Page 4 HBD Aya / College Day

359 11 3
                                    

//4//

Aug. 13

     Birthday ni Aya at mag lilibre sya ng lunch sa Mcdonald. Noong pumasok ako sa school iniinvite niya crush nya.

"Try mo nga invite crush ko" sabi ko tapos dumating si Mam

   Nag rosary kami at nag check ng attendance. "Absent na naman si Matt, paano kaya siya makakapag practice ng tula?" tanong ko sa aking sarili.

    Pagkatapos namin mag rosary nag practice ulit kami ng Tula at nag formation na pati.

Doon ako sa huli dahil matangkad ako at medyo malapi lapit kay Chris. Papali palit lagi ang position ko gulo kasi ni Mam.

     Oras na ng break at sinasamahan ko si Aya mag tanong kung sasama pa ba yung taga ibang section.

Yung iba "oo" yung iba "hindi" at ang kitaan namin ay sa tapat ng classroom namin. Natapos na ang break at ilang oras na ang lumipas Lunch na.

    Naglabasan na kami at nag hintay. Ang dami namin 16 kami. Ang mga kasama namin ay Ako si Chris, Aya, Ian, Camila, Andrew, David at Noah sa 7-Rose.

  Ian Cain- Top sa klase, Camila Colee- bestfriend ko, Andrew Gibson- kaklase ko, David Gibson- di kapatid ni Andrew and Half Italian, Noah DeLeon- bestfriend ni Chris and Half German. 

  Si Elysa, Chloe, Meah, Jacob at William sa 7-Lilac.

 Chloe Deckerman- bff ni Aya mula Kinder , Meah Suzuki- Half Japanese at bff namin ni Aya, Jacob Dela Cruz at William Ramos- bff ni Aya.

 Si Lydia sa 7-Sunflower at si Abigail at Layla na di ko alam ang section. Di ko sila Kilala kaya di ko na lang sasabihin kung sino sila.

   Ang tagal ni Lydia kaya pinuntahan na namin siya. Niloloko ko si Chris dahil sabi nya crush nya daw ay taga 7-Gumamela.

Ang classroom ng 7-Gumamela at 7-Sunflower ay magkatabi lang.Tapos maya maya inamin nya na ang tunay nya na crush ay si Violet sa 7-rose.

Si Violet Ellis ay bestfriend ni Stella na half American.

  Ok lang naman sa akin na may crush sa iba crush ko basta masaya siya pero nag seselos ako at dinadaan ko na lang sa ngiti.

   Sinundo namin si Lydia habang lagi kong yakap si Elysa. Pagkalabas namin sa gate ng school sumakay kami sa tricycle.

   Nasa likod ako ng driver kami ni Elysa. Si Chloe at Aya ang nasa loob habang si Chris at Noah naman ay nasalikod ng tricycle buti nga di sila na hulog.

Yung iba naman nasa kabilang tricycle. Pagdating sa Mcdonald tinitigan naman nina Chris yung mga laruan na naka display.

"Kumuha na kayo sa upuan sa taas at yung ilan sa inyo tulungan ako magdala ng pagkain" sabi ni Aya at sinunod namin sya dahil sya ang Birthday girl.

   Pagkaupo ko gusto ko kasama kumain si Chris buti na lang kinuha niyang upuan ay malapit sa akin. Habang naghihintay nag picturan kami. Lagi kong tinitignan at pinipicturan si Chris ng di nakakahalata pero alam nya.

 "Elysa kilala mo ba crush nito" sabi ni Camila kay Elysa sabay turo ako.

"Sabi nya wala pa" sabi ni Elysa

Diary ng Highschool GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon