Page 1 First Week of School

795 16 8
                                    

 //1//

    Ako si Kate Castillo. 12 years old, Female grade 7 na. Ako yung babae na may medyo mataas ang grade noong grade 6 pero di ko lang alam ngayon.

Naglalaro ako ng mga online games katulad ng Dota, xBox at iba pa. May unti katangian akong tomboy at ang favorite colors ko ay naaayon sa mood ko.

Ngayon parang gusto kong kulay turquoise at cerulean, pero ang main favorite color ko ay white dahil pure at color ng snow.

June 10

      Nakakaamad gumising sa umaga pero kinakailangan para di ka mahuli sa klase. Gumising ako kahit antok pa rin ako tapos ginawa ko yung ginagawa sa umaga.

Nagpaalam ako sa magulang ko at pumunta ako sa bago kong paaralan. Pumunta ako sa classroom ko at doon ako ay naghintay dahil sarado pa.

 Ang section ko ay "7 Rose". Pumupunta ako dito ng magulang ko noong bata pa ako kaya alam ko na ang mga iba't ibang lugar dito.

May ilang estudyante ang naghihintay din katulad ko at alam ko na na magiging kaklase ko sila.

May nag cecellphone, may nag kwekwentuhan, may nag hahabolan at may nag lalaro habang ako tahimik lang nakikinig sa usapan nila.

    Sa wakas dumating na rin ang teacher at binuksan ang pintuan.

Kahit saan saan na lang daw kami uupo kaya pinili ko yung parang pwesto kung saan malapit sa bintana para makita ko ang langit.

Ang teacher namin ay si Mam Angela Lopez. At katulad ng laging ginagawa tuwing first day magpapakilala.

"I am Kate Castillo a transferee. I came from Western Public School" sabi ko sa klase.

  Nang magbreak na dumiretso ako sa canteen ang daming tao.

"Ganto ba talaga araw araw?" tanong ko sa aking sarili

       Kaya bumalik na lang ako. May mga ilang classrooms ang dinaanan ko at hinahanap ko si Elysa Manzano.

Best friend ko last year at kami lang ang galing sa Western Public School na transferee. Nakita ko si Elysa naka tulala sa clasroom "7-Lilac".

"Ely!" sigaw ko kay Elysa

"Mayroon ka na bang bagong kaibigan Ely?" tinanong ko sa kanya

"Wala pa pero may isang gusto maging kaibigan ako," sabi ni Elysa.

"Buti ka pa" sabi ko sa sarili ko. Nag uuli kami ng nagpasukan na mga kaklase ko sa classroom.

"Bye Ely, sabay tayo sa lunch ahh" sabi ko habang tumatakbo.

    Tapos na ang Break time at nagpagawa ng group activity si mam. Knowing each other pa rin ang activity.

Group 3 ako at nag usap kami ng ka group ko.

Habang kami ay nag uusap, may napansin ako isang lalaki naka headphones sya ay nasa likod ko.

Di ko sya kilala at di nya ko kilala pero bakit nasabi ko sa aking sarili na "Di kita magiging crush".

Nagpatawa naman ang isa kong ka groupo, nag tawanan naman kaming lahat kahit corny. Maya maya tinawag nya isa naming kaklase.

"Matt! halika ka dito" sabi ni Paulo yung nagpapatawa.

Lumapit yung isa kong kaklase siguro sya si Matt.

"Ano yun?" sabi niya.

"Tawag ka nito ohh" sabi ni Paulo sabay tinuro ako.

"Di ahh" sabi ko habang natawa ang kagroup ko.

Bumalik na sya sa upuan nya dahil alam nya yata na pinagtritripan lang siya.

"Bagay nga kayong dalawa ni Matt" sabi ni Anne Johnson ka grupo ko.

  Si Matt Castro ay nasa group 1 at katulad nya yung bestfriend kong lalaki dati, mas matangkad at matalino nga lang sya.

Nang matapos na ang Activity nagpalabas na si Mam dahil 12:00 na lunch time na.

Hinihintay ko si Elysa gawa ng lunch na pero di pa sila labasan. May mga ilang kaklase ko ang dumaan pero di pa nila ako kilala kaya di nila ako pinansin.

Nakita ko yung lalaking naka headphones. Medyo sya gwapo I mean cute pala pagganun ang style pero wala akong pag asa sa puso nya. Teka aral aral muna kailangan ko muna makakuha ng mataas na grade ngayon.

Nag labasan na si Elysa at may kasama syang babae.

"Kate ito si Jane yung babae na gusto kumaibigan sa akin" sabi ni Elysa

"Ah siya pala" sabi ko

Di na ko nagsalita dahil masaya silang nag uusap sa canteen, na Out of Place tuloy ako. Pero ok lang yun dahil matagal na kami magkaibigan ni Elysa.

Kkkkrrriiinngg!!!

Nag bell na. Pumasok na ko sa aking classroom at may binigay na papel si Mam sa amin. "Activity #3 Knowing about each other" ang nakasulat.

"Ang gagawain lang ninyo ay magtatanong lang kayo sa kaklase ninyo na kung sino marunong sumayaw, kumanta, etc.." sabi ni Mam

  Ng nag simula na kami na kopya na lang ako sa kaklase ko, kung saan may nag susulat ng pangalan nila dun ako napunta.

May nagpapalagay din sa akin, nilagyan ko yung "knows how to dance" dahil kasali ako sa dance troupe noong gr.4.

Habang ginagawa namin ang aming activity nalaman ko na yung namin kaklase ay nakapag cosplay na.

  Ang pangalan nya ay Aya Drevis taga group 2. Gusto ko siya maging kaibigan dahil ngayon lang ako nakakita na ang kaklase ko ay isang fellow "Otaku".

Nang matapos na ang activity pinauwi na kami at kasabay ko si Elysa sa jeep. Pagkauwi ko nang bahay diretso ako nag Fb, nag add ako ng ilan kong kaklase at baka sakali na makilala nila ako.

Ni add ko na pati si Aya, accept na lang ang kailangan ko.

June 11

    Pumasok na ako sa school at parehas lang ulit ang gagawain. Nag assign kami ng mga officers, coordinator at leaders ng bawat group.

Ang leader sa amin ay si Michael Santos. Maingay siya at laging nagpapatawa kahit minsan corny.

Ang mga kagrupo ko ay sina Paulo Braga, Stella Narah, Ariane Bellamar, Anne Johnson, Adrian Villanueva, at Ron Ortega. Binabalak ko sana makausap si Aya pero nahihiya ako.

Lunch na at may bagong kasama si Elysa.

"Kate ito si Chloe kasama na natin sya tuwing lunch. Kamukha nya pati si Chesca sa ating dating school" sabi ni Elysa

"Ah oo nga ano~" sabi ko.

 Di na ulit ako nag salita ng lunch at bumalik na ako sa classroom pagkatapos. Ng nagsimula na ang klase nakikinig na lang ako at ng labasan na umuwi na ako sa aking bahay.

Naka usap ko si Aya at nagtatanong ako tungkol sa anime sa Facebook.

June 13

     Sinusundan ko si Aya ngayong break at naging magkaclose kami. Nakilala ko na yung lalaking naka headphones ang pangalan nya ay "Christian De Castro" ang tawag sa kanya ay "Chris".

Nakilala nya rin ako dahil lagi ko kasama si Aya. Lagi ni lalaro ni Chris sa Aya tulad ng habulan, sipaan at kulitan.

Half Japanese at half German si Aya nag aral lang sya ng Filipino.

May ex-boyfriend si Aya, Manuel ang pangalan. 1 year and 2 months sila nagkasama at may bagong nililigawan ito si Meah na kaklase ni Elysa.

Nalaman ko na rin na kaibigan ni Chloe si Aya noong kinder. Alam ko na di pa nakaka move-on si Aya.

"Si Nathaniel ang crush ko" sabi ni Aya sa akin.

Si Nathaniel Ramirez nga pala ay ka grupo ni Aya. Magka height lang sila. Pero bakit ako wala pang crush?

Diary ng Highschool GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon