Chapter 4
Slade's point of view
Gusto ko na matulog!
Pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang nangyari kanina.
Muntikan ko na siyang mahalikan.
Ano bang iniisip ko?
Halos mahalikan ko na siya.
Hay.
"Arrrggghhh!!! Bwiset!"
Paano na lang kung layuan niya ko?
Tsk!
Bwiset naman oh!
Halos kababago lang namin magkakilala pero nagbigay na ko ng impression na ganun.
Argh!
Hindi ko naman siya maitext dahil nahihiya ako sa ginawa ko.
Nakakaduwag.
Bigla nag ring ang cellphone ko.
Nag text si Jenie.
'Thank you pala kanina. Goodnight Slade :)'
Wohooo! Nag text siya! Nag text siya!
Ibig sabihin hindi siya galit.
Ibig sabihin wala lang yun sakanya.
Next time ko na lang i-o-open up ang tungkol sa ginawa ko, sa ngayon masaya ako dahil nag text siya.
'Sus, ikaw pa! Goodnight Jenie :) sweet dreams :) <3'
Salamat naman at makakampante na ko na magkaibigan pa rin kami.
Hindi pa rin maialis-alis ang ngiti sa mga labi ko dahil sa text niya.
Alam ko na para nakong sira dahil ngiting ngiti talaga ako dahil sa isang text niya. Napatalon naman ako bigla nang nag ring ang phone ko.
Nag text ulit siya!
'See you tomorrow Slade :) goodnight ;)'
Wohooo! Ang gwapo gwapo ko talaga! Kasi nireplyan ako ni crush!
'See you Jenie :) goodnight <3'
Ang lalaki kong tao pero nasisiyahan ako dahil sa mga text niya.
Grabe na ata ang tama ko sa babaeng to.
Bigla ulit nag ring ang phone ko.
Nag text ulit siya mga tsong!
'Hello Future Husband Slade my loves <3 Kailan mo ba ako sasagutin? Remember, I will wait for you. Mwa! I love you. Goodnight! I love you. Hihi!
Love, kim.'May pa i will wait, i will wait for you tofu pa siyang nalalaman. Leche!
Ay bwiset! Nakakailang change na ako ng sim card dahil sa babaeng yan. Tapos alam niya pa rin ang number ko. Sino kaya nagbigay ng number ko? Bwiset talaga kung sino man yun!
Hindi talaga ako matigil-tigilan ng babaeng yan. Hindi naman ako pumapatol sa babae pero kapag ako hindi nakapag timpi. Lagot sakin ang babaeng yan. Baka masakal ko siya o kaya maitulak ko sa bangin.
Hay.
Alam naman ni Kim na wala akong gusto sa kanya dahil nakakairita talaga ng ugali niya pati na rin ang presensya niya pero pinagpipilitan niya parin ang sarili niya sakin.
BINABASA MO ANG
One Last Book
RomanceHahayaan mo bang mahalin ka ng taong pwedeng masaktan mo sa huli? Slade Jann Aguilar meets Jenie Ran Montaño at magbabago ang pananaw nila sa buhay dahil nakilala nila ang isa't isa. Magiging happy ending ba?