Kabanata 1

35 1 0
                                    

Bestfriend?

CHRISTINE

"Hi! I'm Cheska. Anong pangalan mo?" Nagulat ako ng may biglang kumalabit sa akin. Tumingin ako sa katabi ko. Si Cheska pala. Naglalahad siya ng kamay.

"Hello. My name's Christine. Christine Monique Fuentanilla." Nakipag shakehands ako sa kaniya.

"Pwede bang makipagkaibigan?" Sabi niya.

Sino ba naman ako para tanggihan ang isang babaeng may napaka-among mukha? Ngumiti ako.

"Siyempre naman. Gusto mong kwentuhan kita tungkol sa school?" Sabi ko.

Lumiwanag ang mukha niya. Hindi talaga maipagkakaila ang kagandahan niya.

Sayang nga lang at kailangan niyang mamatay. Kailangan naming lahat mamatay. Bakit pa kasi siya nag transfer?

"Christine? May kausap pa ba ako?" winagayway niya ang kaliwang kamay niya sa harap ko. Natauhan naman ako.

Ano bang pinag-iisip mo Chistine? Hindi mangyayari yun. Libro lang yun!

"Ay sorry. May naalala lang ako."
pagpapaumanhin ko.

Kaya ayun kinwentuhan ko siya tungkol sa school.

Sinabi kong ako yung president dito. Si Jamila Louise Jimenez naman yung vice. Si Kurt Ian Aguirre yung secretary at marami pang iba.

Kinuwento ko rin sa kaniya ang mga kaibigan ko. Sabi ko rin, papakilala ko sila minsan.

Kung saan-saan na nga naabot yung usapan namin. Masaya naman pala siyang kasama.

Ilang minuto pa ay naisipan ko munang mag cr. Nagpaalam ako kay Cheska.

Nang papunta akong banyo, naka salubong ko si Jerome.

Jerome Alexander Salazar, boyfriend ko.

"Oh, babe? Saan ka pupunta? Magta-time na ah?" Tanong niya.

"Magbabanyo lang." Sagot ko.

"Oh sige. Ingat ka ha? Una na ako sa room." Sabi niya at hinalikan ako sa buhok.

Ang sweet lang talaga ng boyfriend ko. Kaya mahal na mahal ko to eh.

Dumiretso na ako sa cr.

Nang nasa isang cubicle na ako, may narinig akong nag-uusap.

"Bwisit na Cheska yan. Kay bago-bago pa nga lang dito, lumalandi na. Bagay nga silang magkaibigan ni Monique. Mga panira ng buhay."
Inis na inis na sabi nung babae. Teka? Boses ni Carla to ah?

Ako? Galit siya sakin? Sa pagkakaalala ko, wala naman akong ginawang masama dito, ah?

"Baka may makarinig sayo, Carla. Ano bang ginawa niya sayo? Teka, akala ko ba bestfriend mo yang si Monique?" Diniinan niya ang salitang "bestfriend" at humalakhak. Hindi ko kilala ang boses niya...or baka ayoko lang kilalanin.

"Besfriend her face! Halika na nga. May pasok pa tayo." Sabi niya at narinig ko ang mga yapak nila palabas ng banyo.

Ha? Si Carla? Hindi ko akalaing pagsasalitaan ako ng ganito ni Carla. No! Hindi siya ganun. Nadala lang siguro ng emosyon. Hahayaan ko nalang yun.

Carla Mazel Ramos is still and will only be my bestfriend.

Paglabas ko ng banyo ay saktong nag bell na. Dali-dali akong tumakbo papuntang room.

Salamat at hindi pa ako late.

Pagpasok na pagpasok ko ay nagkasalubong ang mga mata namin ni Carla. Nginitian ko siya. Nginitan niya rin ako at tinuro yung upuan sa tabi niya. Pinapaupo niya ako sa tabi niya.

See? Kaibigan ko parin siya no. Ganiyan lang talaga siya pag galit. Hindi niya alam ang sinasabi.

Alanganin akong tumingin kay Cheska at tinanguan niya lang ako.

Umupo na ako sa tabi ni Carla.

"Monique! San ka galing? Muntik ka ng malate ah?" Bulong niya sakin. Pumasok na kasi si Ms. Cruz.

"Ah wala. Nagpa canteen lang." Sagot ko sa kaniya. Ayokong malaman niyang narinig ko ang mga sinabi niya.

"Okay class. Since inaantok yata kayo ngayon, magpapagames ako. Make a big cirle. At mag count off muna kayo." Utos ni Ms. Cruz.

Ah. May mga absent kasi ngayon eh.

"Eh ma'am, paano po yung mga absent?" Tanong ng kaibigan kong si Misty. Misty dela Cruz.

"Hindi naman sila kasali sa game ngayon eh." sabi ni Ms. Cruz kaya nagsimula yung count-off namin.

Tapos na yung counting namin at ako yung number 35. Pinakahuli.

Magsisimula na sana ang laro ng biglang tumunog ang bell. Tapos na ang klase namin.

"Sayang. Sige, next meeting nalang tayo maglaro, class. Time na eh. Mabuti na rin yun at sana wala ng absent. Sige, goodbye class!" Bilin ni Ms. Cruz at umalis na.

"Ahm, Monique, pasama naman sa likod ng school mamayang 7 pm oh. May nagpapapunta kasi sakin dun. Eh natatakot akong mag-isa." Paki-usap ni Carla sakin.

Ha? Eh 5pm palang ah? Ang tagal pa.

"Eh may pupuntahan pa kasi kami ni Cheska eh. Sorry ah. Saka, 7 pm? Masyado ng madilim yun. Wag ka nalang kaya pumunta, Carla?" Sabi ko. Ba't kasi pupunta yun sa likod ng school ng ganun ka dilim?

"Eh importante kasi yun, Monique. Sige, okay lang. Ako nalang mag-isang pupunta." Sabi ni Carla.

Sigurado ba tong isang to? Baka mapahamak siya. Nako naman oh! Kinukonsensya pa ako nitong bestfriend ko.

"Oh. Siya sige, try kong pumunta. Try lang ha? Di ako sigurado. Basta pag di ako nakarating, huwag ka ng tumuloy, please." Pagmamakaawa ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyayari. Sa pwedeng magawa...niya.

Wag kang pumunta, Carla. Maawa ka.

SOMEONE

Alam ko namang pupunta ka eh. Matapang ka diba? Mahal mo ako diba? Pumunta ka.

Tingnan natin kung mabubuhay ka pa.

Tick-Tock. Tick-Tock.

--

A/N Guys, medyo hindi po ito nakakatakot kaya sa Mystery/Thriller ito napapabilang. Hindi sa Horror. Iyon lang. :D

Run or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon