Kabanata 3

23 2 0
                                    

Research Paper.

CHRISTINE

Totoo ngang maaga pa ako ngayon. Kaunti pa nga lang ang mga estudyante sa school.

Naabutan ko sa classroom sina Carla kasama ang mga kaibigan namin.

Sina Jamila, Misty, Kurt, Jerome at Ivan, yung cousin ni Cheska.

Naroon din sina Kim Dominique Rivera at ang boyfriend niyang si Kyle Andrei Vasquez.

Yes, we all belong in the same group of friends. Lahat ng sinabi ko ay mga close friends ko lahat. Pero si Carla talaga ang pinaka close ko.

Tsk. Naalala ko na naman yung sinabi nina Misty kagabi. Di ko muna sila pinansin.

Umupo ako sa tabi ni Carla.

Nginitian niya lang ako ng peke. May kasalanan pala ako dito.

"Carla, best, sorry na kasi. Narinig mo naman ang paliwanag ko diba? Sinamahan ko kasi si Cheska eh. Kaya ayun. Sorry na talaga." Sabi ko sa kaniya.

"Ah ganon? So mas importante na pala ang ibang tao kaysa sa bestfriend mo? Ganon ba?" Nagtatampo niyang sabi.

"Nako, di naman sa ganon. Ganito nalang, paano ba ako makakabawi sayo?" Tanong ko.

"Hmp. Sige, pumunta ka sa bahay mamaya. Remember the research paper? Tulungan mo akong gumawa." Nagtatampong sabi niya.

Hala. Mamaya? Shit. Sige na nga.

Para kay Carla.

"Sige best, mamaya. Sa bahay niyo nalang ah? Alam mo namang hindi ako pwedeng magpapunta ng kaibigan sa bahay." Pagpapaliwanag ko. Alam niyang may problema sa bahay pero hindi niya alam kung ano.

Biglang lumiwanag ang mukha ni Carla.

"Thank you best! Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis eh." Aniya habang niyayakap ako.

Napabugtong-hininga ako. Hindi ko nga talaga matitiis ang bestfriend ko.

"Goodmorning, Ms. Cruz." Sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko at nagsitayuan.

Siya ang guro namin ngayon sa first period. Math teacher siya.

"Okay, class. Naalala niyo bang may game ako na naipangako sa inyo noong nakaraan? Count-off muli kayo dahil complete na kayo ngayon." Sabi ni Ms. Cruz.

Big deal talaga ang game na yan ah? Napatawa ako ng mahina.

Nag-umpisa na kaming mag count-off. 40 ako. Pinakahuli nanaman?

5 kasi ang absent last time kaya ayun.

"Ganito, pakitandaan ng mga number niyo. At sabihin niyo kay.."Napaisip si Ms. Cruz at umangat ang tingin niya sakin.

"Since si Monique ang class president, ipalista niyo sa kaniya ang mga numbers niyo. Pagkatapos, gumawa kayo ng parang card na may nakasulat na mga numero niyo. Any size pero wag naman yung napakalaki ah?"Napatawa kami. "Kakailanganin natin yan next meeting. Sige, that will serve as your assignment na ah? Goodbye, class." Paalam ni Ms. Cruz.

Kaya nag paalam narin kami.

Unti-unting nagsipuntahan saakin yung mga kaklase ko kaya kumuha na ako ng isang kapirasong papel para sa listahan.

Ito ang final list namin:

1. Jessa
2. Frances
3. Karen
4. Rianne
5. Carla
6. Jessica
7. Maricar
8. Natalie
9. Patricia
10. Jerome
11. Michelle
12. Jasmine
13. Nicole
14. Faye
15. Audrey
16. Julia
17. Angel
18. Kurt
19. Kathryn
20. Kim
21. Luisa
22. Daniel
23. Kenneth
24. Mia
25. Marie
26. James
27. Micaella
28. Janella
29. Leane
30. Kendra
31. Kent
32. Myra
33. Nadine
34. Misty
35. Diane
36. Jamila
37. Kyle
38. Ivan
39. Cheska
40. Monique

Pinost ko na sa bulletin board namin yung list. Nagsipuntahan naman yung classmates ko dun para tumingin.

Pagkatapos ko yung gawin ay pumunta na ako kay Carla. Gagawa kami ng research paper eh.

"Monique, halika na?" Sabi niya sakin kaya sumakay na ako sa sasakyan niya. Mabuti at di ko dala yung akin ngayon.

Pagkarating namin sa bahay niya, dumiretso kami sa kwarto ni Carla.

"Actually, naka gawa na ako best. Paki check nalang diyan sa laptop ko oh. Kukuha lang ako ng pagkain." Sabi niya.

Buti naman. Nakagawa na rin kasi ako eh.

Binuksan ko na ang laptop niya at kumuha muna ako ng juice. Nauhaw ako eh. Nilapag ko ang juice sa gilid ng laptop.

Ilang sandali pa ay may narinig akong ingay sa baba. Parang kutsilyo na pinapatulis.

Mga trabahador lang siguro nina Carla. Hindi ko nalang na pinansin.

Tiningnan ko ang gawa niya. Ang ganda naman pala.

Siyempre, top 2.

Kailangan lang naman ng kaunting revisions.

Habang inaayos ko ang research paper niya, bigla kong natumba yung baso at nabuhos ang lahat ng laman nito sa laptop.

Shit. Pa'no to? Anong gagawin ko?

Ilang beses akong napamura. Nagpapanic na ako.

Maya't-maya pa ay dumating si Carla na may dalang pagkain. Bigla niya itong nabagsak pagtingin niya sa akin.

Bakas ang gulat sa mukha niya.

"What the?! Anong nangyari, Monique?! Anong ginawa mo sa laptop ko?!" Napalitan ng galit ang gulat sa mukha niya.

Napatalon ako sa sigaw niya. Hindi ako nakapagsalita agad.

Ilang ulit ko pang pinindot ang switch ng laptop. Ayaw na talagang mag-on!

"Sinadya mo to no?! Ano, sinadya mo no? Alam mo bang hindi naka save sa USB ang file ko?! Paano na to ngayon?! Ha?!" Paulit-ulit niya na sigaw sakin.

No..hindi ko naman sinasadya eh.

"H-hindi, Carla. B-bakit ko naman gagawin yun? Hindi ko kaya yun. Hindi ko si-sinasadya.." Nauutal kong sabi.

"Siyempre. Top 1 ka diba?! Bakit?! Ano?! Threatened ka ba? Natatakot ka bang malampasan kita?! Ganiyan ka pala, Monique. You don't play fair. Nagpapatulong ako sa'yo diba?! Pero ikaw!" Tinuro niya ako.

"Mas lalo mong sinira ang gawa ko! Paano na ang grades ko niyan?! Bukas na ang pasahan!" Sigaw niya ulit. Galit na galit siya.

Mangiyak-ngiyak na ako. Pero kahit na ganon, napa-isip ako.

"Ganito nalang, Monique. Tutulungan nalang kitang gumawa ulit. Okay lang kahit na gabihin ako. Patawarin mo naman na ako oh." Sabi ko.

"No! Hindi kita mapapatawad. Alam mo, matagal ko na talagang alam na may ugali ka eh! Nasa loob ang kulo. Hayaan mo. Gagawin ko yan nalang ulit. Matatapos ko yan ulit. Hindi ko kailangan ng tulong mo. Tingnan natin kung top 1 ka pa rin next sem. Tingnan natin." Banta niya.

Shit. Anong balak niya?

--

Run or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon