Page 6 Last Day of Intrams

228 5 0
                                    

//6//

Aug. 23

Nang malapit na ako sa aking classroom nakinig ko ang sigaw ni Anne.

"YEAH Si AYA"

Pagkatapos nakita ko si Kunlun sa tapat ng room.

"Ah alam ko na kung anong meron" sabi ko pagkapasok sa classroom

Umalis na sin Kunlun. Maya maya...

"Kate samahan mo ko kay Kunlun" sabi ni Aya

"San?" tanong ko

"Sa grade 10" sabi nya

Umakyat kami ni Aya pero bumaba si Aya dahil kinikilig sya. Umakyat ulit si Aya at nakita si Kunlun kaya bumaba na kami. Nag usap sila sa labas ng classroom na may kasamang...

"SI AYA!" sabi ng mga kaklase kong babae.

Umalis si Kunlun tapos...

"Ay may nakalimutan akong sabihin kay Kunlun" sabi ni Aya tapos hinanap si Kunlun.

Hay naman pag dumating si Mam late ka na. Bumalik si Aya tapos na raw nya sabihin kay Kunlun yung sasabihin nya.

Dumating si Mam at pinapunta kami sa Chapel. Ang ginawa naman sa chapel ay nagdasal ng rosary at nag misa.

Pagkatapos mag misa ay pinabalik kami sa classroom.

"Pagdating ng 12:00 ay nandito na sa classroom ha para maaga tayo sa pupuntahan natin" sabi ni Mam

"Ngayon ay manood muna kayo ng laban sa Gym o Cover court sasaraduhan ko ang classroom" dagdag ni mam.

"Tara sa Cover court nan dun si Kunlun" sabi ni Aya

"Sa Gym ako" sabi ko

"OK FINE" sabi ni Aya papuntang cover court

Nakita ko si Kaycee at ang iba namin kaklase. Sumabay ako sa kanila dahil papunta silang Gym. Tumambay kaming mga babae ay sa mga upuan habang ang mga lalake naman ay sa stage.

Nag table tennis si Kevin at si Chris naman ay naglalaro nanaman ng video games. Tinitignan ko sya ng patago pero parang alam nya. Maya maya umalis na sila.

Nakikinig ako sa mga Remix Songs sa cellphone ko nang dumating sina Andrew dala dala si Matt na parang pinilit sumama.

"11:00 ang lunch" sabi ni Andrew

Umalis na sila. Wala akong magawa at gusto kong mag uli.

"Kaycee mag-uuli lang ako. Yung secret ah" sabi ko kay Kaycee

"Ok, Promise ko yun" sabi ni Kaycee

Umalis ako at nakita ko si Aya kasama si Kunlun.

"Hoy hinahanap kita kanina pa" sabi ni Aya

"Di ba sabi ko sa Gym lang ako" sabi ko

"Hoy san ka pupunta?" tanong ni Aya

"Tatambay lang sa tapat ng classroom" sagot ko

"Walang tao sa tapat ng classroom at wala dun yung CHRIS mo" sabi ni Aya

"Nasa Gym si Chris" sabi ko kahit wala sya sa gym

"Sige pumunta kana" sabi ni Aya

Pumunta ako sa tapat ng classroom. Nakita ko sina Andrew, Ron Pilar at Kevin, habang nakaupo sa hagdanan si Juan at Matt.

Diary ng Highschool GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon