Chapter Forty four

103K 3.1K 234
                                    


44: Capsule
-

Mabilis lumipas ang araw. Weekend na naman, isang linggo na rin ang nakalipas noong huli akong makatanggap ng sulat, nakakapagtaka dahil noong magtanong kami kila Jasper at Jiro ay natigil na rin ang pagbibigay sa akin ng sulat. Wala ring kahinahinalang tao sa paligid at wala pang nagtatangkang manakit kay Thunder.

Sa ngayon, ito ako at nag-aayos ng gamit dahil maya-maya lang ay aalis na kami papunta sa resort kung saan kami magt-team building. Sayang nga lang dahil hindi makakasama si Ayesha. Kailangan niya pa kasing magpagaling.

Beb, tignan-tignan mo si Liam, ah? Baka gumawa ‘yan ng kalokohan.” Bilin ni Ayesha mula sa kabilang linya.

Oo beb, takot lang niya sa’yo. Bakit kasi ayaw mo pa siyang sagutin?

Quiet ka lang, ah? Ano kasi, k-kami na.” Napatayo na lamang ako sa kama dahil sa narinig ngayon-ngayon lang.

Ano? Kailan pa?!

Noong bumisita siya rito pagtapos ng laban nila sa ground zero. Hmm sorry Beb, hindi ko sinabi agad. Ngumiti ako ngunit agad din iyong nawala dahil sa biglaang pagsulpot ni Thunder.

Sige na Beb, usap tayo mamaya. Bye love you.” Binaba ko ang tawag at saka tumayo para lumapit sa balkonahe.

“Kailan mo ba titigilan ang pagsulpot ng ganyan?” Tanong ko habang nakapamewang. Hindi naman siya umimik at nakatingin lang sa akin. “Hoy!”

“Sino naman ang ka-iloveyouhan mo?” Tanong niya kaya naman natawa ako.

“Si Ayesha ‘yon, bakit ka nandito? Aalis na ba?” Tanong ko at tumango lang siya kaya kinuha ko na ang bag pack ko at saka naglakad papunta sa pinto pero bigla na lang niyang hinila ang bag ko.

“Saan ka pupunta? Dito na tayo dumaan” Sabi niya sabay turo sa puno.

“Ano? Nakainom ka ba ng gamot? Nababaliw ka na naman.” Naiiling na sabi ko at bigla na lang niya akong niyakap. Ano bang problema niya?

“Please? Namimiss ko na kasi, eh. Naalala mo ba no’n? Dinalan kita rito ng heating pad kasi nakita kong natagusaㅡ”

“Shh. Oo na sige na, ang dami mo pang sinasabi. Saluhin mo ko, ah!” Masaya siyang tumango kaya nailing na lang ako. Nakakahiya, naalala niya pa iyon?

Pagbaba niya sa puno ay hinagis ko ang bag ko. Dahan-dahan naman akong pumatong sa sanga at pagtalon ko ay nasalo niya ako pero tulad ng dati ay natumba pa rin kami kaya pumaibabaw ako sa kanya at nagtawanan lang.

“Ang aga-aga naman n’yan.” Rinig kong sabi ni Liam kaya agad akong tumayo at tumakbo para akbayan siya.

“Kayo na pala ni Ayesha! Tch, nasaan ang pagiging probity mo? Hindi mo man lang sinabi sa’kin!” Ginulo ko ang buhok niya at napakamot lang siya sa ulo

“Nice one squidward.” Pangaasar ni Thunder at sinamaan lang siya ng tingin ni Liam. Napailing na lang ako at saka kami nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makarating kami sa bus number namin. Sayang dahil hindi kasama si Liam sa bus namin dahil hindi naman namin siya kaklase.

Puro sophomore lang ang mag-paparticipate sa Team building. Kasama namin sa bus ang section nila Emerald kaya nandito siya ngayon katabi si Jasper.

As usual, magkakalayo ng pwesto ang dark na para bang hindi sila magkakilala. Nasa bandang dulo kami ni Thunder, magkatabi naman si Tymee at Matthew sa bandang unahan. Si Axel naman ay nasa bandang gitna at ganoon din si Jiro pero nasa kabilang side siya.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon