Page 8 2nd Quarter

339 3 0
                                    

//8//

Aug. 29

Medyo late na ako gumising kaya marami rami nang tao sa classroom. 7:15 ang time at pumasok si Chris ng 7:14.

Back to regular classes na kami. Nag bago na pati si Mam ng seating arragement.

Sayang naman alphabetical order ang upuan namin, malayo kami ni Chris sa isa't isa. G-4 ako at B-8 naman si Chris katabi nya si Anne. Si Anne nga pala ay may crush kay Chris.

"Pag wala pa ang subject teacher mag isip kayo ng iprepresent sa Parents Day, President" sabi ni Mam

Pumunta sa unahan si Ian dahil sya ang president.

"Hoy anong iprepresent natin?" tanong nya sa kaklase namin

"Dapat May sasayaw" sabi ng isa kong kaklase

"Kakanta" sabi ng iba

"Role play" dagdag nila

"Tutugtog" sabi nila

"Sinong marunong sumayaw, Kumanta etc" sabi ni Ian

May nag taasan ng kamay. Napansin ni Ian ang ingay ni Anne at Chris.

"YUNG DALAWA" sabi ng kaklase ko

"Hindi ah" sabi ni Anne

Maya maya nakita ko ang kamay ni Chris hinahawakan yung tali sa bag ni Anne at parang naka akbay na. Dun sa nakita ko laman ako nag selos.

Diretso ang usapan nina Chris at Anne. Pero bakit kaya nya tumingin sa mata ni Anne ng diretso?

Dumaan ang ilang oras at science na. Binigay na ni Mam ang grades namin at 91% ang grade ko.

"Kate anong grade mo sa science?" tanong ni Matt

"91%" sagot ko kay Matt

Sabay umalis si Matt at hinabol ko

"Kaw ba ano grade?" tanong ko kay Matt

"80%" sagot nya sakin

Bigla ko lang na isip na ito yung first time na nag tanong ako sa kanya ah.

Lunch na at sumabay ako kay Elysa at sumama si Meah. Mabilis akong kumain dahil gusto ko lang tumambay sa classroom.

"Hoy" sabi ni Chris na naglalakad pala sa likod ko.

"Anong grade mo sa science?" tanong ko kay Chris

"81%" sagot nya

"Ah yung akin baka mali ang calculation" sabi ko

"Sabi ni Meah sasabay daw sya sa akin" sabi ni Chris

"Eh sumabay si Meah sa amin ngayong lunch" sagot ko

"Nakaupo kasi sya dyan" sagot nya

Di na kami nag usap dahil iniisip ko nga yung grade ko sa science. Nakita kami ni Aya na magkasama, kasama nya si Kunlun.

"Nag dadate yung dalawa" sabi ni Chris

"Oo nga" sagot ko

Dahan dahan nalakad ng palayo sina Aya tapos kina usap ko habang nakikinig naman si Chris sa usapan namin,

"Ay walang kausap" sabi ko kay Chris

Umalis si Chris tapos nag badminton.

"Teka nasaktan sya sa sinabi ko? sorry naman oh" sabi ko sa aking sarili.

Diary ng Highschool GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon