Chapter 3

22 3 0
                                    

Chapter 3

Slade's point of view

Halos hindi ako mapakali, hindi naman 'to date pero natatae ako na kinikilig na ewan.

Yuck! Nakaka bading ang feeling.

Attracted talaga kasi ako kay Jenie. Pero hindi pa ko sure sa feelings ko. I want to know her more.

Pa ulit-ulit kong tinitignan ang text ni Jenie.

'Coming Slade :)'

Tinext ko kasi siya kung nasaan na siya. 4pm pa naman kami magki-kita pero 3:40 palang nandito na ko sa isang playground malapit sa isang ice cream parlor.

Simple lang ang suot ko ngayon, tinatamad kasi ako pumorma. Isang gray na v-neck shirt, dark blue na shorts at nike na tsinelas. Hindi naman kasi 'to date parang gala-gala lang with friend. Haha.

Nakaupo ako ngayon sa isang swing at habang hinihintay ko si Jenie ay naglalaro muna ako ng coc (clash of clans). Bwiset talaga at natalo kami nung isang araw sa clan war.

Loser kasi yung iba ko'ng kasama. Mas magaling pa maglaro ang dalawa kong ate na naglalaro din ng coc at ka clan ko din.

"Naglalaro ka din niyan?"napa-angat naman ako ng tingin sa babaeng nagsalita.

Ang ganda niya.

Naka pink na blouse, sky blue na skirt at flat shoes na white.

Na guilty tuloy ako kasi mukhang pormal yung pananamit niya tapos ako nag tsinelas lang. Tss.

"Matatalo ka na oh." Sabi niya sabay turo sa phone ko.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil busy ako na titigan siya.

"Akin na nga yan. Talo ka na oh."sabi niya parang naiinis sabay hablot ng phone ko at umupo siya sa swing na nasa tabi ko.

"H-ha?"

Naglalaro siya ng coc sa tabi ko at seryosong seryoso siyang nakatitig dito.

Wooow! Babaeng player!

Major turn on.

"Naglalaro ka niyan?" Takang taka kong tanong kahit obvious naman ang sagot. Akala ko ang mga ate ko lang ang cool at player.

"Oo naman." Sagot niya at nakatitig pa rin siya sa coc.

Napangiti tuloy ako ang cute niya kasi habang naglalaro.

"Yehey! Ayan oh! Three stars! At madami pang loots!" Proud na proud niyang sabi at pinapakita niya talaga sa mukha ko ang three stars.

"Ang cute mo talaga."sagot ko nalang.

Mas lalo akong nabibighani sa kanya.

She can be my player 2.

"H-he! Wag ka nga! Phone mo oh."inabot niya sakin ang phone ko.

Napansin ko naman ang pamumula ng pisngi niya. Napangiti naman ako.

Gandang babae.



"Halika na nga."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod naman siya.

Dumiretso kami sa Ice cream Parlor ni Jenie at nag order. Parehong blue berry ice cream ang inorder namin.

"Cute mo kanina habang naglalaro ng coc."ngiting ngiti kong sabi.

"Hahahaha! Ikaw ah! Porket babae ako akala mo di ako naglalaro ng coc." Tawang tawa niyang sabi sabay iling-iling.

"Hindi ah. Naglalaro din kaya ang mga ate ko ng coc."proud na proud kong sabi.

"Talaga?"manghang mangha niyang tanong.

"Oo naman. Pati nga dota at lol nilalaro ng mga yun."

"Astig ng mga ate mo. Ako din! Naglalaro ako ng mga ganun."nakangiti niyang sabi.

"Naglalaro ka ng lol?"

"Yup!"

"Wow! Ang cool mo talaga."

"Asus. Bolero!"tawang tawa niyang sabi.

"Promise! Ang cool mo. Laro tayong dalawa pag may time."

Nagkuwentuhan pa kami tungkol sa LOL  at iba pang mga bagay.

After namin sa Ice cream Parlor, bumili kami ng hotdog sa isang stand at tumambay ulit sa playground at naupo ulit sa swing.

"May girlfriend ka na ba?"mahinahon na tanong ni Jenie sakin.

Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti.

"Wala. May manliligaw lang." Nakangisi kong sabi.

"Manliligaw?" Natatawang tanong niya.

"Oo naman. Bakit? Sa gwapo kong 'to."sabay pogi pose ko. "Can't blame her though. Hehe!"

"Sira ka talaga. Hahaha!"

"Jen."

"Mmm?" Napatingin naman siya sakin.

Ang ganda pala ng mga mata niya sa malapitan. Napatitig ako sa mga mata niya at pababa sa mga labi niya. Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi naman siya gumagalaw kaya mas nilapitan ko pa ang mukha ko sa mukha niya niya.

Ang ganda ng labi niyan

Inalagay ko ang thumb ko sa gilid ng labi niya.

"Ketchup!"sabi ko at pinakita ko sa kanya ang thumb ko na may ketchup habang nakangiti.

"O---kay."sagot niya na parang dissapointed?

"Hehe!" Naku! Muntikan na  yun ah! Gusto kong iumpog ang ulo ko. Mabuti nga at napigilan ko ang sarili ko na halikan siya. Kasi kung hindi baka nasampal na niya ako or worse, baka layuan niya ko.

Tumahimik kami pareho.

Ang awkward ng atmosphere.

Hay ang awkward. Bakit kasi nagawa ko yun? Actually hindi naman na tuloy pero halos matuloy na. Tsk!

Bigla naman nag ring ang phone ni Jenie.

"N-nag text ang mama ko Slade, I need to go."sabi ni Jenie na oara bang nagmamadali.

Tumayo naman ako. "Sige, ihatid na kita Jen."

"Wag na Slade. Bye."agad agad siyang umalis at sumakay ng taxi.

Hay.

Hindi man lang ako nakapag paalam.



Hay.

Paano kung yun na ang huli naming pagkikita?

Bwiset talaga.

One Last BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon