Chapter Fifty two

109K 3.4K 736
                                    

52: Heart break.
-

Thunder’s POV

Hindi ako makapaniwalang nakatayo si Rain ngayon sa harapan. Bumalik na talaga siya, akala ko ay panaginip lang ang nangyari noon sa ground zero pero ito siya ngayon. Naglalakad patungo sa direksyon ko dahil sa tabi ko na lang ang bakanting upuan.

“Rain, can we talk?” Tanong ko nang sa wakas ay makaupo siya.

“May dapat ba tayong pag-usapan? Sa tingin ko wala naman kaya kung pwede, stop acting as if nothing happened.” Malamig na saad niya bago ako iripan. Nilingon ako ni Jiro at tinignan ako ng nagsasabing ‘wag mo munang kulitin’ Napabuntong
hininga na lamang ako at walang nagawa kung hindi ang pasimple
siyang sulyapan. Ibang-iba na talaga siya, hindi na siya iyong Rain na kilala koㅡand I know that it’s my fault. I changed her.

“Stop staring.” Walang emosyong sabi ni Rain nang hindi man lang lumilingon sa akin. Hindi ko na rin kaya parang pigilan ang sarili kaya naman hinila ko siya palabas ng classroom. Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko at masasabi ko na masiyado siyang malakas.

Dati ay madali lang naman para sa akin ang gawin ito but now, para nang lalaki ang hila-hila ko.

“Ano ba?!” Sigaw niya kaya naman huminto ako at inilagay na lang siya sa balikat ko para buhatin.

Paakyat na sana ako sa rooftop ngunit nakita ko iyong Cloud kaya pumasok na lang ako sa nakabukas na Janitor’s room. Agad kong ibinaba si Rain at laking gulat ko na lang ng sampalin niya ako.

“Rain, let’s talk. Please.” Makaawa ko habang pilit hinahawan ang kamay niya pero lagi niya iyong tinatabig sa marahas na paraan. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero naunahan ko siya at mabilis na sinipa ang doorknob para masira iyon.

“What the hell?! Are you out of your mind? Paano tayo makakalabas dito?!” Sigaw niya at nag kibit-balikat lamang ako.

“Alam mo, kahit ilang beses pa kitang patawarin, hindi mawawala ang sakit na binigay mo sa’kin kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo. Give up.” Mataray na sabi niya nang maupo ito sa isang sulok.

“I won’t give up. Nagawa mo kong baguhin noon, kaya sure akong magagawa ko rin ‘yon sa’yo.” Tinignan niya ako na may halong panunuya bago ngumisi.

“Baka nakakalimutan mong nabago mo na ako. ‘Di ba ikaw ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon?” Tanong niya at hindi ko na nagawang kumibo pa dahil may punto siya roon. Hindi naman ako ganito, pero ngayong kaharap ko si Rainㅡpakiramdam ko ay umatras lahat ng guts ko. Nawala ang pagiging insolent ko.

“My life is fine without you, Thunder. Tigilan mo na ‘yang pag-arte na parang walang nangyari noon.” Tumayo siya at saka tumalikod sa akin. Napanganga na lang din ako nang makita kung paano niyang buong pwersang sipain ang pinto at masira iyon.

“At kung ako sa’yo, mananahimik na lang ako, dahil kapag nakita ni Cloud ‘yang pangungulit mo sa’kin, hindi mo magugustuhan ang mga salitang lalabas sa bibig niya.” Banta niya bago tuluyang umalis. Nanatili lamang akong nakanganga pero nang marealize ko ang huling sinabi niyaㅡnapangisi na lang ako. Tch, sino ba ang Cloud na iyon sa akala niya?

"Hindi mo ba talaga ako pakikinggan? Sabi ko hayaan mo muna si Rain.” Singal sa akin ni Jiro habang nandito kami sa kwarto.

“Why would I do that? Papatunayan ko na mahal ko siya at nagawa ko lang ang bagay na ‘yon dahil wala akong choice.”

“Tss, bahala ka sa buhay mo!” Padabog siyang lumabas ng kwarto, samantalang ako ay napahiga na lan sa kama. Papikit na sana ako pero biglang nag-ring ang phone ko.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon