Simula

35 3 2
                                    

Isang normal na araw lang ito para sakin. Busy, oo. Lahat naman yata ng estudyante ganun. Mas busy nga lang siguro kami dahil Star Section.

Maiingay na kaklase, wirdong mga estudyante, istriktong guro. Ilan lamang yan sa mga nakakasalubong ko araw-araw. Paulit-ulit nalang. Nakaka-inis na. Nakakasawa.

Pero yun pala ang akala ko.

Nagbago ang lahat simula ng dumating siya sa buhay naming magkakaklase.

"Good morning class! May ipapakilala ako sa inyo. Bago niyong kaklase. Siya si Cheska. Galing sa isang sikat na pamilya sa Luzon. Be good to her." Sabi ni Ms. Cruz, guro namin.

Lahat ng mata ng mga kaklase ko ay nakatutok sa babaeng pumasok. Maganda siya, maputi, mahaba ang straight na buhok.

"Hi sa inyong lahat! Ako po si Cheska Marie Lopez. 15 years old. Nice to meet you all. Sana maging kaibigan ko kayong lahat." Pagpapakilala ni Cheska. Nakangiti siya at napakaaliwalas ng mukha.

Teka. Transferee?

Pamilyar sa akin ang eksena ng unang pagkikita namin ni Cheska.

Nabasa ko na pala yun sa libro dati. Nalimutan ko lang yung pamagat.

Storya yun ng isang section. Isa-isa silang namatay simula nung may nag transfer sa paaralan nila. Specifically, sa section nila.

Teka. Pwedeng mangyari rin samin yung nangyari dun.

Biglang nagsitayuan yung mga balahibo ko. Natatakot ako, oo pero di ko maipagkakaila yung curiosity. Ano kaya ang mga mangyayari?

Oh. This is gonna be so exciting!

...or not.

Run or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon