Kabanata 2

19 3 0
                                    

Why can't I just die?

CHRISTINE

Ilang araw nang nagtatampo sa akin si Carla. Hindi ko siya kasi nasamahan nung panahon na pupunta dapat siya sa likod ng school. Mabuti nalang at di siya natuloy.

Natagalan kasi kami ni Cheska nun eh. Nagpasama sakin dahil may bibilhin daw.

Nakakatawa nga eh. Kasi ilang oras naming hinanap yung bibilhin niya dahil nakalimutan niya daw. Ang sira lang. Napangiti ako.

Pagkatapos nun, nagpaalam siyang magbabanyo lang tas hindi na ako binalikan.

Sinabi niya naman sakin ang dahilan. Nakita niya daw ang pinsan niya.

Si Ivan Christian L. Castillo. Akalain mo yun?

Kaklase ko si Ivan simula pa first year kaya nagulat ako na pinsan niya pala si Cheska. Ako lang ang pinagsabihan niya na pinsan niya yun.

Pinagkakatiwalaan niya talaga ako.

Magaan ang loob ko sa kaniya.

Pero, naalala ko palang wala akong dapat na pagkatiwalaan. Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang sekreto at iba't-ibang kwento.

Isa pa lang ang nalaman ko sa kaniya.
Marami pa kayang iba?

JEROME

"I love you, Carla." sabi ko habang hinahalikan siya sa leeg. Napa-ungol naman siya sa ginawa ko.

"I love you more, Jerome ko. Akin ka lang." Pang-aangkin niya sa akin habang sinasabunutan ako.

Napangiti ako.

"Of course. Sayong-sayo lang." Sabi ko habang hinahalikan siya ng mapusok.

Nandito kami sa bahay ni Carla. Specifically, sa kwarto niya. Palagi naming ginagawa to lalo na kung wala ang mga magulang niya.

Si Monique? Hindi ko siya mahal. Si Carla ang mahal ko.

Pinaglalaruan ko lang si Monique. Yun ang gusto ni Carla eh. Siyempre, sinunod ko. Mahal ko eh.

Okay naman kay Monique yun. Alam naman siguro niya yun.

Napa-ngiwi ako.

CHRISTINE

Absent si Carla ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Sana naman magka-ayos na kami.

Ngayon ko lang napansin na absent din pala si Jerome. Ano kayang nangyari sa kaniya?

Hay. Andami ko talagang problema. Kainis na buhay to'.

Nang uwian ay nagmadali akong idrive yung sasakyan ko papuntang bahay.

Heto na naman. Papasok na naman pala ako sa impiyerno.

"Christine, nandito ka na pala, baby." Salubong sakin ng demonyo kong tatay habang hinahaplos ang hita ko.

Napa-igting ang bagang ko.

"Akyat lang ako." Sabi ko at pumasok na sa kwarto.

Nilock ko ang pinto at kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.

Ganito ang nangyayari sakin araw-araw. Mas sobra pa sa ginawa niya kanina.

Hindi niya pa naman ako ginalaw. Pero pag ginawa niya yun, ewan ko nalang. Magkakamatayan na yata kami.

Wala naman akong magagawa. Wala akong sariling pera. Sa kaniya ako umaasa ng lahat. Patay na rin ang mommy ko. Pinatay niya...

Pag nagsumbong daw ako, papatayin niya kami ng kapatid ko. Siyempre hindi ko hahayan na mangyari yun.

Kaya ngayon, tiis tiis muna ako. Nag-iipon kasi ako eh. Palagi naman niya akong binibigyan ng pera basta't mabuti lang ang pakikitungo ko sa kaniya.

Titiisin ko lahat to'. Balang araw, makakaganti rin ako. Ako mismo ang papatay sa kaniya.

Walang siyang awa. Mas masahol pa siya sa demonyo.

Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw kong maniwalang tinatraydor ako ni Carla. Hindi pwede. Siya na nga lang ang maituturing kong kaibigan, mawawala pa?

Silang dalawa nalang talaga ni Jerome ang talagang makakapagkatiwalaan ko. Kaya't hanggang maaari ay pipilitin kong intindihin si Carla. Mahal ko siya, mahal ko ang bestfriend ko.

Narinig kong tumunog ang phone ko. Si Misty tumatawag.

"Hello? Bakit ka napatawag, Misty?" Tanong ko.

Isa rin sa mga kaibigan ko si Misty. Pero gaya ng sabi ko, mahirap na talagang mag tiwala. Tatay ko nga kaya akong demonyohin, sila pa kaya?

"Huwag kang mabibigla, Monique pero.." Tumigil siya saglit. Kinabahan naman ako. Pa suspense pa kasi to eh. "Nakita namin nina Jamila si Carla at Jerome sa labas ng isang restaurant kanina, naghahalikan." Nanginginig na sabi ni Misty.

Ano? Hindi..hindi magagawa ni Carla at lalung-lalo hindi magagawa ni Jerome yang sinasabi niya.

"Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan, Mist. Hindi nakakatuwa ha." Pagbabanta ko.

Pero sa totoo lang, malapit ng tumulo ang mga luha ko.

No.. hindi totoo yan. Hindi nila magagawa sakin yan.

"Hindi kami nagbibiro. Hindi lang ako ang nakakita ng halikang yun. Your boyfriend is cheating on you, Monique. He really is." Patapos na sabi ni Misty na para bang siguradong-sigurado na siya.

Of course, I won't believe her.

"No! I don't believe you. Bahala nga kayo diyan." Sabi ko at pinutol na agad nga ang call.

Sana nga hindi totoo ang sinasabi nila. Sana nga. Dahil kung totoo nga yun, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil hindi ako masyadong nakatulog.

"Baby, maaga pa ah. Wag ka munang pumasok. Don't you like to have some fun, first?" Salubong sakin ng magaling kong ama nang nakita akong paalis na.

Shit. Not now, please.

"Huwag ngayon, Dad. Please, wag ngayon." Pakiusap ko. Nasusuka ako sa tinawag ko sa kaniya.

"Awww. Okay, baby. Your wish is my command." Sabi niya at niyakap ako.

Nagulat ako ng bigla niyang pinisil ang pwet ko. Hinawi ko yun agad.

Nagmadali akong pumunta sa sasakyan ko. Bumuhos na naman ang mga pesteng luha ko.

Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Kailan ba matatapos to?

Carla, Jerome, Dad..

Ba't di nalang kasi ako mamatay? Why can't I just fucking die?!

--

Run or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon