Chapter 9

8 0 0
                                    

Chapter 9


Slade's point of view

"Hi Slade."

Napalingon naman ako dun sa tumawag sa kin.

Sino pa ba ang nag ngangalang Slade dito? Ako lang naman siguro.

Siya, siya na naman.

Yung babaeng kausap ko kahapon.

"Nandito ka ulit, Slade." sabi ni? Ano nga ulit pangalan nito?

"Oo, may binili lang." sagot ko.

"Sige magbabayad na ko."

At pumunta na ako sa counter para mag bayad.

Akala ko wala na siya, pero nagkakamali ako kasi nung palabas na ako ng National Bookstore nakita ko siyang nakatayo sa labas

"Slade, ang haba kasi ng pila kaya hinintay na lang kita dito sa labas."

Sinabi ko bang hintayin niya ako?

"Ah." yun lang ang sinabi ko.

"May gagawin ka?"

Napaisip naman ako, kasi magtatake out lang ako ng float atsaka uuwi pero mukhang mas matatagalan ako dito sa mall.

"Mas ba-basket ako mamayang hapon tapos maglalaro ng lol sa gabi." sagot ko.

"Anong oras ka magbabasket?"

"4 ata."

"Good. Lunch muna tayo sa kfc."

"Bakit?"

"Nagugutom ako eh, samahan mo na ko." sabi niya sakin habang nag pupuppy eyes ata. "Diba friends na din naman tayo? Let's go." at hinatak na niya ako.

Tinext ko na lang si ate Sandra na mamaya pa ko uuwi. Susunduin niya kasi sana ako dito sa mall.


"Wala ka bang kasama?" tanong ko sa babaeng hindi ko pa rin maalaala ang pangalan.

"Wala. Nasa probinsya kasi ang cousin ko. Siya sana kasama ko ngayon. Gusto ko kasing sulitin ang summer ko, malapit na kasi ang pasukan."

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Uhmm, may tanong nga pala ako." nahihiya kong sabi.

"Sure, ano yun?"

"Ano nga ulit ang pangalan mo?"

Syempre, dapat tanongin ko na. Nakakahiya naman kasi kung magkaibigan na daw kami tapos di ko man lang alam ang pangalan niya.

Nung una, nagulat siya sa tanong ko tapos bigla siyang natawa.

"Na hurt ako dun, ha. Mabuti pa ako, i remember your name tapos yung name ko nakalimutan mo."

"Sorry." na guilty tuloy ako. I should pay attention more often.

"No, it's okay. Leslie Jane is the name."

"Leslie Jane." inulit ko yung pangalan niya para maalaala ko.

"Yup! But you can call me Lj."

"I would prefer calling you Jl."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"It's Lj."

"I know, pero mas gusto ko yung Jl."

"Why?"

"I don't know." nakangiti kong sagot.

Wala naman talaga akong gustong ipahiwatig kung bakit Jl instead of Lj ang itatawag ko sa kanya. Trip ko lang talaga.

One Last BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon