Kabanata 6

19 2 0
                                    

The time is ticking...

CHRISTINE

"Good Morning, Class." Naka-ngiting bati ng aming guro sa amin ngunit hindi maipagkakaila ang lungkot sa mga mata nito.

Ganiyan din naman ang nararamdaman ng halos lahat sa amin dito sa classroom. Lunes ngayon ngunit parang biyernes santo ang mga mukha namin.

Tatlong araw na kasi ang nakalipas magmula ng natagpuang patay ang kaklase naming si Jessa.

May pupuntang imbestigador dito sa classroom maya maya upang alamin ang buong pangyayari at mag imbestiga.

Matapos kong makitang duguan si Jessa doon ay agad akong tumakbo papunta sa guard. Tumawag naman sila agad ng mga pulis at ambulasya ngunit hindi na naagapan ang kaklase namin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga panahong iyon at hindi ko rin namalayan kung paano ako nakauwi noong gabing iyon.

Sariwang-sariwa pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari. Ang duguang uniporme ni Jessa, ang kaniyang mga pasa sa braso at mukha, at ang kutsilyo sa kamay niya.

Parang bang sinadyang pagmukain siyang nagpakamatay ngunit halata namang hindi ito ang tunay na nangyari. O baka nga naman nanlaban siya na nagresulta sa patayan.

Naputol ang aking pag-iisip ng ipinakilala ng aming guro ang kakapasok palang na lalaki. Sa itim niyang damit ay may nakasulat na NBI.

Andito na pala ang mag iimbestiga sa pagkamatay ni Jessa. Pansamantala kaming natahimik.

"Students, I need the cooperation of each and everyone of you. Alam kong gusto nating lahat na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng inyong kaklase, that's why I'm expecting everyone to help." Sabi ng lalaki. "Is anyone absent?" Tanong niya sa amin.

Pinasadahan ko ng tingin ang bawat kaklase ko at nakitang absent si Carla. May kung anong ideyang pumasok sa utak ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

"Si Carla po." Ani Jerome.

"Oh. I guess, I'll just talk to her tomorrow. Or the next day. Hindi ko naman ito matatapos nang isang araw lang." Sagot ng lalaki.

Ipinaliwanag din sa amin ng guro na isa isa kaming kakausapin ng imbestigador at kailangan naming sagutin ang lahat ng tanong niya. Sa aming guidance office gaganapin ang pag-uusap.

Nang naka-alis na ang unang student na iinterviewhin kasama iyong lalaki, nagsimula na ang mga bulong-bulungan sa aming silid.

"Shit! Posible kayang isa sa atin ang pumatay sa kaniya?" Pahisteryang tanong ni Kim.

"Oh my God! Pwede iyon. Pero..huwag naman sana." Naiiyak na sabi ni Jamila.

"Ano ba kayo! It's impossible. Hindi naman yata makakaya ng kaedad natin na gumawa ng ganoon klaseng krimen. Ang linis lang ng pagkakagawa." Sabi ni Misty at tumango-tango.

"Oo, nga. Hudas lang ang makakagawa nun. Malaman ko lang kung sinong gumawa nito, baka mapatay ko siya." Galit na galit na utas ng aking boyfriend.

Bahagyang namutla si Misty. Natakot rin ako sa inasta ni Jerome. Hindi naman kasi siya madalas nagagalit kaya nagulat ako.

Sabagay, hindi rin naman namin siya masisisi. Childhood friend niya kasi si Jessa kaya malapit sila. Medyo malapit na rin ako sa kaniya kung kaya't ganoon nalang ang hagulgol ko ng naabutan siyang wala ng buhay.

"Misty dela Cruz. Ikaw na ang sunod. Pumunta ka na sa guidance office." Sabi ng aming guro.

Mahihin namang naglakad si Misty palabas ng classroom at sinundan namin siya ng tingin. Ang kaniyang mala-porselanang balat ang nagpapatingkad sa kaniyang ganda. Walang ding ni anong kaba ang makikita sa kaniya.

Run or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon