Kabanata 4

16 2 0
                                    

Let the game begin.

CHRISTINE

Ilang araw nang mugtong-mugto ang mga mata ko. Umuwi ako ng di kami nagkakaayos noong isang gabi.

Hindi parin ako pinapansin ni Carla.

Sa awa ng Diyos, natapos nga niya ang research paper niya. At alam niyo ba?

Naka-100 siya. 99 naman yung grade ko. Kaniyang research paper daw ang pinakamaganda sa lahat. Paano niya kaya nagawa iyon?

Aaminin ko, nainggit ako. Ngayon lang kasi nangyari 'to eh. Pagdating kasi sa mga research paper, akin ang pinakamaganda palagi.

Pero okay lang, sa bestfriend ko naman napunta eh. Bestfriend ko pa nga ba?

May iniingatan kasi akong rank at reputasyon dito sa school kaya ganun. Nangako ako kay mama bago siya namatay na ako dapat ang magiging class valedictorian.

Kaya napaka-importante para sa akin nitong rankings.

Kahit na ganun, nangibabaw pa din ang friendship namin ni Carla para sakin kaya heto ako ngayon. Pipilitin ko na namang humingi ng tawad sa kaniya.

"Christine! Long time no talk ah. Dito ka umupo sa tabi ko, please." Nagulat na naman ako kay Cheska. Napangiti ako at umupo na nga sa tabi niya.

I'm sure, di na naman kasi ako pauupuin ni Carla sa tabi niya.

"Oh, Cheska, kamusta?" Masayang bati ko.

Matagal din kaming di nagkausap ah. Namiss ko din ang isang ito.

"Okay naman. Ikaw ang kamusta? Ba't parating mugto ang mata mo?" Tanong niya.

Napansin din pala niya.

"Wala. Masama lang ang pakiramdam ko these past few days." Sabi ko.

"Sus. Kahit di tayo masyadong close, kilala na kita. Oh, ano bang problema? Baka may maitulong ako." Tanong niya.

Napangiti ulit ako. May tao pa palang concerned sa nangyayari sa buhay ko.

Yung relationship kasi namin ni Jerome ay hindi na stable nitong mga nakaraang araw. Away-bati ang naging relasyon namin.

Kaya akala ko, wala na talaga akong mapupuntahan.

Kinwento ko kay Cheska ang nangyari samin ni Carla.

"Ah. So hindi mo naman pala sinasadya na matapunan ang laptop niya eh. So, anong pinuputok ng butchi niya? Saka, naka pasa naman siya ah?" Sabi niya. "Sana nga hindi.." Hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi niya.

"Yun nga ang hindi ko malaman, Ches eh. Hay. Pabayaan na nga muna natin yan. Sabi ko noon sa'yo papakilala kita sa mga kaibigan ko diba? Ngayon natin gawin. Maaga pa naman eh." Sabi ko sa kaniya sabay tingin kina Carla.

"Ha, eh paano si Carla?" Alanganing tanong niya.

Ito na rin ang way ko siguro para magka-usap kami.

"Okay lang yan." Pag-aassure ko sa kaniya.

Sana maging okay nga.

Pumunta na kami malapit sa inuupuan nila.

"Hi guys!" Napatingin sila sa amin. "Alam ko ng kilala niyo na si Cheska but to formally introduce her to you, this is Cheska Marie Lopez, my friend." Pagpapakilala ko kay Cheska.

Nginitian naman nila ito ng matamis..well, except for Carla.

"I didn't know you have friends other than us." Mataray na sabi ni Carla.

Natulala ako. Bakit, di ba ako pwedeng makipagkaibigan?

"Well, now you do. It's not like she can't have any friends other than you. Nice to meet you, by the way." Mataray ngunit nakangiti na sabi ni Cheska.

Nagulat ako sa inasta niya. Napangiti ako ng konti. May katapat kana pala, Carla.

Naglahad ng kamay si Cheska ngunit inirapan lang siya ni Carla. Agad namang binaba ni Cheska ang kamay niya.

"So yeah, this is Carla. This is Jamila, Kim, Misty, Jerome, Kurt, Kyle, and Ivan." Isa-isa kong pagpakilala sa kanila.

Nginitian sila ni Cheska at nagkamayan sila. Tinanguan lang siya ni Ivan. Siyempre, magkakilala na sila.

Nahuli kong malagkit ang tingin nina Jerome at Kurt sa kaniya.

Napa-igting ang bagang ko.

Nakita kong ganun din ang naging reaction ni Jamila. Napapabalita kasing may something sa kanilang dalawa ni Kurt.

Hindi naman kasi maipagkakaila na maganda talaga si Cheska. Sa kinis at puti ba naman ng balat eh. Dinagdagan pa ng itim at straight na straight na buhok niya.

Di tulad ko na katamtaman lang ang puti at may kulot at brown na buhok. Katamtaman lang din ang haba nito. Mas mataas nga lang ako ng kaunti sa kaniya.

Kaibigan ko si Cheska. Wag niya lang sanang tangkain na agawin o akitin si Jerome. Mapapatay ko ang magtatangka nun.

"Goodmorning, Ms. Cruz!" Natauhan ako ng narinig ko ang bati ng mga kaklase ko. Andito na pala si Ms. Cruz.

Mabuti nalang at nakagawa ako ng card na may numerong 40 kagabi. Muntik ko ng makalimutan yun eh.

"Oh, Class, dala niyo ba ang pinapagawa ko sa inyo?" Tanong ni Ms. habang naglalapag ng maraming mga cards din sa mesa. May nakalagay na mga symbols sa mga ito.

Plus(+), Minus(-), Times(*), at Divide(÷).

"Yes, Miss." Sabay sabay na sagot namin.

Ano kayang game to?

Nag-umpisa ng mag-explain si Ms. Cruz tungkol sa game.

So ganito pala yun. Bale, yung mga hawak naming number, yun ang magsisilbing name namin.

Magsasabi si Miss ng isang number at kailangan naming gumamit ng isang symbol doon at humanap ng partner na kapag ginamit ang symbol na nakuha, magiging kung ano mang number na sinabi ni Miss Cruz.

Halimbawa, kung magbibigay siya ng number 2, kailangan kong makakuha ng isang symbol. So kung kukuha ako ng minus sign, kailangan kong maghanap ng taong may number 38 para kapag sinubtract mo, magiging 2. Ang hindi raw makagawa, ay automatic na matatanggal sa game.

Ilang beses pang ipinaliwanag ni Ms. Cruz ang instructions kasi hindi maintindihan ng iba.

Slow kasi eh, tsk.

Kaya ayon ilang minuto pa, ay nagsabi na si ma'am na humanda na raw.

Sus. Ito lang pala ang silbi ng numbers, akala ko kung ano na.

"Okay class, Let the game begin!" Sabi niya kaya nagsi-pwesto na kami sa kung saan namin gusto.

Napa-ngiwi ako.

Tss. Walang ka thrill-thrill.

--

Run or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon