Chapter Forty one

113K 3.5K 367
                                    


41: Back stab
-

“Porn porn!” Sigaw ni Thunder nang isara niya ang pinto, dahilan para umalis si Liam sa ibabaw ni Ayesha.

“Nakapatong lang, porn agad? Hindi ba pwedeng na out of balance lang kaya nasa ibabaw niya ko?” Paliwanag ni Liam at napahawak na lamang ako sa dibdib ko. Akala ko kung ano na ang nangyari.

“Eh bakit ba kasi umaakyat ka sa balkonahe? Alam mo namang paranoid ako ngayon, eh.” Sabi ni Ayesha nang maupo siya sa kama.

“Sinisigurado ko lang na safe ka.” Sagot ni Liam.

“Sus. Breezy, pero teka bakit? Ano bang nangyari? Bakit ka napaparanoid?” Tanong ni Thunder. Hindi pa nga pala niya alam ang tungkol doon. Hinawakan ko siya at saka naupo sa kama ko habang kaharap namin sila Liam na nakaupo naman sa kama ni Ayesha.

“Naalala mo ba yung kwinento ko sa’yo noon na may napulot akong bote na may kulay asul na papel sa loob?” Tanong ko kay Thunder at tumango siya. “Nakapulot na naman ako kagabi at ang nakalagay sa sulat ay ‘Let’s start with your beb.’ Hindi ko ma-identify kung sino ang nagbibigay no’n dahil printed ang pagkakasulat, saka mukhang kakilala lang natin ang nagpapadala dahil alam niya ang endearment namin ni Ayesha, or worse baka isa pa sa mga kaibigan natin...”

“..At saka sure ako na kaya hindi hand written ‘yon ay dahil may possibility na makilala natin siya agad dahil sa sulat kamay niya. I mean, sinong mag-aaksaya ng ink ng printer para lang sa kapirasong sulat na ‘yon? Napakaeffort naman niya sa pananakot.” Dagdag ko.

“Saan mo napulot yung bote? Baka nakuhaan ng cctv kung sino ang naglagay no’n.” Napaisip ako sa sinabing iyon ni Thunder.

“Mag-aasikaso lang ako. After class kita-kita tayo sa tapat ng main building.” Sabi ko at tumango naman sila.

Kasalukuyan akong nasa keen’s lab at para akong artista dahil pinag-uusapan ako ng mga babae. Hindi siguro sila makamove on sa moment namin ni Thunder kanina sa girl’s dorm.

Ang swerte niya no?

Oo nga eh, keen din naman tayo pero bakit may gano’n siyang kagwapong boyfriend?

Tapos naging temporary leader pa siya. I envy her so much.”

Napailing na lamang ako, kung alam lang nila. Oo swerte ako pero sure akong hindi nila gugustuhin na mabigyan ng death threat kagaya ko.

“Rain. Balita ko okay na daw kayo ni Thunder, ah.” Nakangiting sabi ni Amanda at tumango naman ako. So far maganda ang naging feedback sa kanya ng ibang keen. Mukhang okay din ang leadership niya.

“Oo. Mukha kasing nakapag-isip isip na siya, naging close minded kasi siya dahil sa nangyari.” Sabi ko at tumango lang siya. “Oo nga pala. Nandito ba si Axel ngayon?”

“Hindi ko pa siya nakikita.” Sagot niya at hindi na ako nagsalita pa. Mukhang nasa insolent siya ngayon. Sana magkaayos na sila ni Thunder.

Mabilis lumipas ang oras at tinatahak ko na ang daan papunta sa main building. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang dark demons at si Ayesha.

“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko kila Jin.

“May training kami, eh. Monday na yung ground zero.” Sagot niya at kusa na lang bumaling ang atensyon ko kay Thunder.

“Let’s date later tapos may training?”

“Sila lang magt-training dahil masyado na akong malakas, wag mo na kong awayin.” Sabi niya nang masahihin niya yung likuran ko. Napailing na lamang ako at sabay-sabay pumunta sa security office kung saan nakalagay ang mga records ng cctv.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon