Chapter Fifty three

104K 3.2K 473
                                    


53: Flashbacks.
-

Ayesha’s POV

Masaya akong bumalik na si Rain pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil sa laki ng ipinagbago niya. Naiintindihan ko siya kung bakit at nag-aalala ako dahil doon.

Paggising ko kanina ay wala na siya sa kama niya kaya agad akong nag-asikaso.

Wala namang klase ngayon pero may party kasi mamayang gabi, gathering ng bawat kind. Kung dati ay every month iyon ginaganap, ngayon trice a year na lang.

“Liam.” Tawag ko nang makita ko siyang papasok ng main building.

“Bakit? Bihis na bihis ka yata. Wala naman pasok, ah.” Puna niya nang lapitan niya ako at hawakan ang mga kamay ko.

“Bibili ako ng susuotin mamaya. Samahan mo koㅡteka. Saan ka pala pupunta?” Tanong ko at saktong paglingon niya ay lumabas ng main building si Thunder habang nakaalalay sila Jiro at Matthew.

“What happened?”

“Hangover. Doon na siya natulog sa infirmary. Alam mo na ba ‘yung tungkol sa kasal ni Rain?” Agad kong naibalik ang atensyon kay Liam dahil sa sinabi niyang iyon.

“ What do you mean? Ikakasal si Rain?” Hindi makapaniwalang tanong ko at dahan-dahan lang siyang tumango.

“Oo. Doon sa Cloud, mukhang sobrang nasaktan si Thunder dahil sa nalaman niya kaya ayan, naligo sa alak.” Naiiling na sabi ni Liam at bigla kong naalala ang kwinento ni Rain na magkapatid si Cloud at Thunder, hindi ko na lang muna iyon ipagsasabi sa iba.

Sure akong mas masasaktan si Thunder kapag nalaman niya ang katotohanan na kaya siya iniwan ng papa niya noon ay dahil may iba siyang pamilya at kung idadagdag pa na kapatid niya ang pakakasalan ng babaeng mahal niya, sigurado akong hindi kakayanin ni Thunder.

Ngayon pa lang naaawa na ako sa kanya. Mukhang sobra sobrang parusa na iyon sa pagkakamaling nagawa niya kay Rain noon. Napalapit na rin kasi sa akin si Thunder kaya alam ko na nagsisisi siya sa mga nagawa niya and I hope maging okay na ang lahat.

“Paalis ka na ba? Mag-aasikaso lang ako para masamahan kita.” Tumango lang ako sa sinabi ni Liam at napiling maghintay na lang sa field. Naisip ko rin na tawagan si Rain para malaman kung nasaan siya

“Beb. Where are you?”

“Nasa studio ako. Bakit?” Inilayo ko ng bahagya ang phone sa tainga ko dahil sa ingay na naririnig sa kabilang linya.

“Bakit ang ingay?”

“Nag p-practice sila Cloud. Tutugtog sila mamaya sa party. Let’s talk later. Bye!” Agad niyang binaba ang tawag kaya napanguso na lang ako.

“Ano ba! Ayoko nga sabi, eh!” Sigaw ng pamilyar na boses. Nilingon ko kung sino iyon at nakita na lang si Emerald at Jasper na nagtatalo.

“Bakit ba ayaw mo makinig sa’kin?! Sinabihan na kitang wag magsusuot ng masiyadong sexy na damit,eh. Makinig ka nga!” Sigaw ni Jasper pabalik.

“Bigay nga ni Pink sa’kin ‘yon. Nakakahiya naman kung hindi ko susuotin sa party mamaya. Ano bang problema mo sa damit? Backless lang naman ‘yon!”

“Tss. Bahala ka, basta magsuot ka ng Jacket.”

“Ano? Naka-dress ako tapos pagsusuotin mo ako ng Jacket? Grabe. Nahihibang ka na talaga. Ano bang gusto mong suotin ko? Longsleeve na turtle neck at pantalon para hindi makita ‘yung balat ko?! My God!” Napasabunot na lamang si Emerald sa sobrang inis habang ako ay natatawa na lang sa kanila. Lagi na lang silang parang aso’t pusa na nag-aaway.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon