Page 9 1st Quarter top 10

238 2 0
                                    

//9//

Sept. 6

Absent si Aya, ano kaya nangyari sa kanya? Hala first time ko to na absent si Aya. So.. ang ibig sabihin nun wala ako kasabay sa break, kausap sa lunch at WALA YUNG TAO NA KUNG TUMAWA WAGAS.

Parang normal day lang ng pumasok ako sa classroom pero may club activities kami at may Mass sa school.

Maaga dumating si Chris at medyo malapit sya sa akin pero nung inayos ni mam ang upo namin sa chapel nakatabi ko sya.

"3 transferee ang magkatabi" sabi ni Chris habang nag sisimula ang misa.

Nakita kami ni mam nag uusap kaya nilayo ni mam si Chris sa akin. Natapos ang misa at Club activities na. Di ko nakasama si Chris sa kahit anong club pero nagkipaglaro sya sa akin ng badminton.

Tanghaling tapat at oras ng badminton club ko. Mag prapractice lang pala kami kala ko maraming gagawain katulad ng Math club ko. Nakita ako nina Elysa. Todo ang ngiti nya na parang napapangiti rin ako.

Tapos na ang club at lunch na kaya tinapos na namin ni Chris amg laro. Pagkatapos ng Lunch mag susubject na kami.

"Ok class we have a quiz" sabi ni Mam at English ang subject namin

Naku bagsak ako sa quiz 0/10 ako. Di ko kasi maintindihan ang intructions at mahina ako sa English. Wrong grammar nga ako tuwing nasagot ng english. Gusto ko sana na magaling ako sa english tulad ni Chris.

Uwian na at nagbadminton kami ni Chris ng sumigit si Alex. Ganda na nga at si Chris lang kalaban ko ng sumali si Alex. Hayaan ko na badminton lang naman yan eh. Ng matapos na kami mag badminton sinundo ako ni Papa kaya nauna ako kina Chris at Alex.

Bag lang pala ang kinuha ni Papa sa akin kaya uuwi ako ng solo dala dala ang raketa ko. Habang ako ay naglalakad na ngiti ako. Maya maya naman ay nakita ko si Chris naglalakad sa tabi ko habang nakain.

"Ano ni ngiti ngiti mo dyan?" tanong ni Chris parang nakanta kanina

"Wala pati... NAN DYAN KA PALA" sagot ko kay Chris na nagulat ako

Malapit na kami sa sakayan ng jeep.

"Sumakay ka na rin ng papuntang sa amin bababa ka lang naman sa tapat ng barangay ninyo ah" sagot ni Chris

"Oo sasabay na ako" sabi ko kay Chris

Matagal na rin ako hindi nasabay sa mga kaklase ko tuwing uwian kaya sumabay na ako. Hiniram ni Chris cellphone ko habang nasa jeep. Ang topic namin ay "Kung sino Crush ni Chris". Ilan beses ko pinaulit ulit pero ang clue ay...

Kaklase ko daw noong gr. 6. Nakatira sa calmar. Kilala ko at kilala nya. Yun lang

"Si Shane" sagot nya sa akin

"Ah iba naman ang section nun sa akin noong gr.6. Section A ako section B sya ah" sabi ko sa kanya

"Kasalanan ko bang hindi ko alam kung anong Section nya" sagot nya sa akin

"Yung akin naman ay hindi mo kilala" sabi ko kay Chris tapos nagpaalam na ako dahil nasa tapat na ako ng barangay namin.

Sept. 9

Monday na! Gusto ko lang naman matulog ulit dahil ang lakas ng ulan at ang lamig ng paligid. Gagawain ko ang Daily Chores ko (Sorry na pag mali ang spelling) sa umaga. Tapos agad punta sa school para maraming FREE TIME. xD

Exsaktong pagpasok ko sa mismong pintuan ng classroom namin...

"SA WAKAS DUMATING SI KATE" sabi ni Aya

Diary ng Highschool GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon