Extra

129 5 2
                                    

Mag Susummer na...

Bilis ng panahon. Sa bilis ng panahon nakalimutan ko na ang ilalagay ko dito. Pero bago mag bakasyon may pinagawa si Mam na Assigment na by Pairs. Naku naman si Matt pa talaga ang kapartner ko. Sure ako na magiging Awkward to.

"Kaw ang magreresearch ah" sabi ni Matt

"Oo na po" sabi ko

Kung kailan ko panaman nilalayuan si Matt saka kami pinaglalapit ng tadhana. Nilalayuan ko sya dahil nilalayuan nya din ako. Noong Christmas party kasi pinaghugas kami ni Mam ng pinggan na pinagkainan namin by group.

Magkaiba kami ni Matt ng group pero pinaglinis kaming dalawa ng plato. Magkatabi tuloy kami sa paghuhugas ng pinggan at kinakausap ko na lang si Noah noong oras na yun.

"Asan na yung Noah na yun?!" sabi ni Matt simula na nagtabi kami sa paghuhugas tapos umalis si Noah.

"Sabi nya sya magdadala ng pinggan pabalik ng classroom. Patapos na ako dito eh" sabi nya pa. Buti na lng mas mabilis ako maghugas at magpunas ng pinggan noong oras na iyon. Tapos tuwing computer time magkatabi kami.

Kahit sabi ni Mam na "Share your computer if your seatmate was not connected". Si Matt di connected edi nakishare na lang sa kabila nyang katabi.

At ang nakakainis sa lahat tuwing nag rerecitation si Matt o nag prepresent na tingin sa akin ang mga kaklase ko sabay "Si Kate".

"Ayie Magkapartner sila" sabi ni Camila

"Oo nga magkapartner sila" sabi ni Aya

"Sige pa sige pa. Pagnainis ako tatadyakan ko kayo" sabi ko

"Ayie magkapar-" sabi ni Chris pero tinadyakan ko na agad

"Aray" sabi ni Chris

"Ui Kate ano ginawa ko sa boyfriend ko" sabi ni Anne. Naging sila nga pala noong pasko pa. Ito naman kasi si Anne kala na mag aaral na sa Amerika si Chris yan tuloy napaamin.

"Nang iinis kasi" sabi ko

"Kami ang nagsimula ng pang iinis pero si Chris ang nagbayad ng kasalanan namin" sabi ni Camila at Aya

"Pahinging pagkain" sabi ni Sadie. Binigay ko na lng ang pagkain ko nawalan kasi ako ng gana.

"Nakakasira ang araw na to" sabi ko sabay bumalik na ako sa upuan ko at naglaro na lng ng Minecraft.

KINAKABUKASAN

Pagdating ko sa klassroom wala pang tao. Hihintayin ko na lng si Matt para dun sa research ko. Di tumagal at si Matt ay dumating at binigay ko na ang ni research ko.

"Mamili ka na lng dyan ng maganda" sabi ko. Habang comment ng comment si Matt sa mga na research ko nag uli ako sa klassroom. Atleast para makalayo lng kay Matt. Kaming dalawa lng sa classroom eh.

"Ito naman bawal daw ang (etc.)" sabi ni Matt. So ngayon sinesermonan ako. Oo na po oo na. Nang natapos na ang mga etc. ni Matt biglang dumating si Aya at sinamahan ko sya papuntang canteen at sinabi ko kay Aya ang lahat ng nangyari.

"Awkward nyong dalawa ano?" sabi ni Aya

"Paano yan di magiging awkward eh nalaman nya na crush ko sya dati pa" sabi ko

"Let it go. Kaya mo yan" sabi ni Aya

KINAKABUKASAN

Pinasa na ni Matt ang by pair namin na gagawain. At may isang bawal nga katulad ng sabi ni Matt.

LAST DAY OF SCHOOL

Yes bakasyon na bukas makakapagpuyat na. Uwian na pati kami ng may sasabihin lng daw si Matt saakin. Ano kaya yun?

"Hoy" sabi ni Matt

"Ano ang gusto mong sabihin?" tanong ko

"Well ginagawa ko to minsan pag last day of school" sabi ni Matt. Di kami close ah ba't parang may ishashare to sa akin.

"Yung alin?" tanong ko

"Kate, gustong kong sabihin na naging crush kita ngayong school year na to kaya gusto ko malaman kung ba't mo ko nilalayuan simula pa noong January" sabi ni Matt. Teka ano sinasabi nito?

"Di ako nagbibiro na mahal kita this school year" sabi ni Matt. Di nga ako nagkamali sa nakinig ko.

"Kaya ba't mo ko nilalayuan?" sabi pa ni Matt.

"LECHE KA" sabi ko.

"Bakit?" tanong ni Matt

"Kaw nga dyan ang nalayo ginaya lng kita!" sabi ko

"Ah kaya naman pala" sabi ni Matt

"Nakakasura ka pati" sabi ko

"Bakit naman uli?" tanong ni Matt

"Kasi... Ba't ngayon mo lng sinabi?!" tanong ko

"Eh gusto ko ngayon eh. Pati yun lng ang gusto kong sabihin. Pati lilipat na ako ng ibang school sa June kaya di mo na ako makikita muli" sabi ni Matt habang naglalakad palayo.

Di ko na pala namalayan na naiyak na pala ako. Pero di ko sinabi sa mga kaklase ko ang nangyari.

THE END

Diary ng Highschool GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon