Chapter 11
Slade's point of view
"Bitawan niyo siya!"
Sigaw ko at tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanila.
"H-hoy! Umalis ka na kung ayaw mo masaktan." sabi nung lalaking dilaw ang buhok na mukhang palaka.
"Bitawan niyo nga siya sabi eh." naiinis na ako dahil sa kaba na baka saktan nila si JL.
"S-Slade." mahinang sabi niya perk sakto lang para madinig ko.
Nakikita kong umiiyak na siya sa takot. Mas lalo ako nakaramdam ng galit.
"Bakit? Nobya mo ba 'to?" tanong ng lalaking mukhang tuko.
"Oo. Kaya hwag niyo siyang sasaktan. Pakawalan niyo na siya." sabi ko habang lumalapit ako sa kanila.
"Hihiramin lang namin siya. Ibabalik din naman namin kaagad sayo." nakangising sabi ng lalaking mukhang palaka.
"Aba gago kayo ah." sigaw ko at sinugod siya ng suntok.
Sinuntok ko siya sa mukha at tiyan kaya napatumba siya. Ang lalaking maitim naman na mukhang tuko ay agad akong sinakal gamit ng braso niya kaya siniko ko siya sa tiyan.
Hindi ko naman kaagad napansin na naka bangon na ang lalaking dilaw ang buhok na mukhang palaka, sinuntok niya ako sa mukha at tinadyakan sa tiyan. Napadura ako ng dugo.
Hindi pa ako nakakabangon ay sinuntok ako sa mata ng lalaking maitim na mukhang tuko at tinadyakan sa tiyan ng paulit-ulit.
"Tama na!!!"
"Please, tama na!!!"
"Maawa kayo sa kanya!"
"Slade!"
Umiiyak na sabi ni JL.
Pilit ko paring bumangon kahit paulit ulit nila akong pinapatumba. Hindi na ata kaya ng katawan ko pero pinipilit ko pa rin bumangon. Baka anong gawin nila kay JL.
"Suko ka na bata?"
"Ang panget niyo." mahinang sabi ko.
"A-anong sabi mo?" Gulat at galit nitong tanong.
"Ang papanget niyo!" sigaw ko sa kanila habang pinipilit kong bumangon.
"Aba matapang ka ah."
Bigla namang may nag whistle. Ang security guard.
Kung saan palagi silang huli sa pangyayari.
Lumapit naman sakin si JL dahi nakahiga na ko sa kalsada
"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" mahinang tanong ko sa kanya.
Humagulgol naman siya sa akin ng iyak.
"O-oy! May masakit ba?" natataranta kong tanong.
"I-ikaw kasi eh."
"H-ha? O-oy! Hindi pa ko patay no." sabi ko sa kanya.
Tinulungan naman ako ng mga security guards na bumangon.
Dadalhin na sana nila ako sa hospital pero ang sabi ko, sa sasakyan nalang ni ate ako ideretso.Iyak ng iyak si ate habang nagdadrive. Si JL naman ay hinanapan ng mga security guards ng taxi na masasakyan pauwi.
Halos atakihin naman si mama sa puso dahil sa gulat ng makita ang hitsura kong gwapo.
Kinonsensya naman ako dahil pinag-alala ko sila.
"A-aray! Ma!" sabi ko dahil dinidiin talaga ni mama yung cotton na may betadine sa mukha ko.
"Binilhan pa naman kita ng pizza at kung anu-ano pa tapos ito isasalubong mo sa min, sa kin." pahikbi-hikbing sambit ni mama.
"Aray!"
Sigaw ko dahil binatukan ba naman ako ni papa. Tinignan naman siya ng masama ni mama.
"Aray naman pa."
"Okay naman tumulong sa kapwa Slade eh. Yun nga lang, yung ikaw mismo ang napahamak dahil sa pagtulong sa iba. Aba, ibang usapan na yun." sabi ni papa. "Hindi ka na talaga totoy." dag dag pa niya.
"Tsk."
"Grounded ka for two weeks." seryosong sabi ni mama.
"Pero ma---"
"---at hindi ka papasok bukas "
"Ma! nagulat naman ako sa sinabi ni mama.
"First day ng pasukan bukas ma." At bukas ko na din makikita si Jenie.
"Wala akong pake."
Inalalayan naman ako ni ate Sandra papunta sa kwarto ko. Baldado ako pero hindi ako pilay.
Tinignan ko ang mukha ko sa salamin.
May black eye sa mata atsaka galos sa mukha, may galos sa braso, medyo putok ang kaliwang side ng bibig at puro band aid sa mukha pero gwapo pa rin ako.
"Ate!" galit kong tawag sa kapatid ko.
"Oh?" sabi niya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.
"Okay na ko. Wag ka na nga umiyak." Na gu-guilty ako eh.
"Dapat kasi binantayan kita eh. Dapat sinamahan kitang sunduin ang kaibigan mo." pa iyak iyak nitong sabi.
"Tsk. Tulog ka na nga ate. Atsaka wala kang kasalanan. Alis na."
"Bunso." tawag nito sa kin at niyakap ako ng mahigpit.
Hindi naman ako makapag reklamo agad dahil nagdadrama pa ang kapatid ko.
"A-aray! Aray! Masakit ang katawan ko."
"Sorry bunso."
At tuluyan na siyang umalis ng kwarto ko.
Kinain ko na lang yung pizza na inuwi ni mama at binuksan ang cellphone ko.
May text naman ako na galing kay JL.
'Slade. I'm really really really really sorry. Kasalan ko ang nangyari sayo.'
Tsk. Hindi na dapat siya nag sorry. Dapat nga mag thank you siya sa kin kasi kung wala ako dun baka kung ano na ang nangyaring masama sa kanya.
Konsensya ko pa.
Makatulog na nga.
BINABASA MO ANG
One Last Book
RomansaHahayaan mo bang mahalin ka ng taong pwedeng masaktan mo sa huli? Slade Jann Aguilar meets Jenie Ran Montaño at magbabago ang pananaw nila sa buhay dahil nakilala nila ang isa't isa. Magiging happy ending ba?