Page 10 Sa bahay nina Sadie

242 1 0
                                    

//10//

Sept. 13

Yes! half day makakapaglaro ako ng video games at ng anime mamaya.

Dumating si Chris. Ah ba't ang aga ni Chris pumasok ngayon. 6:20 palang naman ah.

"Kath"sabi ni Chris

"Sabing wag Kath, Bakit?"Tanong ko

"Wala lang" sagot nya

Wala kaming subject dahil busy daw sina mam.

"Chris pano mo nga nalaman yung Kath?"

"Secret"

"Sabihin mo na kasi"

"Pahiram salamin mo tapos sasabihin ko"

binigay ko salamin ko.

"Sabihin mo na"

"Secret"

"Akin na salamin ko"

:P

"Akin na"

"Oh sayo na sayo na"

"Salamat naman... Pano mo nalaman kasi"

"Secret nga"

Ni try kng kilitin si Chris pero nakiliti lang sya sa kanyang tuhod. Pinipigilan nya ko kaya hinawakan nyang mabuti ang kamay ko. Yan tuloy di ko makiliti si Chris.

"Pag tinuloy mo yan lalong di ko sasabihin"

Nalaman ni Jm na may kiliti si Chris.

John Matthew (Jm) Fernando- Katabi ko sa bagong seating arragement. B-9. Maingay. Group 1.

"Pag dyan ang kiliti sa tuhod maya maya dun naman malapit sa pwet tapos dun naman sa gitna ng legs" sabi ni Jm

"Bastos baga ni Jm" sabi ko

Hawak hawak pa rin ni Chris yung Kamay ko ayaw bitawan dahil kikilitiin ko ulit sya. Memorable ang time na yun ah. Hindi maaring holding hands pero malapit na sa kamay. Sana nanatili na lang ganto ng...

"Chris maglinis ka!" sabi ni Anne

Nasira tuloy yung timing. Minsan na nga lang mangyari yun nasira pa gawa ni Anne. Hmm siguro nagseselos si Anne? Ah basta.

Naglinis kami at nilinis ko yung bintana.

"Ah Kate sama ka samin puntang Mall?" sabi ni Aya

"Sige sama ako"

"Ui Kate gusto mo talagang malaman? yung Kath?" tanong ni Chris

"Sige" sagot ko naman

"Secret"

"Ah ah naman. Oo nga pala pupunta kayo sa Mall ni Noah ano?"

"Oo"

"Edi sabay na tayo ni Aya, pupunta rin naman kami eh"

"Sige"

Pagka-uwian kasabay nga si Chris at Noah. Tatawid na kami ng dumaan ang mga motor. Nakatawid na si Aya at Noah pero kami ni Chris hindi pa. Ano to Lord? Pag-asa ba ang binibigay mo sa akin.

Nakatingin kami sa mga nadaang motor ng nilagay nya ang kamay nya sa harap ko. Parang sinasabi na "Wag munang tatawid". Ano to protective? dun sa mga motor? Dahil ba pagnasagasaan ako ikaw sisisihin ko?

Diary ng Highschool GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon