Chapter 8

5 1 0
                                    

Chapter 8

Slade's point of view

Sabi ni Jenie sakin, walang signal daw yung pupuntahan nila. Na bored naman ako sa bahay. Mamayang hapon pa naman ako mag babasket, kaya sinamahan ko muna si Ate Sandra na mamili ng school supplies niya.

Bukas pa ko bibili ng school supplies, hindi pa kasi ako nabibigyan ni papa ng allowance.

Nasa national bookstore kami ngayon ni ate Sandra ngayon at pumipili siya ng notebook.

"Libot muna ako ate." sabi ko.

"Okay."

Pumunta naman ako dun sa Young Adult na section. Hindi talaga ako mahilig magbasa ng mga libro, nakakatamad at ang laki kaya ng mga libro ngayon hindi ko kayang tapusin.

Naalala ko tuloy si Jenir dahil mahilig yun sa libro. Naalala ko tuloy na sa July 20 yung birthday. Mas matanda lang siya sakin ng apat na buwan.

Bilhan ko na kaya siya ngayon palang ng regalo.

Nagtingin tingin ako sa mga bookshelves.

"The fault in our stars by John Green."

Hindi ko alam kung tungkol saan ang librong 'to pero mukhang maganda kasi best selling daw eh at saka sikat ang author ata, familiar eh.

Pagka abot ko nung libro may isa kamay na mas maliit sa kamay ko ang umabot din sa libro.

"Ay!"

Napatingin ako sa katabi ko. Isang magandang babae na halos 5'1. Maputi at makinis siya. At may kapareho siyang mata. Hindi ko ko nga lang matandaan kung sino.

"Sorry." sabi niya habang nakayuko.

"Ay hindi. Titignan ko lang naman." sabi ko kahit na may balak talaga akong bilhin ang book na yun para kay Jenie.

"Hindi mo bibilhin?"

"Bibilhin ko sana, pero next time na lang." nakangiti kong sagot.

"Yey! Thank you!" at biglang yumakap sakin yung babae.

"Ah hehe! You're welcome." napakamot ako ng batok.

Matinik talaga ako sa mga chikababes.

Grabe naman magpasalamat ang babaeng 'to. may kasamang yakap talaga?

Bumitaw naman siya kaagad.

Ay bitin!

Joke! Hehe!

"Hala! Sorry! Baka magalit girlfriend mo." namumula niyang sabi.

"H-ha? Wala akong girlfriend." naka kunot noo kong sabi. Paano naman niya nasabi?

Teka, stalker ko ba 'to? Akala ko si Kim lang ang stalker ko.

Hindi pa naman kami ni Jenie, hindi ko pa nga siya nililigawan eh.

"May kasama ka kasing babae dito kanina. Saan na ba siya?"

"Hahahahahahahahaha!" napahawak ako sa tiyan ko sa kakatawa.

"A-anong nakakatawa?" inis niyang tanong.

"S-sorry miss. Hahahaha! Ate ko kasi yung kasama ko kanina."

"Ah ganun ba. Ah okay." ang lawak naman ng ngiti ng babaeng 'to.

"Salamat pala, ha? Nag give way ka talaga para sakin. Matagal ko na kasi pinag-iiponan ang librong 'to." hawak hawak na niya yung libro.

Iisa na lang kasi ata ang librong yun sa bookshelf.

"Ah, wala yun. Ge." aalis na sana ako para tumingin pa ng ibang libro na pwedeng bihin ko para kay Jenie syempre using my own savings.

One Last BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon