Chapter Five

208K 7.2K 869
                                    


5: One-on-One
-

“Hey, are you okay?” Tanong ng lalaking nasa tabi ko. Dahan-dahan ko namang kinusot ang mga mata ko at bumangon para sumandal sa head board.

Nabigla ako nang mapagtanto ko na si Jiro pala iyon at kasama niya yung isa pang miyembro ng Dark na nakaupo sa likuran ko kanina sa classroom.

“Jasper, ikuha mo siya ng tubig.” utos ni Jiro na agad namang sinunod noong si Jasper. Ngumiti ako pero blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Gusto ko sana sabihin na ngumiti naman kaso napaka-fc ko naman kung gagawin ko iyon kaya wag na lang.

“Anong ginagawa ko ditㅡ” hindi ko na naituloy ang pagtatanong dahil bigla ko na lang naalala ang nangyari kanina. Yung walang hiyang Thunder na iyon! Sana masagasaan siya ng truck o kaya naman ay tamaan siya ng kidlat dahil sa kademonyohan niya! Dahil sa kanya ay bumalik tuloy ang mga masasamang alaala na gusto ko ng kalimutan.

“Bakit ka umiiyak?” Tanong ni Jasper ng i-abot niya sa akin yung tubig. Hindi ko namamalayan na umiiyak na naman pala ako.

“Ah wala. Anong oras na?” Tanong ko.

“1:00 na. Dismiss na yung klase.” nanlaki na lang ang mata ko sa isinagot niya. Unang araw ko pa lang sa klase ay nag cut na agad ako sa dalawang subject. Ugh, ang malas ko naman!

“Okay na siya, tara na. May gang fight pa tayo.” aya ni Jasper at umalis na lang sila bigla nang hindi man lang nagpapaalam. Malapit na akong maniwala na hindi lahat ng insolent ay masasama talaga kaso, kahit ilang beses ko isipin na mabait sila. Wala eh, parang napakaimposible.

May mga time lang siguro na hindi sila ganun kasama, pero hindi pa rin nawawala ang pagiging arogante nila. Typical bad boys.

“Oh Rain, bakit hindi ka na bumalik sa cafeteria kanina? Nag-alala kami ni Liam sa’yo.” hinatak ako ni Ayesha pagbukas na pagbukas ko ng pinto. Mukha talaga siyang nag-aalala, nakonsensya tuloy ako.

“Sorry. May nangyari lang kasi, uhm kanina may nakita akong gate. Hell’s gate?ㅡ”

“Oh my god! Wag na wag kang lalapit sa gate na ‘yon, No. Wag kang papasok sa loob. Mukha lang siyang paradise on the outside pero sa likod ng mga puno doon ay kuta ng mga gangster. Isang suicide iyon pag pumasok ka sa loob...” Sabi niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

“..May isang lumang function hall sa loob noon at doon nagaganap ang mga gang fights ng mga gangster dito sa academy.” dagdag niya pa at napatango na lang ako. Hindi ko akalain na may ganun sa paaralan na ito. Ang creepy. Wala bang gagawing aksyon ang management ng school para sa ganung bagay? Hindi naman at angkop iyon para sa isang eskwelahan.

“Teka. Kiss mark ba ‘yang nasa leeg mo?” Tanong bigla ni Ayesha habang nakatingin sa leeg ko. Nagsalubong naman ang kilay ko at hinawakan iyon bago humarap sa salamin. Wtf?!

“K-kagat ng lamok.” pagsisinungaling ko at dali-daling nagpunta ng banyo para maligo. Napakademonyo ng lalaking iyon! Ngayon pa lang sinasabi ko na sa kanya. Hindi ko siya aatrasan, wala na akong pakialam kung anong gawin niya sa akin, kakalabanin ko siya kahit siya pa ang pinakagwapongㅡeste pinakademonyong leader ng Dark!

P.E ang unang subject namin ngayon, kamusta naman iyon? Umpisa pa lang ng araw ay mahahaggard na agad kami. Nag suot ako ng choker para hindi makita ang kiss mark sa leeg ko, buti na lang ay hindi iyon ganoon kalaki.

“Ayesha, ibabalik ko na lang ‘tong choker mamaya after class ha? Una na ako.” nagmadali na akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa gym. Kulay gray ang P.E uniform namin at gaya doon sa regular uniform ay nakaindicate pa rin kung anong kind ako which is ‘Keen

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon