Chapter Seventeen

181K 6.1K 1.1K
                                    


17: Jealous
-

Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang party. Wala namang mali sa paligid maliban sa sarili ko.

Oo may mali sa akin, mula kasi noong gabing iyon ay hindi ko na maalis si Thunder sa isipan ko. Para siyang tumor na bigla na lang tumubo sa utak ko nang walang pasabi.

Gusto niya kong protektahan? Dahil lang sa salitang iyon, hindi ko na maalis sa isip ko kung totoo ba talaga yung sinabi niyang may gusto siya sa akin. Baka way nya lang iyon para pagtripan ako.

“Ulaaaaaaaaaan!” Sigaw niya sa akin. Bakit kasi siya pa yung naging kagrupo ko ngayon?!

“Sinabi ko nang wag mong tatagalugin yung pangalan ko eh!”

“Eh bakit kasi lutang ka?! Kanina pa kita kinakausap! Sino bang iniisip mo?!”

“IkaㅡYung activity!”

“Excuse me Mr. Cross and Ms. Celvero. Hindi lang kayo ang tao rito. Get out of this class!” Sigaw ni Ms. De Vera. Substitute prof namin siya ngayon. Geez! Mapapalabas pa tuloy ako ng wala sa oras.

“Ang lakas ng loob mong palabasin ako!” inis na sabi ni Thunder nang hampasin nito ang lamesa niya. Wala talagang galang ang isang ito.

“Tara na,” aya ko at sapilitan ko na siyang hinatak palabas. See? May mali talaga sa akin. Dapat hinayaan ko na lang siyang manatili sa loob. Bakit ko siya hinatak? Shit!

“Wow. Parang first time mong hawakan ang braso ko, ha.” mapang-asar na sabi ni Thunder. Inirapan ko lamang ito at agad umalis ngunit naramdaman ko na lang ang pagsunod niya sa akin.

“Wag mo kong sundan! Dahil sa’yo napalabas tuloy ako!” reklamo ko pero patuloy pa rin siya sa pagsunod. Alam na alam niya talaga kung paano at kailan ako b-bwisitin.

“Sure kang gusto mo na wag kitang sundan? Baka mamaya niyan may bigla na lang kumuha sa'yo at gawin kang human subject,” pananakot niya kaya agad akong napahinto sa paglalakad.

“P-pwede ba!” nagpatuloy ulit ako at balak na sanang pindutin ang button ng elevator ngunit bigla na lang siyang humaraang doon habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

“Ulan, listen to meㅡ” tinignan ko siya ng masama. “Okay, Rain. Hindi na ako nantitrip, totoo na lahat ng sinasabi ko. Makinig ka, just stick to me. Gusto kong ma-assure ang safety mo,”

Why all of a sudden magiging ganito siya makitungo sa akin? Hindi ko na tuloy alam kung nagsasabi na ba siya ng totoo o hindi.

“Gusto mo talaga akong maniwala? Okay. Samahan mo ko sa Keen’s lab. Gusto kong makita yung X list na sinasabi mo. Pag nakita ko yung pangalan ko roon, magtitiwala ako sa’yo. Paniniwalaan ko lahat ng sinasabi mo,”

Pinanatili ko ang blangkong eskpresyon nang sabihin ko iyon at bahagya siyang ngumiti. Iyong ngiting ngayon ko lang nakita. Parang hindi na siya ang Thunder na una kong nakita noon.

“We need some time para makita yung X list. We need to plan everything,” sabi niya at tumango lamang ako.

THUNDER’S POV

I really don’t know what happened to me. In just one snapped, gusto ko na si Rain, or maybe noon pa lang ay gusto ko na siya. Ayaw ko lang aminin sa sarili ko dahil hindi naman ako yung tipo ng lalaking nagseseryoso sa babae.

Napacorny nito pero para akong pinana ni kupido. I don’t imagine myself saying those words, these words. There’s something about her that makes me feel likeㅡI want to protect her.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon