Chapter 12
Slade's point of view
Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong bumangon at maligo, magbihis at mag-ayos papuntang school.
Alam kong grounded ako ngayon pero aalis pa rin ako.
Bahala na. Mamaya pa naman ako papagalitan eh. 1 hour earlier ako sa oras na gumigising si mama para mag handa ng breakfast.
Nakalabas naman ako ng bahay ng walang ingay.
Hindi ako dumiretso sa school. Sa malapit sa school na mcdo ako pumunta para kumain ng breakfast. Para may carbohydrates na kukuhan ng glucose ang utak ko.
Mga 30 minutes before the class pa naman pagdating ko sa academy.
Nakatanggap ako ng death threat este text message galing kay mama at ate Sandra.
From: Mama
'Humanda ka sakin mamaya pag-uwi mo slade.'
From: Ate Sandra
'Humanda ka daw mamaya kay mama pag-uwi mo! Lagot ka!'
Tsk! Ngayon pa lang natatakot na ko umuwi. Kakaiba kasi magalit si mama. Parang horror movie. Joke. Pero nandito na ko sa school. Mamaya pa naman niya ako papagalitan. Mamaya na ko matakot
Pumunta ako sa admin para tignan sa bulletin board kung anong section ko.
Section A.
Tinignan ko naman kung sino-sino ang magiging kaklase ko.
Oh! Si Terry Alison, magiging kaklase ko nanaman.
Hmmmm... Sino pa ba...
Ah. Ang kakambal kong tropa na si Carl at Carlo Santiago.
Si Jenie kaya? Kaklase ko din ba siya?
Tinignan ko ang buong list ng section A. Wala ang pangalan niya.
Chineck ko naman yung list ng section B at nandun ang pangalan nita. Bigla naman akong nadismaya.
Hindi gumana yung prayers ko.
"Slade!" Bigla naman akong tinapik ni Carl. Siya yung may highlights ba pula sa itim niyang buhok. Si Carlo naman kulay asul ang high lights sa buhok.
Palagi silang napapagalitan dahil sa buhok nila.
Wierd, palagi silang sinasaway ng mga teachers eh member pa naman sila ng student council. Peace officers pa ang mga yan. Taga bantay ng mga estudyanteng na de-dentention.
"Oy!" Sabi ko naman at nakipag bro hug sa dalawa.
Tinignan naman ni Carlo yung list sa section A.
"Grabe. Syempre, section A pa rin tayo." natutuwang sabi nito.
"Ofcourse brad. Tayo kaya ang pinaka matalinong kambal kaya sa academy." sabi naman ng kambal niya.
"Bwahahahahaha!" tawa nilang dalawa. Mga sira ulo.
"Oo nga magkaklase nanaman tayo. Mapapahamak nanaman ako sa inyong dalawa."
"Ang hard mo pre." sabi ni Carl.
"Oo nga. Killjoy mo talaga." segunda pa ni Carlo.
"Kain kang chicken joy para hindi ka killjoy." hirit ni Carl.
"Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!" sabay na tawa ng dalawa kahit ang corny ng joke.
Natawa na lang din ako.
"Teka nga pala, anong nangyari sayo? Hindi ko kaagad napansin mga sugat mo ah." seryosong tanong ni Carl
"Syempre sa gwapo kong 'to ba naman. Hindi talaga mahahalata ang mga sugat ko pre." proud ko naman na sabi.
"Woooh! Gwapo daw. Mas gwapo pa rin kami sa yo Slade " sabi ni Carlo.
"Kung mas gwapo kayo sakin eh bakit mula first year eh ako yung escort?" nakangisi kong tanong.
"Dude! Dalawa kaya kami. Malamang isa lang dapat yung escort. Ganun." sagot ni Carl.
Natawa na lang ako sa sagot niya.
"Pero seryoso na nga pare. Bakit ka may sugat? Atsaka mukha kang nabalian? Nabalian ka ba? Dami mong galos?" pag iiba ng usapan ni Carl.
"Napa away lang pare."
"Wow!" sabay pa nilang react.
"Kelan ka ba naging basagulero?" tanong ni Carl.
"Atsaka mukhang napurohan ka talaga pare. Gang war ba yan?" tanong pa nung isa.
"Basta. Wala lang 'to. Wala ngang sinabi yung napurohan ko eh. Naku mas malala pa yung mukha niya."
"Sus, kilala ka namin pare. Di ka nakikipag away."
"Pasok na nga lang tayo." sabi ko na lang para lubayan na nila ang pagtatanong sa kin.
Sabay naman kaming tatlo papuntang classroom.
Pagkadating sa classroom eh yung mukha kong gwapo na may sugat kaagad ang napansin nila.
Halos paulit-ulit akong tinatanong ng mga kaklase ko kung anong nangyari sa kin. Ang sagot ko lang,
"Napa away lang."
Feeling gangster din ako eh. Minsan lang naman.
Ayaw naman nila maniwala dahil wala sa mukha kong gwapo ang pagiging basagulero atsaka wala naman talaga sa ugali ko ang makipag away.
Tinawanan lang ni Terry ang pagmumukha ko nung nakita niya ko. Tsk.
Kahit puro sugat at galos ako, gwapo pa dun naman ako ah.
Sira siguro mga mata ng babaeng yun.
Halos lahat naman ng teachers sa bawat subject namin ay napapansin ang kagwapohan ko este ang mga sugat ko pala. Ilang beses na din akong napagsabihan na pumunta ng clinic pero ayaw ko. Sinabi ko na lang na okay na ako kahit medyo kumikirot ang ibang sugat ko.
Nag elect naman kami ng Class Officers dahil magkakakilala na din naman kaming lahat.
At sa kasamaang palad naging president pa si Carlo Santiago, vice president naman yung kakambal niya.
Matalino naman talaga ang dalawa eh kahit mukhang mga sira ulo sa kalye.
Nakalimutan ko tuloy na sila din pala ang president at vice president ng student council. Si Carl nga lang yung president tapos si Carlo yung vice. Grabe, sila na talaga.
Secretary naman nila si Terry.
As usual, ako pa rim yung consort ng classroom kahit na bawasan ng konting konting konting konti ang kagwapohan ko. Ang muse naman ay si Bea Calderon. Crush ko siy nung elementary hanggang mag highschool pero hindi ako nagka lakas loob na umamin sa kanya hanggang sa malaman ko na may gusto na pala siyang iba. Kaya hinayaan ko na lang kasi kaibigan ko din yung nagustuhan niya.
Dahil first day pa lang puro orientation at requirements lang ang diniscuss ng mga teachers sa min.
"Terry!"
Tawag ko kay Terry habang hinahabol o siya sa hallway. Lunch break na kasi.
"Oh?"
"Saan si Jenie?" tanong ko. Sumilip kasi ako sa classroom nila na katabi lang ng classroom namin, wala naman siya dun.
"Nasa canteen na yun siguro."
"Sama ako sa inyong mag lunch."
"Basta libre mo?"
"Oo ba."
Sabay kaming pumunta sa canteen.
Habang naglalakad sa hallway papuntang canteen may tumawag naman sa kin.
"Slade..."
"Oh no..." napamura ako sa sarili.
BINABASA MO ANG
One Last Book
RomanceHahayaan mo bang mahalin ka ng taong pwedeng masaktan mo sa huli? Slade Jann Aguilar meets Jenie Ran Montaño at magbabago ang pananaw nila sa buhay dahil nakilala nila ang isa't isa. Magiging happy ending ba?