Kabanata 7

14 2 0
                                    

Two people...dead.

CHRISTINE

Isang Linggo na ang nakalipas ngunit hindi parin natutukoy kung sino nga ba ang may kagagawan ng pagkamatay ni Jessa.

Lahat ng mga kaklase ko mukhang naka move on na, ako nalang ata ang hindi. Like.. what the? Makakaya nilang mag move on ng ganun-ganun nalang?

Well... Hindi ko naman pala sila masisisi. Hindi naman sila yung nakakatanggap ng death threats at pananakot halos araw-araw.

Oo, hindi pa rin ako nilulubayan ng hayop na iyon. Iyon ang dahilan kung bakit hindi pa rin ako matahimik. I need to find him..or her. Kailangan niya nang tumigil dahil base sa mga mensahe niya, may mga plano pa siya.

Patapos na ngayon ang aming klase sa araw na ito. May mga group works na naman kami kaya paniguradong may mga mananatili na naman dito sa school hanggang mamaya.

Ewan ko ba. Pero, natatakot ako. Baka may gawin siya ulit.

Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko si Carla. Kumunot ang noo ko. Andito pala siya? Wala siyang pinasukang kahit anong klase kanina, ah?

Tila wala siya sa kaniyang wisyo ngayon. Palinga-linga siya sa paligid at parang may magkahalong takot at galit sa kaniyang mga mata. Ano ba talagang nangyayari sa kaniya?

May nakabunggo siyang dalawang babae at agad na nalaglag ang mga gamit niya. Natumba rin siya. Nagulat ang mga nakabunggo at agad siyang inalalayan. Hinawi niya lamang ang mga kamay nila.

Tumayo siya at galit na binalingan ang mga ito. Tinulak niya ang isa, dahilan kung bakit nagalit ang kasama noong natulak. Tinulak niya rin ng bahagya si Carla.

Pumunta ako para daluhan sila.

"Hey. What's happening here? Carla, anong nangyari?" Tanong ko kahit na nakita ko naman. I just wanna heard it straight from her mouth.

"They pushed me! Pinagtutulungan nila ako! Look, nalalag pa ang mga gamit ko! They're going to hurt me. No, they already did!" Pagsisisigaw niya at pinulot ang mga gamit.

I was right. She's going to lie.

"I believe hindi ganiyan ang nangyari, Carla. Nabunggo ka nila pero hindi nila sinasadya iyon." Sabi ko dahil iyon naman talaga ang totoo.

Umaapoy na ang galit sa mga mata niya. Pero sa ginta ng mga pag-aalab ng mga ito, nakakita ako ng takot at sakit na agad din namang nawala.

"Kinakampihan mo ba sila, Monique? Pati ba naman ikaw?! Sasaktan mo din ako?! Akala ko ba magkaibihan tayo?! Fuck you!" Mura niya sakin.

Nasapo ko ang noo ko. What happened to her? She's not the same Carla anymore.

"Carla, look." Hinawakan ko ang kaniyang mga braso. Marahas niyang binawi iyon at nakita ko ang takot sa mga mata niya.

"N-no!! D-don't touch me! D-don't try! I won't let you. Magbabayad kayo, Monique. MAGBABAYAD KAYO." Nanginginig siya.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. Umalis siya at binunggo pa ang dalawang babae kanina. Binalingan ko sila. I figured out they're my classmates.

"Frances, Karen, pagpasensiyahan niyo na si Carla. May problema lang siguro iyon kaya ganoon. Alam naman nating hindi ganyan si Carla diba?" Pagpapaumanhin ko sa kanila.

"Anong hindi?! Noon pa man alam ko ng masama talaga ugali niyan eh! Ba't ka ba nagtitiwala diyan, Monique?" Ani Frances.

"Ano ka ba, Ces? Hindi ganiyan si Carla. Hayaan nalang natin. May problema nga siguro iyon." Sabi ni Karen. Binalingan niya ako. "Sige, mauna na kami, Nique. Kalimutan nalang natin ang nangyari. Alis na kami, may group project pa kasi eh." Aniya at ngumiti.

Nginitian ko rin sila. Ayaw pa sanang paawat ni Frances pero hinila na ng kaibigan.

Dumiretso na ako sa library upang gumawa ulit ng group project. Pagkarating ko, naroon din pala sina Jerome, kasama sina Kim, Frances at Karen. Nakita ko rin sina Misty, Jamila, Cheska, at Kyle sa isa pang mesa. Dito rin siguro sila gagawa.

Pumunta na ako sa groupmates ko at sinimulan na namin ang gawain. Tulad ng dati, ako ulit ang gagawa ng powerpoint.

Nang nahagip ng mga mata ko sina Jerome, nakita kong nakikipagkulitan siya kina Frances at Karen. Tumaas ang kilay ko, ngunit hinayaan ko na lamang iyon.

Sa kalagitnaan ng paggawa, nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Kaya nagpaalam muna ako sa mga kasama ko upang mag banyo.

Eto na nga ba ang ayaw ko sa pagbabanyo ng gabi, e. Sarado na ang lahat ng CR dito maliban sa banyo doon sa third floor. Tsk. Nakakapagod pa namang umakyat.

Nag-isip pa ako ng ilang saglit kung itutuloy ko ba o hindi. Sa huli, tinuloy ko na.

Mabilis akong umaakyat ngayon patungo sa ikalawang palapag ng may nakabunggo ako. "AHHH!!" Nagulat ako sa sigaw ni Carla. "C-carla? Anong ginagawa mo dito? Maggabi na ah?" Tanong ko.

"W-w-wala. M-m-may.." Utal-utal na sabi niya at nilingon ang madilim na hagdan patungo ikatlong palapag. Takot na takot siya.

"Anong nangyayari sayo? Bakit ka nauutal?" Kuryusong tanong ko.

"P-pinatay k-ko lang ang... ilaw sa i-itaas. Sige, uwi na ako, M-monique." Aniya at nagmadali ng bumaba.

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Ano ba talagang nangyayari sa kaniya? Nilingon ko siya at nakitang wala na nga siya roon.

May ideyang sumagi sa isip ko subalit ipinagkibit ko na lamang ng balikat iyon.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad sa madilim na hallway ng third floor. Totoo ngang wala ng ilaw na nakasindi dito. Baka nga napag-utusan lang talaga siya.

Nahirapan pa ako sa paghahanap ng banyo. Hindi naman kasi ako parating pumumunta dito.

Diniretso ko nalang ang lakaran ng biglang may narinig akong sumitsit.

Nilingon ko ang silid sa gilid ko ngunit wala namang tao roon. Tumindig na naman ang mga balahibo ko.

Pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad kahit hindi na mapakali ang aking puso.

Bago ako makapasok sa banyo ay may aninong nahagip ang mata ko. Kinusot ko ang mga ito at tiningnan ulit kung saan ko nakita ang anino ngunit wala na ito roon.

Inalog ko ang ulo ko. Stop those imaginations, will you?

Tininingnan ko ang oras. 7:35 PM na pala. Binuksan ko na ang pintuan ng banyo namin.

Pagpasok na pagpasok ko palang sa pintuan ay may nakita na akong dugo na nakakalat sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko.

Shit. Ano na naman ba ito?

Tuluyan kong pinasok ang banyo. Nanginginig na ang buong katawan ko ngunit nagawa ko pang igala ang paningin ko sa buong CR.

There, in front of me, I saw two people...dead.

--

Run or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon