Chapter 13

7 2 0
                                    

Chapter 13

Slade's point of view

Habang naglalakad sa hallway papuntang canteen may tumawag naman sa kin.

"Slade..."

"Oh no..." bulong ko naman at napamura ako sa sarili ko.

Siniko naman ako ni Terry at bumulong sa kin,

"Paano ba yan? Maauna na ko."

Ang sakit kaya ng katawan ko,maka siko naman ang isang 'to oh.

Akmang aalis naman si Terry kaya agad ko siyang inakbayan. Ang taas din ng babaeng to ah. Mga 3 inches lang ata yung itinaas ko sa kanya.

"Slade..."

At heto nanaman siya.

"Bakit mo ko iniwan kahapon?" naka busangot na tanong ni Kim habang titig na titig sa min ni Terry dahil siguro naka akbay ako kay Terry.

"Pagbalik ko sa pwesto natin wala ka na. Hinintay kita kahapon tapos hindi ka na pala babalik. Naka ilang text din ako sa yo pero di ka naman nag rereply. Atsaka bakit may mga pasa ka?"

"Uhmmmm, ah eh, next time na lang ako mag e-explain. Itetext ko na lang sayo. Nagmamadali kasi kami ni Terry." sagot ko na lang.

"Oo nga Kim, sorry." nakangising dagdag ni Terry.

Mukhang inis na inis naman si Kim sa min.

O kay Terry?

Iniwan nanaman siya kaagad kahit na mukhang may sasabihin pa siya.

"Bayaran mo ko sa talent fee ko!"

"Hwag na! Libre naman kita ng lunch eh." sagot ko.

"Kung sabagay. Sige oks na saki ang libre."

"Guys!" bati naman sa min ni Jenie.

Bigla naman huminto ang pag ikot ng mundo ko. Yung tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Parang nag so-slow motion ang lahat. Naka slow motion na lumalapit sa akin si Jenie ng nakangiti at bahagyang lumilipad pa yung buhok niya. Lumapit pa siya sa kin at slow motion niyang hinawakan ang pisngi ko at unti unti niyang pinikit ang mga mata niya.

At lumapit ang mga mukha namin sa isa't isa...



"Slade!"


Shoot!


"Slade!"

"H-ha?" gulat ko namang sabi.

...At bumalik na ko sa realidad.

"Para kang tanga na nakatulala." tawang tawa na sabi ni Terry. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Ha-ha-ha!" sarkastikong kong sabi.

"Slade? Okay ka lang ba? Parang wala ka sa sarili."

"Okay lang ako Jen. May sinasabi ka?"


"Slade sabi ko, anong nangyari sayo? Mukha kang na rape." alalang tanong ni Jenie sa kin.

"Ako na rape?" pag uulit ko naman sa huli niyang sinabi. Inunag ko naman yung noo kong nakakunot dahil sa sinabi ni Jenie.

Humagalpak naman sa tawa si Megaphone Terry. Supportive friend. Tsk tsk tsk.

"Napa away kasi ako kahapon kaya heto." ngiting ngiti kong sagot.

Tinignan lang ako ni Jenie na para bang hindi siya naniniwala.

"Kelan ka pa naging gangster?"

"Kahapon lang."

"Feeling gangster."

"Atleast gangster."

"Akala mo naman cool ka kung naging gangster ka."


Kumain naman kaming tatlo ng lunch. Si Terry lang yung nilibre ko dahil ayaw daw ni Jenie. Diet ata? Ewan.

Nagkuwento lang si Jenie tungkol sa lola niya at mga pinsan niya sa probinsya nila. Mga ganun.


Bumalik naman kami kaagad sa klase.


Pagkatapos ng klase ay dumiretso kaagad ako sa classroom nina Jenie. Sa kabilang classroom lang naman eh.


"Jenie."

"Slade, bakit ka nandito? Saan si Terry?"

"May meeting pa yun si Terry kasama ng ibang class officers. Nauna na lang ako." Kasi consort lang naman ako.

"Ah okay. Pauwi ka na?"

"Oo. Gusto ko nga sanang sumabay sayo pauwi."

"Pero hindi naman along the way ang bahay ko sa bahay niyo."

"Okay lang. Hatid na kita sa inyo."

"Hay naku." Kuya cardo.

At hinawakan naman niya yung kamay ko at kinaladkad papunta sa gate ng Academy.


Para naman akong timang sahil ngiting ngiti ako dahil magkahawak kamu ng kamay. First time to.

Hindi kaya siya naghuhugas ng pinggan? Ang lambot kasi ng kamay niya.

Ang lambot talaga ng kamay niya parang gusto ko na lang siyang hawakan forever at hinding hindi ko siya bibitawan.

"Hindi pa ba tayo sasakay ng jeep?" tanong ko dahil maraming jeep na yung dumaan pero hindi pa rin kami sumasakay.

May dumaan namang taxi at agad naman niya itong pinarahan.

Sumakay naman kaming dalawa.

Sinabi naman niya yung address ko sa driver.

"Sabi ko, ihahatid kita sa inyo. Hindi ko sinabing ihahatid mo ko."

"Ihahatid na kita sa inyo Slade. Ayoko kasing mapano ka. Baka makipag rambulan ka pa. Feeling gangster ka pa naman." sabi ni Jenie.




Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Basta next time ako naman ang maghahatid sa yo." sabi ko sa kanya.

Nakakahita naman kasi na siya tong babae peo siya pa yung maghahatid sa kin pauwi.

Hati naman kaming dalawa sa pamasahe sa taxi pagkadating sa tapat ng bahay.

"Salamat sa paghatid kahit hindi naman dapat."

"Cute mo talaga Slade." sabi niya habang nakangiti.

Anong cute sa sinabi ko?

Wierdo talaga ang mga babae. Basta basta ka na lang nila sasabihan na cute kahit wala ka namang ginagawa.

Hindi ko naman sila masisisi. Ang gandang lalaki ko eh.

"Mas cute ka." sagot ko naman sa kanya. "Halika, pasok ka muna sa mansyon namin papakilala kita sa ate ko."

"Hala! Hwag na. Nahihiya pa ko."

"Wag ka na mahiya. Mabait naman ate ko."

Bigla namang bumukas yung gate.

"Bunso---"

"---ate?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon