Chapter 10
Slade's point of view
Pumunta kami sa park ni Kim at ibinili niya ko ng kwek-kwek at fishballs. Libre niya kahit ayoko. Ayoko magka-utang na loob sa kanya. Kumain lang ako ng kumain para hindi ko masagot yung mga tanong niya katulad ng...
"Anong favorite color mo Slade?" Kahit alam ko naman na alam na niya yun. Stalker yan e.
"Ang ganda ng profile picture mo Slade sa facebook. Alam mo ba na ako yung unang nag like nun?" Wala akong pake. Maramu naman talaga akong likers kahit hindi pa siya mag like kasi gwapo ako.
Dapat hindi ko na lang kinonfirm ang friend request niya.
"Sana maging classmates tayo this school year. Last year na kasi natin sa highschool." Aware naman ako na last year na namin sa highschool. hindi ako bobo.
Atsaka ayoko maging classmate ang isang creepy na babaeng tulad mo.
Ba't ba ang bitter bitter ko dito kay Kim? Kung sana tinanggap niya na magkaibigan lang kami. Gusto ko na ibalik ang dating Kim.
"Mmmm. Sarap naman nito. Gusto ko pa." tatayo na sana ako sa kinauupuan ko para bumili pa at lumayo na sa kanya pero...
"Ako na ang bibili. Anong gusto mo?"
"Gusto ko ng tempura naman." sabi ko ng nakangiti.
Nung nakalayo na siya at pumunta sa vendor ng street foods ay agad akong tumakbo ng mabilis at nung alam ko na medyo malayo na ko sa kinaroroonan ni Kim saka lang ako naglakad-lakad pauwi.
"Hay salamat at nakauwi din." sabi ko at humilata sa sofa.
"Saan ka galing bunso?" tanong ni ate Sandra.
"Nagbasket lang ate."
"Ah. Nga pala bunso, ikaw muna maiiwan dito sa bahay. Mamayang gabi pa uuwi sina mama at papa. Atsaka paki bantay kay sirius. Pakinin mo siya mamaya ha?"
"Saan ba lakad mo?"
"Sa hospital, sige na. Please pakainin mo si Sirius. Aalis na ko. Paki-lock ng gate at pinto." sabi ni ate Sandra.
"Ge."
Nilock ko lang yung pinto atsaka gate nung naka alis na si ate at natulog sa sofa. Mabilis naman akong nakatulog dahil siguro sa pagod sa kakabasket.
~*~
Pagkagising ko, 8 na ng gabi. Bakit hindi pa sila nakauwi? Hindi pa rin bumabalik si ate e kaninang 4 pa yun umalis. Tsk, baka nag date.
Nagsaing na lang ako ng kanin atsaka nagbukas ng century tuna.
Pinapasok ko naman si sirius sa bahay at nilagyan ng dog food ang bowl niya.Kumain ako sa harap ng t.v.
Teka, nasaan na ba yung cellphone ko?
Kinapa ko ang buong sofa at nung tinignan ko yung cellphone ko, may 16 messages ako.
Wow! Grabe.
From: Mama
'Pauwi na kami anak. Anong gusto mo?'
Sweet talaga ng mama ko. Nireplyan ko naman siyq na gusto ko ng pizza at chicken burger atsaka pati cheetos na din. Midnight snack mamaya. Yea boy. Daming foods.
From: Ate Sandra
'Bunso! Si sirius ha? Wag mong papabayaan anak ko.'

BINABASA MO ANG
One Last Book
RomanceHahayaan mo bang mahalin ka ng taong pwedeng masaktan mo sa huli? Slade Jann Aguilar meets Jenie Ran Montaño at magbabago ang pananaw nila sa buhay dahil nakilala nila ang isa't isa. Magiging happy ending ba?