Chapter 6

42 2 0
                                    

Chapter 6

Slade's point of view

"Chill muna kayo dito."sabi ni Jenie habang nilalapag sa mesa ang juice.

Ngumiti lang ako.

"Okay ka lang ba Slade?"nakangiting tanong ng mama ni Jenie sa kin.

"Opo tita."

"Matatapos na din 'tong linuluto ko hijo."

Tumango lang ako sa kanya.

"Ikaw Jude, okay ka lang?"tanong ni tita sa lalaking katabi ko.

"Okay lang tita. Gusto mo tulungan na po kita diyan?" tanong niya.

"Okay lang Jude, salamat."

Nakaramdam naman ako ng inggit.

Mukhang close na talaga ang lalaking 'to sa pamilya ni Jenie.

Napabuntong hininga ako.

Kanina kasi sasagutin ko na sana ng suntok ang panget na lalaki na 'to. Asungot e, pero pinagbuksan na kami ng gate ng papa ni Jenie.

Manliligaw pala siya ni Jenie at kababata din.

Mukha tuloy akong tanga.

Bakit ba ako nandito? Nakakayamot.

Kung hindi lang sana para kay Jenie e hindi ako pupunta ditom

Nahihiya naman ako sa mama ni Jenie dahil wala akong dala. Ano naman kaya ang dadalhin ko kung sasakali?

"Slade."

Nilingon ko naman si Jenie na nakatayo sa gilid ko. Tinignan ko lang siya, sumenyas siya na sumunod ako sa kanya. Sumunod naman ako at pumasok kami sa loob ng kwarto niya.

Bakit kaya?

"Ito pala ang kwarto ko." Proud na sabi niya. Malinis kasi ito at maaliwalas sa mga mata.

Hindi siya katulad ng ini-imagine ko na katulad sa kwarto ng ibang babae na masyadong pink na kwarto. Simple lang yung sa kanya. Mahilig pala siya sa libro. Siguro libro na lang ang ibibigay ko sa kanya sa birthday niya. Teka, kelan kaya birthday niya?

Humarap ako sa kanya.

"Alam mo Slade, nakak-"

Ano kaya yang green na maliit na tank sa gilid ng higaan niya? Oxygen ba yan? Bakit siya may oxygen tank? May sakit ba siya?

"Hoy Slade!"

"H-ha?!"

"May sasabihin nga ako sayo. Hindi ka naman nakikinig." Naka pout niyang sabi. Na distract tuloy ako sa iniisip ko. Ano ba yun? Ano nga ulit iniisip ko? Tsk.

"Ano ba yun?"

"Alam mo Slade-"

"Hindi pa." Sagot ko kaa

Tumawa naman siya. Mamaya ko na lang tatanongin baka may gusto siyang ikuwento. Nakalimutan ko na kasi kung ano yung itatanong ko. Nevermind na nga lang.

"Nakakainis kasi hindi ko naman alam na pupunta din ngayon si Jude. Pasensya na ha? Awkward tuloy ang sitwasyon."

"Manliligaw mo?"tanong ko sa kanya kahit obvious naman na at alam ko na kasi nagbanggit kanina ng mama ni Jenie na manliligaw at kababata ni Jude si Jenie kanina.

"E-ewan. Ayoko talaga sa kanya kasi magkaibigan lang talaga kami. Ayoko masira yung pagkakaibigan namin." Sabi niya at umupo siya sa higaan niya, sumunod naman ako.

"Nakakainis kasi hanggang ngayonnhindi pa rin siya sumusuko sakin kahit ilang beses ko na siya tinataboy."

Napabuntong hininga siya.

"Ano ba dapat kong gawin?"tanong niya.

"Bigyan mo kaya siya ng chance?"sagot ko.

Bigla naman siya natigilan sa sinabi ko. Kahit ako ay natigilan din sa nasabi ko. Bakit ko ba yun nasabi?

Nung nilingon ko siya nakatitig siya sakin.

"A-ang ibig kong sabihin ay hayaan mo muna siya na patunayan yung sarili niya sayo kahit papano." Nakayuko kong sabi.

Bakit ko ba sinasaktan ang sarili ko?

Bakit ba ang torpe ko?

Gusto ko na tuloy umuwi at iumpog ang ulo ko.

"H-hindi mo ba ko gusto?"

Nilingon ko siya para makita ko yung reaksyon niya. Nag-aalalang parang nasasaktan? Ewan. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Hindi naman ako magaling umintindi kung ano ba talaga ang gustong ipahiwatig ng mga babae

Hindi ko namalayan na lumalapit na ang mukha ni Jenie sa mukha ko habang nakapikit siya. Napapikit tuloy ako, sandali na lang at didikit na ang mga. . .

"Anak! Handa na ang pagkain!"tawag naman ng mama ni Jenie habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Jenie.

"A-ah! O-opo ma! Lalabas na kami!" sagot naman ni Jenie habang natataranta.

Napangiti na lang ako. Muntikan na niya akong mahalikan. Akala ko pa naman didikit na ang mga labi namin.

Na excite ako bigla dahil mukhang gusto namin ang isa't isa.

"A-ah eh Slade. Halika na."sabi niya habang iniiwasan ang mga titig ko.

Tinapik ko lang siya sa likod niya at nauna ng lumabas ng kwarto niya. Alam kong pareho pa kaming na bigla sa nangyari.

Pero bago ako lumabas ng kwarto niya kitang kita ko ang paghingal niya. Hinihingal siya.

Medyo nasa hot seat ako kanina habang kumakain ng dinner. Tinanong nila ako kung ano daw ba trabaho ng mga magulang ko at kung may girlfriend na ba daw ako. Naiilang naman ako ng onti pero nasagot ko naman ata ng maayos yung mga tanong ng mga magulang ni Jenid.

Pinakuwento pa nila ako tungkol sa Shimoyama Academy.

Mabuti naman at nauna na yung Jude na umuwi kesa sakin. Palagi pala yung nandito sa bahay nina Jenie para manligaw, palagi nga lang basted. Ayaw na nga sa kanya ng bahae ipipilit talaga yung sarili.

Hay naku, kuya cardo.

"Salamat Slade."

Nasa harap kami ni Jenie ng gate nila at nagpapa-alam na sa isa't isa. Syempre magkikita pa rin naman kami bukas.

"Salamat din Jenie ha? Masarap si tita magluto." sabi ko habang hawak hawak ko ang tiyan ko este ang abs ko pala. Masarap naman talaga yung luto ng mama niya e, mas masarap pa yung luto ni tita kesa kay mama. Hahahaha! Sorry mama.

"Magkita na lang tayo bukas?" nakangiti niyang sabi.

"Yup. Goodnight."

Mwa!

"Bye!" sigaw ni Jenie at tumakbo na siya sa loob ng bahay nila habang iniwan akong tulala dahil hinalikan niya ako mga tsong! Hinalikan niya ako sa pisngi.

Alam kong sa pisngi lang yun, pero hindi naman kami.

Wooo! Para bang ibig sabihin, may ibig sabihin yung halik na yun? Diba? So meaning may meaning ang yung halik na yun.
Wooo! Para bang, ibig sabihin may ibig sabihin yung halik na yun? Hahaha! Inulit ko lang.

Wooo! Tatanongin ko siguro ang mga ate ko tungkol dun kung ano bang ibig sabihin ng halik sa pisngi sa taong hindi naman nanliligaw sayo at parang kaibigan mo lang.

Ay wag na lang pala, baka kulitin lang ako ng mga yun.

Wohooo!

Biglang nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko habang naglalakad pauwi.

'Ingat ka pauwi Slade :)'


'I will :)'


One Last BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon