Chapter Twenty four

151K 4.8K 672
                                    


24: Promise
-

Hawak-hawak pa rin ni Thunder ang kamay ko habang nakikipagsiksikan kami sa subway. Nakahawak siya sa bakal habang nakaharap sa akin, halos masubsob na rin ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa sobrang sikip.

“Saan ba talaga tayo pupunta?” Tanong ko nang tumingala ako sa kanya. Kagaya kanina, wala akong nakuhang sagot, nakakainis na.

Binitawan niya ang kamay ko at pinulupot sa baywang ko ang free hand niya. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon kaya nakatitig lang ako sa kanya. Kakaiba rin ang galawan ng lalaking ito.

“Kumapit ka sa damit ko.” Utos niya ngunit hindi ko ginawa....kaso wrong move dahil biglaang huminto yung tren, dahilan para ma-out of balance ako. Mabuti na lang ay nakaalalay ang kamay ni Thunder sa likuran ko.

“Ayaw kasi makinig eh.” iritang reklamo niya, ngumuso lang ako at hindi na kumibo.

Maya-maya lang ay bumaba na kami ng tren. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya wala akong ideya kung saan ba talaga kami pupunta not until makita ko iyong mall. May oras pa talaga siya para mag shopping?

Hindi na ako nagtanong kung ano ang ginagawa namin dito dahil wala rin naman akong makukuhang sagot mula sa kanya. Sinundan ko na lang siya since hawak niya pa rin ang kamay ko at mukhang wala siyang balak bitawan iyon.

Ang gwapo naman nung guy.”

“Swerte ni ate girl.”

“Uniform ‘yan ng Monstrous academy ‘di ba?

Hanggang dito ba naman ay mapag-uusapan pa rin ako? I mean makukuha pa rin namin yung atensyon ng mga tao?

“Pili ka ng gusto mo.” sabi niya nang pumasok kami sa bilihan ng phone. Tinignan ko lang siya dahil nagiging engot na naman ako.

“Kung ayaw mo, ako na lang.” sabi niya nang akma siyang hakakbang pero agad ko siyang pinigilan. “Remember? Nasira ko yung phone mo? Papalitan ko na, para hindi ka na nanghihiram.”

“Pwede pa naman yung phone ko, gagana ‘yon ulit pag pinaayos.”

“Nandito na tayo, Rain. Ako na mamimili. Wag ka nang magreklamo.” napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong wala akong magagawa pag nakapagdesisyon na siya.

Naglakad siya sa store at naghanap ng phone na katulad ng sa kanya.

“Masiyado namang mahal ‘yan, yung pinakamura na lang ang bilhin mo.” sabi ko pero hindi na naman niya ako pinapakinggan. In the end, binili niya pa rin iyon.

“Babayaran na lang kita pag nakaipon ako.” sabi ko pero hindi siya kumibo at dinala lang ako sa ice cream store.

“Wala kang babayaran. Maupo ka lang diyan. Oorder ako,” Iniwan niya ako at napabuntong hininga na lang.

Nakakahiya na ‘to. Hindi naman niya kailangan gumastos ng malaki para lang mapalitan iyong cellphone ko na nasira at isa pa, bakit ba siya na lang ang laging nasusunod?

Maya-maya lang ay dumating na siya na may dalang dalawang baso ng ice cream. Nag umpisa naman kaming kumain pero huminto siya at kinuha ang cellphone na bitbit niya. Binuksan niya iyon at may kung ano siyang pinipindot.

“Oh, itago mo na.” Binigay niya iyon sa akin at nanlaki na lang ang mata ko  nang makita ang wallpaper noon.

“Gwapo ba? Baka naman magdamag mong titigan ‘yan.” seryosong sabi niya at napailing na lang ako. Si-net niya talaga iyong selfie niya para maging wallpaper ko. Hindi man lang siya ngumiti at bakit close up?

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon