Chapter Thirty nine

102K 3.4K 488
                                    


39: It’s over
-

Tama ba ang narinig ko? Nakikipaghiwalay siya sa akin? Hindi man lang ba niya hihintayin ang paliwanag ko? Hindi ko na nagawang humarap sa kanya at nanatiling nakatalikod habang nilulukot ang hawak kong litrato.

“Mabuti pa nga.” Sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Dali-dali akong bumalik sa dorm at mabuti na lang ay natutulog pa si Ayesha, agad akong nagpunta sa banyo at doon umiyak ng umiyak. Ganito pala kasakit ‘yon. Hanggang dito lang pala namin kayang labanan ang problema.

Sinubukan kong wag isipin si Thunder ngunit hindi ko magawa. Kasalukuyan akong nasa classroom at tahimik na nakikinig sa prof. Ramdam na ramdam ko naman ang tensyon sa pagitan ni Thunder at Axel.

“Find your partner for today’s activity.” Pag-announce na pag-announce ni Sir noon ay bigla akong tinignan ni Axel. Ngumiti lamang ako ng tipid, naiilang ako kapag naaalala ko ang ginawa at sinabi niya sa akin kahapon.

Ayesha’s POV

Alam kong hindi pa rin okay si Rain sa mga oras na ito. Nasaktan ako nang marinig ko kung paano siya umiyak sa loob ng cr kanina. Nanatili lamang akong nagtulug-tulugan dahil alam kong ayaw niyang makita ko siyang nagkakagano‘n.

Palabas pa lang ako ng dorm nang makasalubong ko si Emerald sa lobby, agad niya akong nilapitan.

“Ayesha, totoo ba? Nakipagbreak daw si Thunder kay Rain? Galing si Jasper dito kanina. Sinabi niya lang sa’kin.” kusa kong naiyukom ang kamao ko matapos iyong marinig. Really Thunder? How dare him to do that?! Hindi ba niya alam na gabi-gabi hindi mapakali si Rain noong bakasyon? Lagi kong kausap at ka-text sa phone si Rain kaya alam kong mahirap ang sitwasyon niya.

“Hindi ko sure, nauna kasing umalis si Rain pero narinig ko siyang umiiyak kanina.”

“Gano’n? Napakawalangya talaga ng Thunder na ‘yon! Geez, ang bobo talaga.” Giit ni Emerald.

Pagtapos namin mag-usap ay nagpunta na ako sa classroom. Mamaya ko na kakausapin si Thunder! Ipapamukha ko sa kanya kung sino ang taong sinasaktan niya sa mga oras na ‘to.

Ilang oras ang lumipas ay breaktime na. Hindi pa man ako nakakalabas ng classroom ay natatanaw ko na si Liam sa corridoor. Agad akong lumabas bago pa siya pagkaguluhan, naging instant heartthrob kasi siya noong sumali siya sa dark demons.

“Bakit ka nandito? Nasan yung leader niyo, huh?” Maangas na tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.

“Baki ang init ng ulo mo? Sinusundo ka lang, eh. Tsaka ako yung narito, ba’t iba ang hinahanap mo.” Napailing na lamang ako at gusto sanang sabihin na ganoon din naman siya dati.

“Kakausapin ko lang si Thunder. Nasaan nga siya?”

“Nasa cafeteria na siguro.” Pagsabi niya noon ay hinatak ko siya agad patungo sa cafeteria. Hindi ko makita rito si Rain, pero nahanap ko na ang taong gusto kong makita ngayon.

“Liam, dito ka lang, ah? Wag kang susunod. Magtutuos lang kami ng walangyang leader niyo.” Bilin ko at saka hinatak si Thunder palabas ng cafeteria. Wala akong pakialam kung pag-usapan pa kami ngayon o magalit siya sa akin.

“Ano ba? Saan mo ko dadalhin?” Ubos pasensya niyang tanong kaya naman marahas ko na siyang binitawan at sinampal.

“Sino ka sa tingin mo para gawin ‘yon kay Rain?! Alam mo bang pinagbantaan siya ng tatay mo na kapag hindi ka niya iniwan ay mawawala si Rain dito sa mundo? Hindi ka naman siguro bobo para hindi maintindihan ang ibig sabihin no’n ‘di ba?” Tanong ko at nanlaki lamang ang mata niya.

“Ano? Ang lakas ng loob mong makipaghiwalay sa kanya. Hindi mo ba naisip na mahirap para sa kanya magdesisyon mag-isa?”

“Wala kong pakialam.” Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. Mabilis niya akong nilagpasan at paglingon ko ay nakita ko na lang siyang nakabulgta sa sahig habang nasa harapan niya si Axel.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon