Kabanata 5

16 1 0
                                    

1st Victim.

CHRISTINE

"Carla.." Tawag ko sa kaniya ng magkasalubong kami. Umismid lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang araw niya na akong hindi pinapansin. Mukhang galit na galit pa rin dahil sa nagawa ko.

Inaamin ko naman na may kasalanan naman talaga ako, pero hindi ko naman sinasadya, e.

Nami-miss ko na ang bestfriend ko.

"Christine! Dito ka umupo sa tabi ko. Hehe." Salubong ni Cheska pagpasok ko sa room.

Nginitian ko siya ng matamlay at pumunta na sa tabi niya.

"Oh! Ba't ganyan na naman ang mukha mo? Dahil kay Carla pa rin ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Hindi ako naka-imik.

Humalukipkip siya.

"Hay nako! Hayaan mo na nga iyon. Kung kaibigan ka talaga nun, dapat pinatawad ka na niya sa ginawa mo. Mabuti sana kung hindi talaga naka submit ng paper, kaso nagawa naman niya ah. Mataas pa nga grades niya." Umirap siya na parang kaharap talaga si Carla.

"Hindi ko naman siya pwedeng hayaan eh. May kasalanan ako. Tsaka, bestfriend ko siya, Ches. Importante siya sa akin."

"Bestfriend?" Umismid siya. "Talaga ba? Tingin ko ni hindi ka nga tinuring na kaibigan nun, e."

Matalim ko siyang tiningnan.

"Huwag mo namang sabihin iyan, Ches."

"Oh siya, bahala ka. Buhay mo naman iyan." Sabi niya.

Ilang sandali pa ay dumating na ang guro namin.

Pinasadahan ko ng tingin ang aming silid. Wala pa si Carla. Asan na kaya iyon?

"G-good morning, Ma'am. Sorry, I'm late." Sabi ni Carla na namumutla at may iilang butil ng pawis pa sa mukha.

Tinanguan lang siya ni Ma'am kaya pumasok na siya at umupo.

Sinundan ko siya ng tingin at mukhang namumutla pa rin. Binuksan niya ang phone niya at nakita kong lumitaw ang kaba sa mukha niya. Anyare dito?

Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at nakinig na sa guro.

Nang magsi-uwian ay nagmadali rin siyang lumabas ng classroom at parang hindi mapakali. Kumunot ang nuo ko.

Naputol lamang ang aking pag-iisip ng namataang pamunta si Jerome sa banda ko. Nagulat ako. Hindi na kasi kami nag-uusap nitong mga nakaraang araw.

"Babe? Uuwi ka na ba?" Salubong niya sa akin at ginala ang tingin sa paligid na parang may hinahanap.

Sino kayang hinahanap nito? Naalala ko ang sinabi ni Misty noong isang gabi ngunit binaliwala ko na lamang iyon.

"Uh..h-hindi pa, Babe. May gagawin pa kasi kaming group project. Mga 6 PM pa siguro ako uuwi. Kung gusto mo mauna ka na." Sabi ko at alanganing ngumiti.

Lumiwanag ang mukha niya at parang nabunutan ng tinik.

"Sige. Mabuti naman kung ganoon. May gagawin pa ako eh. Sige, alis na ako ha?" Sabi niya at agad akong nilagpasan.

Nagulat ako doon. Madalas kasi ay inaantay niya talaga ako para magkasabay kami sa pag-uwi.

Baka may gagawing importante lang iyon kaya ganoon. Ipinagkibit ko nalang iyon ng balikat at lumabas na ng classroom.

Papunta ako ngayon sa library upang makipagkita sa group mates ko. Pagkarating ko, agad naman naming sinimulan ang gawain.

Napagkasunduan naming hati-hatiin nalang ang mga kailangang gawin upang mapabilis ito. Ako ang naka-atas sa paggawa ng powerpoint.

Run or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon