kami pero agad akong natigil nang makuha nang apat na lalaki ang atensyon ko. Sila iyong mga lalaki kanina na pilit iniiwasan ng mga estudyante. Tatlong lamesa lang ang pagitan ng pwesto nila sa pwesto namin.

“Sino sila?” Hindi ko naiwasang itanong. Agad naman lumingon si Liam para sulyapan kung sino ang tinutukoy ko.

“Dark. Mga insolent, gangster ‘yang mga ‘yan so... As much as you can, stay away from them. Hindi sila mapagkakatiwalaan.” seryosong sagot ni Liam nang ibalik niya sa akin ang atensyon niya. Tumango lang ako ng tipid at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala sa itsura nila ang pagiging delikado kasi naman ang g-gwapo nila.

Maya-maya lang ay biglang natahimik ang buong cafeteria at nabalot na lang ng mahihinang bulungan. Nakakakilabot tuloy. Tinatayuan ako ng balahibo, seryoso.

“Anong nangyari? Bakitㅡ”

“Shh.” tinakpan ni Ayesha ang bibig ko at bigla na lang tumaas ang kilay ko nang makita ang pagpasok ng lalake sa infirmary kanina. Nakasuot siya ng itim na sleeveless kaya kitang kita ang bandage na nasa braso niya. Kumikinang rin ang suot niyang mahabang hikaw, ang cool niyang tignan pero hindi noon maitatago ang pangit niyang ugali.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon